my mother's story prt.2 - bata

91 2 0
                                    

kinwento niya ito sa akin kanina lng..

:3

sa kwento niya:

may nagtanong sa aking isang bantay ng pasyente sa may nurse station. ako ang head nurse.

"Nurse may bata ba ritong naglalaro ng bola?"-bantay

"Ho? sa pagkakaalam ko po wala naman."

napakunot ang noo ng bantay. kinwento nito ang pangyayari.

"E, kasi kagabi habang nagbabantay ako kay tita may narinig akong isang bolang nilalaro. napaisip ako baka isa sa mga anak ng pasyente. sasawayin ko na sana dahil nakaka istorbo na sa amin.... pero paglabas ko ng kwarto wala naman akong nakita ni anino ng isang tao."

pagkatapos nitong magkwento umalis na rin ito at nilapitan siya ng isa sa mga staff nurse.

"O ano An?"

"Ma'am totoo po ang sinabi nung babae. may bata talaga rito."-Ann.

si Ann ay isa sa dalawang staff niyang may 3rd eye.

"Kanina nga po nakita ko po siya noong pumunta ako sa kay Mrs. Bernal." isa sa mga pasyente namin. (di totoong pangngalan) "Nandun po siya sa may cabinet at nakatitig lang kay Mrs. Bernal at sa baby nito." nasa Ob ward sila naka base.

natahimik na lang ako sa sinabi niya. naniniwala naman ako sa mga sinasabi niya/nila. marami na rin silang dalawa ni Kim. (isa rin sa staff ko na merong 3rd eye.) na nakikita rito at parehong tugma ang mga description.

sa isang ospital hindi mawawala ang mga kababalaghan na nagaganap rito.

"Uy. yan na pala si Kim."-Ann.

sa pagkakaalam ko katatapos niya lang tingnan si Mrs. Bernal.

"Uy Kim. andun pa rin ba?"-Ann.

tumango lang si Kim at inilapag ang chart.

tiningnan ko silang dalawa ng nagtatakang tingin.

sinagot ni Kim ang pagtataka ko.

"Kasi ma'am nagtatanong si Ann kung andun pa rin yung batang nasa cabinet... andun pa naman siya."

***

Nakakatakot talaga ang mga Hospital.

pero napaka exciting para sa aking gusto maka rinig ng ghost story

o.....

gustong maka kita ng multo

horror storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon