Chapter 4

165 11 3
                                    

Steff's POV

Walang sinoman ang unang nagkusang magsalita saaming dalawa at panay lamang ang titig namin sa isa't isa. Nang makarating ako dito sa tagpuan namin dito sa 'Chill Cafe' ay mabuti nalang at agad niya rin akong tinawagan.

Nong una panay ang lingon ko sa paligid dahil hindi ko naman siya nakikita o namamataan, kaya pala nasa pinakasulok siya nakaupo dito sa Cafe. Mukhang nag-aalinlangan panga niyang itaas ang kanyang kamay para makuha niya ang atensyon ko kanina.

At ngayong nasa harap ko na siya at nakaupo na dito sa harapan niya, hindi ko alam kung paano ko siya i-approach lalo na at tulala lamang siya simula nang makarating ako dito.

Ngumiti ako at umayos sa pagkakaupo sabay pasada ng tingin sa pagmumukha niya.

"Hi" magiliw kong bati para kahit papaano ay mawala ang awkwardness na namamagitan saming dalawa.

Pinasadahan ko ang kabuuan niya at masasabi kong hindi siya katulad ng mga lalaking kadalasan kong nakikita ngayong henerasyon. Mukhang late bloomer ata ang ang isang to at tila nadala niya ang fashion sa nakaraan ngayon sa hinaharap. His looks and appearance is——unique??

Hindi siya physically attractive sa totoo lang, kung sino sigurong taong titingin sakanya ay nababaduyan sakanya. Mukha siyang nerd na nawala na sa tamang pag-iisip o di kaya isang scientist na nabaliw kakaresearch pero sa huli, pinili ko paring magpatuloy at samahan siya dito.

Hindi sapat ang anyo niya para umatras, malay natin diba? Baka totoo talaga ang personality na pinaparamdam niya sakin noong nag-uusap palang kami sa Dating App.

Subukan ko nalang na kaibiganin ang lalaking to. Total, marami rin namang mga gwapo na manloloko so why not e-try natin ang mga lalaking hindi attractive diba? Baka sakaling wala itong lakas na loob na magloko. Subukan lang nila, pasalamat sila may pumatol pa sakanila. Ay potcha! Ano bang pinagsasabi ko?

As if namang tutulad ako kay Maesie na kakarengkeng! Friendship muna ang habol ko, pass muna ako sa Relationshit.

"Ayos ka lang?" medyo nasira pa ang mukha ko na para bang naapektuhan na rin sa pagiging mahiyain niya. Halatang kabado siya at di mapakali o baka nagkukunwari lang to?

Nanginginig itong napangiti sakin at ang mga mata niya ay kung saan-saan nalang nakatingin na tila hindi niya alam kung saan niya idadapo ang paningin niya.

"Yup! Kinakabahan lang ako" nauutal niyang sabi na siyang ikinakunot ng noo ko. Bakit pamilyar ang boses niya? Saan ko ba narinig ang ganitong boses? Napangiwi nalamang ako sa iniisip. Marami namang magkapareho ng boses kaya bakit pa ba ako nag o-overthink dito?

"Bakit ka kinakabahan? Natatakot ka sakin?" Nanlaki ang mga mata niya at iwinawagayway ang magkabila niyang palad sa harapan ko sabay iling.

"It's just that—— this is my first time meeting someone na nakilala ko through online app" napatango ako ng ilang beses pagkatapos ay nakangiti kong ipinatong ang magkabila kong mga braso sa mesa sabay hinga ng malalim na tila ba humuhugot narin ako ng lakas ng loob na simulan tong kagagahan kong makipaghalubilo sakanya.

"So? Pano ba to? First time ko rin kasi" nahihiya pa akong napatawa. Hindi ko alam pero bakit napapansin kong tila nagpipigil siya ng tawa? Batukan ko kaya?

"I think we should properly introduce ourselves first, what do you think?" Nagkibit balikat lamang ako sa sinabi niya na para bang ipinapahiwatig ko lang sakanya na ayos lang sakin.

"Okay, mas mabuti nga yon"

Sa isang buwan na nag-uusap at nagpapalitan kami ng mga messages ay tanging edad at pen name lang talaga ang alam namin sa isa't isa. Kaya maraming mga taong nag download sa Dating App na sinalihan din namin ay maliban kasi sa maganda at walang issues, nakakaintriga rin kasi siya.

The Tale Of Our Romance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon