Chapter 2

199 16 7
                                    

KINABUKASAN matapos ang nakakabusog kong kain kagabi ay maayos akong nagpaalam kay Maesie at nagpasalamat na dinala niya ako sa pa gig with foods niya. Ang babae mukhang lumulutang sa kilig at hindi na ako napansin na umalis at nagpaalam sa Mama at Papa niya.

Sa ngayon abala akong naglalaba ng mga damit dito ng mga tiyo at tiya ko dito sa may likuran ng bahay. Nakikitira lang kasi ako dito lalo na at wala rin naman akong ibang matutuluyan. Ito na rin ang nagsisilbing bayad ko sakanila sa pagkupkop nila sakin dito. Nakakapagod pero mas ayos na ito kaysa sa wala akong matirhan. Kada linggo ko lang naman nilalabhan ang mga damit nila dahil may trabaho rin kasi ako doon sa coffee shop bilang waitress tuwing Lunes, Miyerkules hanggang Huwebes. Hindi masyadong malaki ang sahod pero ayos na kaysa tumambay dito sa bahay at walang pera.

"Steff!"

"Po?"

Napatigil ako sa pagkusot ng mga labahin at napalingon kay Maria Rita na siyang Auntie ko na kakagising lang.

"Pagkatapos mo dyan pumunta ka doon sa Watson" hindi ako nag salita.

"Oh! Two thousand pesos yan, isauli mo ang sukli. Bumili ka doon ng skincare ko, basta alam mo na yon" inis niyang nilahad sakin ang pera kaya naman ay mabilis kong pinunasan ang kamay kong may bula pa at agad na kinuha ang pera.

Akmang aalis na sana siya at babalik na sa loob ng bahay pero bigla ko siyang tinawag.

"Auntie"

Nakakunot ang noo niyang humarap sakin.

"M-may natira pa po bang ulam? Hindi pa kasi ako nakakain kanina kasi inuna ko ang mga gawain dito sa bahay——

Napatigil ako nang mas lalong nasira ang mukha niya habang kumukuha ng pera sa kanyang pitaka.

"Oh pagkasyahin mo nalang iyang beinte" napatulala nalamang ako sa perang inabot niya sakin. "Ano ba! Bilis!"

"S-salamat po" halos pabulong kong sabi sabay tanggap sa perang inabot niya. Hindi naman ako humihingi ng pera pero mas mabuting tanggapin nalang itong binigay niya para dagdag ipon ko na rin.

"To naman oh! Nakikitira ka na nga dito nakikikain ka pa!" tinalikuran na niya ako at naglakad na papasok ng bahay.

"Hay! Jusko! Anak ng anak hindi rin pala paninindigan ang bata"pagtukoy pa niya sa mga magulang ko. "Tuloy kami ang nahihirapan dito! Dumagdag ka pa sa mga gastusin"

Kahit nasa loob na siya ng bahay ay rinig ko parin ang bulyaw at panunumbat niya sakin lalo na sa magulang ko. Tahimik lang ako at kahit gusto ko mang sumagot ay nilunok ko nalang ang mga salita na gusto kong ilabas dahil alam kong tama rin naman siya. Ayaw ko ring sagutin siya dahil baka mapalayas pa ako ng wala sa oras.

Wala akong magawa kundi ang ipagpatuloy nalamang ang paglalaba sa mga damit nila at wala sa sariling pinunasan ang luhang namumuo sa mga mata ko. Isa sa pinakaayaw ko sa sarili ko ay ang dali ko lang maiyak, simpleng masakit na salita lang gaya ng narinig ko mula kay Auntie Rita ay nasasaktan na ako. Kahit wala namang dapat iiyak doon kasi totoo naman pero hindi ko mapigilan ang sarili.

Bakit ba kasi nabuhay pa ako? Kung bubuhayin lang pala ako ng magulang ko sana naman binigyan nila ako ng maayos na pamilya at hindi itong binuhay pa nila ako para magdusa ng ganito.

Nine years old palang ako simula nong nagdesisyon ang mga magulang kong mag divorce. Dati todo effort ako para hindi nila ituloy ang paghihiwalay nila. Ginawa ko lahat. Nararamdaman ko na rin kasi na unti-unti ng nawawala ang sigla at pagmamahal nila sa isa't isa na tila parang napipilitan nalang silang pakisamahan ang isa't isa alang-alang sakin para mabigyan nila ako ng kompletong pamilya.

The Tale Of Our Romance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon