Prologue

373 13 0
                                    

“Daph close ba kami ni Kuya Claud..?”

Nanlaki naman ang mga mata ko at mabilis na umiling. Tinignan ako nito sa mata dahilan umiwas ako at sumipol.

“Hindi ah, mas madalas ka dumalaw noon sa palasyo. Hindi ko namang nakita na nag-usap kayo ni Kuya Claud. Tsaka alam mo sabi mo noon masungit si Kuya Claud! Sabi mo pa hindi ka kumportable kasi panay tingin siya sayo!” Wika ko na may patango tango pa. Napanguso naman ang pinsan, sinigurado kong nag mukha akong seryoso sa harap habang sinabi iyon. 

Nabangit sa akin ni Kuya Juno ang dahilan ng pagkawala nang alaala nito. Pang-apat na beses na itong nangyari sa pinsan ko. It's her illness. At alam ko rin ang tungkol sa relasyon niya sa Kuya Claud kung saan nalaman ko ring ikakasal na ang lalaking iyon at hindi alam ng pinsan ko! Kaya galit ako sa lalaking iyon. Kahit pa siguro napakagwapo nang lalaking iyon kong liar naman, 'wag nalang ano!

“Alam mo insan, tambay nalang tayo sa labas. Bili tayo nang halo-halo sa kanto. Yung mama ni Garry yung nagtitinda diba paboritong halo-halo mo yung mga gawa niya. So, tara g ka?”

Suwesyon ko para naman kumalma ang utak nitong pinsan ko. Kanina pa kasi ito nakatitig sa picture nang magaling nitong ex. Siguro rin ay naguhuluhan pa ito sa mga bagay-bagay dahil wala itong maalala. She's here to help her cousin.

Nang makarating sila sa sinasabi kong  nagtitinda ng halo-halo ay naroon nga ang may katandaang babae. Nakangiti sa mainit na panahon, nakita niyang napapaypay naman sa sarili ang pinsan niya dahil sa init. Siguro hindi na sanay ang katawan nito dahil sa NYC siya nag tratrabaho.

“Aling Gea dalwang halo-halo nga sa baso namin haha.” Natatawnag sabi ko. Nakita kong napakurap naman ang pinsan ko nang inilagay nito ang mga malalaking mug ni Itay Donti bilang baso nito sa halo-halo.

“Ikaw talaga Daphne, matakaw ka parin. Hindi ko alam kung saan mo nilalagay ang kinakain mo.” Tumawa lang lang ako na parang baliw. Close naman kami ni Ate Gea ayos lang iyon.

“Trenta ito hija, aba napakalaki nang baso mong dala. Lugi ako lagi kapag ikaw ang bumibili!” Halatang nagbibiro ang matanda kung saan humalkhak ko, proud pa sa ginawa.

Hindi naman tumagal ay natapos ang halo-halo namin at nag bayad ako nang one hundred. Sa laki nang baso namin siyang lugi talaga si Aling Gea. Tsaka generous ako kaya keep the change nalang iyon.

Tuwang tuwa naman ang matanda siyang tinawanan ko lang. Natagpuan namin ang sariling naglalakad pabalik. 3 minutes kasing lakarin. Mabuti na rin iyon, exercise na iyon para sa pinsan kong broken hearted.

“Masarap diba?” Untag ko rito nang mapansing panay sandok ng sunod-sunod sa halo-halo. Alam kong namimiss nito ang halo-halo ni Aling Gea, sa tagal nito sa ibang bansa alam kong nangungulila ito rito.

“Oo! It's great, a perfect food for this kind of heat.” Masayang sagot nito siyang kinatuwa ko naman. Nagpatuloy lang sa paglalakad nang mapansing kong wala na ang pinsan ko sa tabi ko. Mabilis akong napatingin sa likod upang hanapin ito. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Jenna ay hawak ni Kuya Claud.

Hala! Hindi pwede, baka mabrobroken naman ang pinsan ko! Tsaka binalaan ako ni Kuya Juno na wag palapitin ang tukmol na ex ni Jenna dahil sakit ang dulot nito. At ito rin ang dahilan kung bakit niya kami nakalimutan!

Mga peste talaga ang mga lalaki! Kahit pa gwapo! Tse!

“Bitawan mo ang pinsan ko!” Sigaw ko, akmang tatakbuhin ang deriksyon ng pinsan ko nang na-realize ko ang sinabi ko. Shet! Dayuhan pala ang lalaki hindi nakakaintindi nang Tagalog.

“Ay English pala.” Napakamot pa ko.

“You! Let go of her!” Sigaw ko at hinila ko ang pinsan palayo sa lalaking nakahawak sa kaniya. Mukhang galit si Claud dahil sa sama nang tingin nito sa akin. Pero wala akong pakialam. Bahala siya sa buhay niya basta kami nang pinsan ko ay uuwi!

Devilish Count (COMPLETE)Where stories live. Discover now