doppleganger #2

19 1 1
                                    

Nangyari to last last week lang. This december yun nangyari.

Huling klase na namin sa araw na yun. It was thursday so we have a 5:30-7:30 class in the CAS building in the second floor. Our room is located four doors away from the cr at kalapit ng cr ay ang stairs.

Mga bandang 7:00 dinismiss na kami ng teacher namin kaya lahat kami tumililis na.

Anim kaming magbabarkada. Yung isa nasa kabilang section at kaming lima ang magkaklase pa rin sa subject na yun.

Kaming dalawa ng isa kong kaibigan, tawagin nating GM ang huling tao sa classroom dahil kami ang nasa dulong bahagi at malayo sa pinto saka inaayos ko pa ang bag ko siya naman ay pinupulot ang mga plastik ng mikmik na kinain namin.

Paglabas namin sa classroom nandun pa yung isa ko ring kaibigang si Kira nakikipagusap sa mga kaklase namin. Hinihintay kaming makalabas dahil magkasama kaming uuwi. Magtatanong sana ako kung asan ang dalawa pa naming kaibigan ng yayain ako ni GM na samahan siya sa Cr kaya napa oo na lang ako. Nagpaalam kami sandali kay Kira  at pinuntahan na nga ang Cr. Nasa dulo lang naman ang cr. Di kalayuan sa classroom namin.

Pagkatapat namin sa CR nakita naming occupado pa ang dalawang cubicle at ang iba naming mga kaklase ay nakapila rin. Nakipagharutan pa ako sa ibang kaklase namin. Pero dahil gusto nang umihi ni GM kaya napagdesisyunan naming sa baba na lang kami magc-CR.

Pababa na sana kami ng tumigil kami para sana sabihan si Kira na sa baba na kami magc-cr ay siya namang nakita kong pumasok ang kaibigan kong si Eri sa classroom namin. Wala nang tao sa hallway sa mga oras na yun. Napakunot ang noo ko. Tiningnan ko ang pinto kaya nagtaka ako kung bakit pumasok pa siya kung patay naman ang ilaw ng classroom. Ilang segundo ang nagdaan ay lumabas si Kira sa classroom namin at sinalubong kami.

Nakakunot ang noong tiningnan ko siya at ang classroom namin. Nagtataka ako dahil hindi pa lumalabas si Eri. At nagtataka din ako dahil iniwan niya si Eri sa loob ng madilim na classroom. Nagtataka ako dahil hindi naman ugali ni Kira na mangiwan ng kaibigan.

Tinanong ko si Kira nang makalapit na siya sa amin.

"Nasan na si Eri?"

"Ha? Umuwi na yun. Ano ka ba."

Tumahimik ako bigla at bumaba na kami para makapagCr na si GM. Naiihi na kasi siya.

Hindi pa rin ako mapakali sa nakita ko. Kaya on the way papuntang lobi ay tinanong ko uli si Kira patungkol kay Eri. Ganun pa rin ang sinabi niya. Nauna na raw si Eri at si Ris umuwi. Ginatungan pa ang pangamba ko sa sinabi ni GM. Hindi niya daw nakita si Eri na pumasok ng classroom.

Hanggang kinabukasan yun pa rin ang umiikot sa isip ko. May OJT kami kaya hindi kami magkikitang magkaibigan para sana komprontahin sila dahil baka ginugoodtime lang nila ako. Kaya napagdesisyunan kong i chat siya.

Tinanong ko siya kung bumalik ba siya sa classroom:

Me: Eri!! Bumalik ka ba sa classroom kahapon?
Eri: Hindi. Umalis kami kaagad ng classroom dahil pinuntahan pa namin si Ces pagkatapus nun umuwi na kami ni Ris.

Then I told her what I saw and she cant believe what I told her.

Dun ko na napagtanto na tama nga ang hinala ko. It was not her it was her doppleganger I saw.

Next na pagkikita namin kinulit niya ako about dun sa sinabi ko. Perfect timing naman dahil naroroon na sina GM at Kira pati na sina Ces at Ris. Nagkumpulan kami at kinuwento ko ang nangyari last thursday.

Nagtanong pa nga si Eri kung ginugoodtime ko lang ba daw siya ibinalik ko naman sa kanya yung tanong niya na baka nga sila ang nanggo-goodtime dahil minsan gumagawa kami ng katuwaan. Pero this  time hindi. Walang nanggoodtime sa aming anim.

Tinanong pa nila ako kung sigurado ba ako sa nakita ko. I said yes. Siguradong sigurado ako na siya yun dahil nung araw na yun naka white uniform kami at nakapalda siya kaya alam na alam kong siya yun. Pati na din yun nakalugay niyang buhok at ang cute niyang bag na neon pink sukbit sukbit niya rin. Natahimik kaming lahat at nagkatinginan lang sa mga mata.

If you want to ask why I didnt go and check the classroom to confirm what I saw. Ang isasagot ko lang ay natatakot ako. Natatakot akong baka totoo nga ang nakita ko. Na baka hindi nga yun si Eri at yung doppleganger nga ang nakita ko.

On my 8 years in this university ngayon lang ako nakaencounter ng supernatural na pangyayari.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 26, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

horror storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon