03| Welcome Party

7 5 0
                                    

"Beh! Mas bagay 'to sa'yo!" Jc took a dress and I almost lost my eyes.

"Gaga! Masyadong revealing!" Reklamo ko sa kaniya.

"Sus! Pakipot ka pa, nandon naman yung gusto mo. Akitin mo nga. Gandang ganda eh!" Parang kahapon lang nilalait pa niya ako ah.

"Oh, eh ano naman? Jc! Madami talagang tao don!" Tiningnan ko ang golden tube dress na fitted at may slit. "Gaga! Sa tingin mo ba hindi sila magsusuot ng ganito? Tingnan mo ang invitation." I pouted at sinukat ang dress na binigay niya sa akin. Tama naman siya.

Style ko naman talaga ang ganito, pero magmumukha ba akong elegant sa suot na ganito? Will it compliment my skin tone? Lumabas nalang ako at napatingin sa mga staffs at ibang customer ng makita ako parang gusto ko nalang bumalik sa loob dahil parang ang hirap maging center of attention ngayon.

It's always my sister who steals the spotlight. Dahil mas maganda siya, at mas favorite. I can say she really is. Pero hindi maganda ang pakikitungo niya sa akin. Lalo na nung nag-asawa. Porket may napakasalan siyang mayaman eh!

Napatingin naman ako sa cellphone ng makatanggap ng tawag kaya sinagot ko agad iyon. It's my mother again. It's always bad news when she calls.

"Hello Ma?"

"Umuwi ka na dito, may ipapakilala ako. Kaibigan ng kuya Anton mo, mayaman." Napairap naman ako.

"Si Ate na naman ba may suggestions niyan?" Tanong ko.

"Oo anak, saka pumayag na ang Tatay mo." I ended the call immediately and gave Jc my gown.

I felt nervous by the sudden thought. She always recommends me to old guys dahil ganoon daw ang bagay sa akin. Eh kasing edad na ng lolo ko iyon eh. I was always humiliated. Kaya sanay na akong makatanggap ng mga panlalait.

"Oh my gosh! Ang ganda mo accla! Halika bilihin mo na!" Napairap ako. It felt good, but I don't want to accept it.

"Sige lang Jc, pagastusin mo ko." Binigay ko sa cashier ko ang card ko at binalot nila ang gown na binili ko sa box after kong maisukat. The staffs didn't even adjust anything dahil kasyang kasya sa akin ang gown.

"Magpa-ayos ka na beh! Ako na ang magbabayad." Nginitian naman ako ni Jc. "Eh hindi ba kasama ka rin? Ibig sabihin gagastos ka rin?"

"I have money beh! Guess what? Hindi na ulit naka freeze ang card ni accla. My father approved of my pagiging magastos dahil naawa ata sa akin." Natutuwa niyang sabi.

"Sanaol mayaman." Napatawa ako sa reaksyon niya dahil naka heels siya kaya lalo niya akong nataasan. Jc circled his hands around my arm and we walked like a model while laughing.

Nang makapasok kami sa paayusan daw niya kadalasan pag may occasion ay bumitaw na siya at nakita ko ang mga babaeng ay hindi sila babae! "Mga baklaaa! I'm back!"

"Oh my gosh! Bumalik na siya guys!" Nakipag beso beso siya sa mga makeup artists and ibang mga kaibigan niya. She then introduced me to them.

"We'll be in your care for now. May event kaming pupuntahan." Jc is still John Chris Villagomez. Son of the leader of Villagomez clan under the Satoh. Kaya nagtatrabaho rin siya sa kumpanya. Para suportahan ito. Only I knows about his family's clan involvement in the Satoh.

"Here beh, umupo ka muna dito. Magpa kuko ka muna." Tumango ako kay Jc at naningin ng mga design. I can't decide. "Kayo nalang bahala sa lahat guys, I trust you. Make me flawless for the upcoming night."

"Ofcourse naman beh! Kami na bahala sa'yo." Tumango ako sa kanila at habang nagpapakuko ay inayusan na rin nila ako ng buhok. Itataas daw nila ang buhok ko dahil naka tubeless na dress daw ako.

Come back series 2: Smiles Of Deception Where stories live. Discover now