Errors Ahead!!!
______________________
Agad kong inayos ang suot kong anti radiation na salamin gamit ang aking mga daliri at huminga ng malalim bago inilapit ang mukha sa screen ng computer ko. Somehow, naduduling na ako sa pinili kong color sa mga bawat lines.
But I need different colors for different lines para hindi ako malito. Napahikab ako. Lately, mamamatay na ako sa sobrang dami kong projects na tinanggap. Sana ay hindi na madagdagan pa.
Gusto ko lang naman ng simpleng buhay, simpleng lovelife, nakakakilig at kahit na puro ups and downs ay nalalampasan lahat. Hindi katulad nung sa mga bestfriend kong napaka complicated.
Ako nalang ang single sa amin. Zernon was now arrange into a marriage, he's now engaged. Pero walang improvement sa relationship nila. I don't want that. Even Amethyst is not unreachable, ewan ko kung single pa iyon. Umiling ako at napatingin sa nakakahilong color ko bawat layer.
I typed orbit and clicked enter on the keyboard. Then looked at every part of the house. If there are missing objects or extended blocks.
"Buti na nga lang hindi nag la lag itong computer ko, pag nag lag ito ihahampas ko to." Bulong ko at napapitlag ng may tumapik sa akin.
"Lunch time na beh. I save mo na muna 'yang design mo, mas secure kung ilalagay mo ng copy sa flashdrive." Napangiwi nalang ako at kinuha ang flashdrive ng kumpanya. Sinave ko na ang ginawa ko sa autocad na plano at tumingin kay Mica.
"Wait lang, pahintay ako saglit." Haggard kong sabi. "Sige lang." Mica stood beside me and observed me.
Iniwan kong naka sleep ang computer at kinuha ang blazer kong navy blue na partner ng pants kong navy blue rin. Pati na rin ang bag at inalis ang salamin.
Before leaving ay nag swipe kami ng card sa time clock. Para mai record ang start ng lunch break namin. It's already 12:04 pm. So dapat na makabalik na ako dito ng saktong 1:00pm. Huminga ako ng malalim at sumumod sa mga kasama ko na palabas na ng kumpanya.
Ngumiti ako ng makita ang ibang employee na bumabati sa akin. Binati ko na rin sila pabalik habang nalakad, syempre bait-baitan muna ako. Natigilan naman ako ng makita si Mr. Ryu Montalvo. Siya kasi ang coo ng company at anak siya ng may-ari nito.
Kaya lang, napaka suplado naman kasi. Nang makasalubong ko siya ay binati ko siya at napasimangot at napairap habang nakabow nang hindi niya ako pansinin narinig ko naman ang tawag sa amin nina Mica kaya nakangiti akong umalis na. Aba! Mahirap na baka makita akong iniirapan ang chief operating officer.
Baka pagbalik ko fired na ako.
"Saan tayo kakain?" Tanong ko sa kanila.
"Bago tayo lumabas alamin muna natin kung saan para hindi ako mangitim, mainit kaya sa labas." Reklamo ni Jc. Binigyan ko siya ng ngiwi. "Ang arte mo naman! Dinaig mo pa kami." Tumaas naman ang kilay niya.
"Bakla, alagang gatas ito. Kita mo to?" He pointed at his cheecks.
"Walang ka tigya tigyawat 'yan saka pores. 100 percent clear skin." Lalong summ akong mukha ko at napatawa ng makatanggap ng hampas sa kanya sa balikat.
"Aray ha! Baklang toh!" Napatawa ako sa hitsura niya. "Dun nalang tayo sa Especiale Restorante. Malapit lang naman yun dito, saka puro pogi napunta ron." Jc suggested.
"Sige, don nalang tayo." Sang-ayon naman ni Mica at tumingin ang dalawa sa akin kaya tumango ako.
Nakaramdam naman ako ng hip bump mula kay Jc. "Kunwari kunwari pa yan! Eh siya ang number one pagdating sa mga pogi." Agad naman akong napataas ng dalawang kamay.
YOU ARE READING
Come back series 2: Smiles Of Deception
RomansTAG-LISH STORY ________________ Kyla and Reeve's Love story ________________ Kyla Seraphine J. Milagrosa wants to experience a greatest love that she often see to others. Normal and simple yet full of happiness and love. She wanted fo experience gen...