CHAPTER 01
ARIA
“Hoy linya na!”
Napaayos na lang ako ng upo ng sumigaw ang president namin. Ganda pa ng tulog ko rito sa upuan ko, flag ceremony na pala.
“Teka di pa ayos mascara ko!”
“Sinong may face mask?!”
“Sa labas magsasapatos hindi po sa loob!”
Walang gana akong tumayo ng nagkabangga akong kaklase
“Si Steph, di nga natutulog sa bahay pero sa school naman ginagawa.” sabi ni Lhindsay habang natawa. Natatawa ako dahil sa tawa niya hindi sa joke.
Lol
Luminya kami ng maayos at nasa pahuli naman ako kasi letter S ang last name ko. “Gora na bilis bilis!”
Nakarating na kami sa harap ng ESF building. Nagr-ready na rin ang mga boy scout sa pagtaas ng flag. Nandito na rin ang iba pang Grade 10.
“Antok pa ako,” sabi ko ng mahina.
“Di na naman kasalanan ‘yun.” sagot naman nitong si Gomez. Pangit nitong kabonding. “Tumahimik ka bhie, mabilis ‘yang mabadtrip kapag antok.” sinaway ni Huebert na parang may hinahanap sa kabilang section.
Mga loyal nga naman. Sana all.
“Sissycakes ko. May practice raw tayo bukas huhuhu.” pag-rant sa akin ni Mika. Pumunta pa talaga sa likod para masabi ‘yun. “Wala tayong magagawa Mika, next week na ang Fiesta.” she cutely stomps away.
Nakakapagod naman ang week na ‘to. Puro practice.
Nagstart na ang ceremony just like usual and nakaamad hays.
‘Talipan High makes learning flow~’
“Nakakaliyo.” hinawakan ni Lhindsay ang ulo niya na para naman may kukuha ng kanyang ulo. “Pinaikot-ikot ka lang kasi.” Bevirlie jokingly said. Tawa naman ang mga ito pero nakakalimutan nila ang kasunod na gagawin.
Wellness.
It’s the first time na di sumasayaw ng todo ang pilot kasi di naman namin alam. Mas gusto namin ang Galaw Pilipinas 10 minute version HAHAHAHA.
Eme lang.
Pagkatapos nun ay bumalik din kami agad sa room pero aalis din naman kaming mga banda kasi whole day ang practice ngayon.
Kailangan kong galingan at itodo ang aking sayaw ngayon. Last ko na ‘to.
The last year of being the guard who brings colors.
The last time I will be the leader of the Talipan High Colorguards.
The last time I will be part of TNHS Drums and Lyre Corps.
I will definitely miss this time but I need to let go. So I can focus on my studies for the next school year.
Bago kami umalis ay nagpray muna kami at nagpaalam kay Ma’am.
“Ingat kayo ha! Igiling nyo!” sigaw ni Ma’am.
“Yezzzz.” sunod naman na sabi ng mga kaclassmate naming natira sa loob.
Dumaretso na kami sa court kung nasaan ang iba pa naming bandmates. “Ay nga pala Cheska!” tinawag ko kaclassmate ko.
“Tayo raw partner sa laban,” Lalaban daw kasi ako ng poster para sa Fiesta. Ay nagask ako kay Ma’am Tiñana kung sino kapartner ko, si Ma’am Lucila naman sumagot.
YOU ARE READING
Crush Season: Drums and Lies (Season's Greeting 1)
RomanceTalipan National High School have the most beautiful colorguard Stephanie Aria but what will happen if she fall inlove with a famous triple drummer from Pagbilao Academy? "Aria? I'm not even doubting that she's the reason why my world has colors now...