Ang bahay part 1

27 2 0
                                    

Marami nang naranasang kababalaghan ang ina ko at maging ang mga kapatid niya sa bahay na kinalakihan nila.

Its a 2 story house. Ang sabi pa ni Tita Em, itinayo ang bahay mga bandang 1950's. It wasnt  theirs. Binili raw ng aking namayapang lolo sa isang chinese ang bahay nila.

Mga bata pa lamang sila ay nakakaranas na sila ng mga hindi maipapaliwanag na pangyayari. Lahat sila nakaranas. Hindi lang sila kundi ang mga nakatira rin sa bahay nila ang pinadaanan.

(1)
 

Noong kabataan ni Tita Em nagpaiwan siya sa bahay nila. Nagiisa lang siya sa bahay.

Katatapos niya lang maligo at umakyat na siya sa taas upang magbihis.

Napahinto siya sa pagbibihis ng makarinig siya ng malalakas na yabag paakyat ng kwarto nilang magkakapatid.

Dun na nagpanic si Tita Em. Paano magkakaroon ng mga yabag kung siya lang magisa sa bahay? Hindi rin makakapasok ang kahit na sino sa bahay dahil sinarado niya lahat ng pintuan papasok sa kanilang bahay.

Sa kwarto nila may singit ang dingding kung saan pwede kang makaakyat. Papunta na nga lang yun sa baba.

Dali dali daw siyang nagbihis at umakyat sa singit ng dingding at kahit mataas ang ikababaksakan niya tumalon pa rin siya dahil sa takot.

Dahil sa takot, sa labas na lang siya ng bahay nanatili habang hinihintay sila nanay dahil natatakot siyang pumasok magisa sa kanilang bahay.

-------------------

(2)

Karanasan naman to ni Aling Cori ang tagalaba at tagamlantsa nila.

Ang usual spot na nagpaplantsa siya ay nasa balkonahe. Nakatapat siya sa pintuan ng bahay.

Habang namamalantsa raw siya at nakikikanta sa saliw ng musika ay may napansin siyang dumaan sa pinto. Pagtingin niya sa pintuan wala naman daw tao dun.

Ipinagsawalang bahala niya lang yun dahil baka ang pinsan kong si Kuya Ger lang ang napadaan.

Itinuloy niya na ang pamamalantsa pero makaraan ang ilang sandali ay napatingin siya bigla sa pintuan at dun niya nakita ang dalawang tao.

Magasawang dumaan sa pintuan. Nakangiting kumaway pa raw ang babae sa kanya.

Natigilan siya sa nakita. Kinabahan na rin siya dahil mistulang nasa ibang panahon ang suot ng dalawang tao. At nakaputi pa ang mga ito.

Hinintay niya raw na lumabas o gumawa ng ingay ang dalawa para makumpirma na ang nakita niya ay tao at hindi siya namamalikmata.

Ilang sandali ang nakaraan ay hindi pa rin nakakalabas ang dalawa ay napagpasyahan niyang puntahan ang pinsan ko. Kung saan dun ang direksyon na tinahak ng magasawa.

Humugot siya ng lakas at pinuntahan niya nga ang kwarto ng pinsan ko.

Nang makapasok siya sa kwarto ni Kuya Ger ay tinanong niya agad ito kung nakapasok ba ang magasawa dito.

Nagtatakang tiningnan lang siya ni Kuya Ger. Wala daw may nakapasok sa loob ng kwarto niya at wala rin siyang pinatuloy na tao sa bahay.

Namutla siya sa nakumpirma.

Ikinuwento niya kay Kuya Ger ang nakita niya. Hindi na nagulat si Kuya Ger sa kwento niya. Nakaranas na din kase ito ng kababalaghan sa lumang bahay na yun.

- - - - - - - - - - -

(3)

This story is from my Tita Em again.

Ilang taon na rin nagtagal si Tita Em sa Hongkong. Nang umuwi siya sa Pilipinas duon siya namalagi sa bahay nila. Wala siyang pamilya kaya solong solo niya ang bahay. Lahat kase ng kapatid niya bumukod na at umalis na sa tinitirhan nila.

Tumira ang relative nila sa bahay nila para may magbantay naman ng bahay nung nasa abroad pa si Tita Em. Nang makauwi siya kasama niyang tumira sa bahay ang kanilang mga relative. (I dont know kung ilan pero isang pamilya sila)

Guminhawa naman ang loob ni Tita Em na sa pagbalik niya may makakasama siya sa lumang bahay nila. Hindi pa rin kase mawala sa isip niya ang mga naranasan niya duon.

Pagsapit ng gabi nagsipasok na sila sa mga kwarto nila para matulog. Si Tita Em ay magisang natulog sa kwarto niya.

Napabalikwas ng bangon si Tita Em nang makaramdam siya na may gumagapang na parang ahas sa kama niya papunta sa kanya.

Dali daling inihampas hampas niya ang kamay sa kama niya.

Pagkaraan ay nagmamadaling binuksan niya ang ilaw at nahindik siya na wala siyang nakita na kung ano na nasa kama niya.

Nang umaga ring yun ay napansin ng relative nila na parang kulang ng tulog si Tita Em kaya tinanong nila siya.

Ikinuwento na rin ni Tita Em sa mga ito ang nangyari kagabi sa kanya.

Nagkatinginan ang magpamilya.

"Ate Em... pinaranas na din kami niyan. Hindi lang namin nasabi sa iyo dahil baka hindi ka maniwala." Sagot ng isang relative nila.

May time din na bumisita ang isang pinsan kong si Kuya Ger na tumira na noon sa bahay pero naisipang magboard na lang.

Naikwento ni Tita Em sa kanya ang naranasan niya sa bahay. Naikwento din sa kanya ni Kuya Ger na naranasan niya rin yun. Sa kamang hinihigaan ngayon ni Tita Em.

------------

Isa isa nang umaalis ang mga tito at tita ko sa bahay nila. Matagal na ring nabakante ang bahay nila dahil may mga sariling buhay at nagkapamilya na ang aking mga tiyuhin at tiyahin. Si Tita Em lang ang tumira dun pagkatapos niyang magtrabaho sa abroad. Wala rin siyang pamilya. Ang lolo ko naman ay namatay na at ang lola ko ay palipat lipat ng bahay na titirhan sa mga anak niya.

May mga pinsan din akong tumira dun pero mas pipiliin na lang daw nila na magboard kesa sa tumira sa bahay na yun. May mga naranasan din kase silang nakakapagpatayo ng balahibo sa bahay na yun.

Sa ngayon peaceful na ang bahay dahil pinagdarasal ni Tita Em ang bahay. Relihiyosa siya kaya paminsan minsan dun nagb-bible study ang mga kachurch mate niya. At kada gabi nagkakaroon si Tita Em at ang mga katulong niya ng bible study bago matulog.

Sabi niya pa kapag nagigising siya madaling araw na wala namang dahilan para magising ay nagpapatugtug na lang daw siya ng mga christian songs.

horror storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon