Chapter 20

93 6 0
                                    

"Te anyare? Kulang nalang may pa fireworks na puso kayo dito sa loob ng resto tapos ngayon? Bat kumilimlim ang ulap? Mood swing lang? Matapos mo akong pakiligin sa moment niyong dalawa, aalisin niyo agad?"

Napa-side eye nalamang ako kay Maesie na agad akong nilapitan nang iwan muna ako pansamantala ni Matthew dito, bigla kasi siyang tinawag ni Dominic at mukhang may pag-uusapan pa sila doon banda sa likod ng stage kasama iyong kaibigan ni Dominic na siyang nag invite sakanila dito at siyang may-ari rin nitong venue.

Napangiwi ako nang maalala ang sinabi niya bago niya ako iniwan dito.

'Diyan ka lang, hindi pa tayo tapos mag-usap'

Nag-uusap lang ba talaga kami kanina? Bakit tila gusto niyang makipag-away para suyuin ko siya? Siraulo ba siya? Ang ganda ng moment kanina tapos bigla nalang siyang nagkakaganon nang dahil lang sa ngumiti ako doon sa lalaki? Angalan namang aawayin ko eh maayos na humingi naman iyon ng pasensya nang nabangga niya ako.

"Maesie, send me our pictures, ipalalaminate ko" napalingon ako kay Kian na lumapit dito sa kinaroroonan namin ni Maesie, ang mga mata nito ay nakapukos lang sa phone screen ni Maesie na siyang hawak niya, mukhang natutuwa pa siya na pinagmamasdan niya ang mga pictures nilang dalawa kanina.

"Oh really? Sure, send ko sayo later sa insta para good quality"

"Steff picture tayong tatlo, hindi ka namin malapitan kanina, ayaw namin sirain yung moment mong nakatulala kay Matthew" napakunot ang noo kong napalingon kay Kian.

"Oh ano? Itatanggi mo? I'll slap you talaga para magising ka" banta pa ni Maesie kaya naman ay napabuntong hininga nalamang akong napatingin sa deriksyon kung saan pumasok si Matthew papuntang back stage.

Maya-maya lang ay bigla na silang nagsilabasan kasama ang mga ka banda niya. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang napabagsak ang mga balikat ko ng makita siyang huling lumabas sa may door frame, kasabay niya ang isang tila isang model na babaeng nakangiting nakatingin sakanya na animo'y may pinag-uusapan silang nakakatawa.

Siraulo!

Nagagalit siya sakin dahil sa ngumiti ako doon sa lalaki, eh ano naman siya? Ngumingiti nga siya sa babaeng yan. Hindi naman porke ngumingiti tayo sa iba ay may ibang kahulugan na, t*ngina ba siya!

"Uwi na tayo"

Napansin ko ang pagtinginan nina Maesie at Kian na tila nagtataka sila bigla sa naging mood ko. Maski ako ay nagtataka rin kung bakit gusto kong biglang sumabog sa inis.

"Steff, saan ka ulit?" Habol pa sakin ni Maesie at tila ayaw pa niyang umuwi at gusto akong hilahin pabalik doon sa pwesto namin kanina sa harap ng stage.

"Uuwi na ako"

"Why?"

Napatigil ako sa paglalakad at pilit pinakalma ang sarili bago ko hinarap si Maesie na may kalmadong mukha. Ayaw kong mahalata niyang nawala ako sa mood.

"Napagod lang siguro ako bigla, gusto ko ng magpahinga" biglang napalitan ng pag-aalala ang kaninang nagtataka niyang mukha.

"Are you okay? Oh sorry, ghad! I'm so stupid, of course you're tired, nanibagohan ka siguro at nabigla ang katawan mo. Wait, I'll call Kian, uuwi na tayong tatlo"

"Teyka" bigla kong hinila ang braso niya para pigilan siya. Napatingin ako sa deriksyon ni Kian na kasalukuyan nang nakikipag-usap sa mga kabanda ni Matthew, lalo na iyong babae na kulang nalang ay idikit niya ang katawan rito sa lalaki.

"Ayos lang ako. Alam kong ayaw mo pang umuwi, gusto mo pang mag enjoy dito diba? Naalala ko sinabi mo sakin na gusto mong ma try ang mga drinks nila dito kaya ayos lang kahit ako lang yung uuwiuuwi-

The Tale Of Our Romance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon