naamoy mo rin?

125 4 1
                                    

3rd year ako nito.

isang subject na lang at uwian na.

sa gitna ng lesson ni miss V. may nagtext sa akin. at dahil naramdaman ko nang may ngtxt sa akin dahil naka vibrate yung phone ko. tiningnan ko na lang kung sino ang nagtext.

papa ko pala.

nagtaka pa ako kung bakit ba ito nagtext sa akin.

magtetext lang naman ito kapag importante.

pagopen ko ng message

"Paty na lolo mo."

nashock ako dun. hindi ako makapaniwala. parang hindi ko matanggap. akala ko nga baka namali lang siya ng sabi sa akin kaya nireplyan ko siya.

"ano?" yan reply ko.

iklinaro nito ang text nito kanina.

"Patay na lolo mo."

hindi talaga ako makapaniwala. ang hirap naman tanggapin na isang mahal mo sa buhay ay namayapa na.

gusto ko ng umiyak ngunit tinatagan ko na lang. ayaw kong gumawa ng commotion. kahit na parang nanghihina na ako at gusto ko ng umiyak tinatagan ko lang ang loob ko at nagsabayan pa sa tawa nila. pinilit ko lang makisabay.

yung pagbell na. dun na ako umiyak.

ang lahat ng kaibigan ko at mga classmate nag 'co-condolence' sa akin.

ng matapos na sila. nagligpit na ako ng gamit at sumama kay Nhesa papunta sa locker namin sa labas.

ilang hakbang pa lang ng makaalis kami ng clasaroom.

may naamoy akong parang bango ng rosas. ang lakas talaga. parang malapit lang ang bulaklak.

napatigil kami sa paglakad.

napatingin ako kay Nhesa at napatingin rin pala siya sa akin.

"Naamoy mo rin? "-ako. (tinagalog ko lang)

napatango siya. tumindig ang balahibo ko dahil sa pangyayari na yun.

sa pagkatakot nagunahan kaming tumakbo agad patungong locker namin.

ang mas nakapagtataka pa. walang tanim na rosas ang school.

------------

hanggang sa makalabas ako ng school namin. hindi pa rin nawawala ang amoy ng bulaklak sa aking paligid kahit na mahina na ang amoy.

baka nagparamdam lang ang aking lolo na magpapaalam na siya.

by the way: ako lang ang pinaramdaman niya sa aming magpapamilya...

bakit kaya?

(to my bestfriend.. hey! naalala mo pa ba to? )

horror storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon