CHAPTER 02
ARIA
“Dadaan muna akong Lucena, mamaya pa uwi ko.”
Tumawag sa akin si Nanay, tinatanong kung saan pa ako pupunta gawa ng sinabi ko sa kanya na maagap ang tapos ng practice ngayon.
[Maglinis ka na lang ng bahay, ‘di naglinis ate mo.]
Nababadtrip na naman ako. Pucha.
“Lagi na lang ako, kanyang kalat naman ‘yun eh.” nakinig ko ang malalim niyang paghinga, kinakalma ang sarili.
[Sige, pumunta ka na lang dito sa KFC ha, intayin mo ako sa paguwi.]
“Sige po, bye.”
Tinapos na ni Nanay ang call.
Papunta akong Lucena kasi pinaayos ko ang aking boots, baka bumigay sa fiesta nakakahiya naman. “Sa mga pabayan po, baba na po kayo.”
Bumaba ako at ang bumungad sa akin ang napakabahong usok ng sasakyan. ee. “Tang-”
“Wait lang kuya!”
Di ko na tinuloy kasi maiiwanan ako ng jeep. Sumakay tuloy ako na haggard. Sinuot ko lang headset ko at nagpatugtog.
Uhaw by Dilaw
My ultimate favorite song.Sumandal lang ako at dinamdam ang music.
Nakangiti ako na parang ewan. Kasi tuwing pinapakinggan ko ‘to. May naiimagine ako.
Naulan siya, tapos walang payong si girl ay ang ginamit niya ay ‘yung flag niya tapos may sumukob sa kanyang lalaking ‘di niya kilala. Gosh, kinikilig sa sariling imahinasyon.
“Kuya sa tabi lang po.” tumigil na ang jeep at bumaba na ako.
Binigay ko ‘yung boots ko dun sa manggagawa at babalikan na lang daw kasi marami silang gawa. “Kuya kukunin ko na lang po bukas. Thank you po.”
“Sige po Ma’am.”
Naikot-ikot lang ako at napadpad ako sa friend city pero ayaw ko gumastos. Need ko ng pera. Kaya napagdesisyonan ko na lang na pumunta na akong sm.
Naghintay ako ng mga konting minuto bago ako makasakay sa jeep. “Bayad po,” inabot ko ang bayad sa isang lalaki.
Familiar.
Napatingin din siya sa akin ng mabilis. Kita sa kanyang mata ang pagkagulat niya at lumayo ng konti sa akin. Nakasuot kasi siya ng face mask. Ang malala, kami lang ang tao sa loob except dun sa bata na katabi niya.
Mga 2 minutes siyang patingin tingin sa akin ng dumami ang taong sumakay kaya naipod kami ng naipod. Ngayon, magkatabi na kami.
That smell. So familiar.
Cyrus?
“Uhm, do I know you?” tumingin na rin siya sa akin. Parang flustered pa siya, medyo naprapraning.
“Uhm, kilala kita pero baka di mo na ako kilala.” napakamot siya ng kanyang leeg sa sobrang awkward. I looked at the child. “Yan yung anak ninyo?”
Napailing agad siya. “No, this is my sister. Kapatid ako ni Cyrus.”
Nagulat ako. They look so much alike. “Sa totoo lang mas bet talaga kita kesa kay ano eh, sa kanyang asawa ngayon.”
“Miss na kita ate,” I hugged him tightly and quickly pulled out.
“Ano nga name mo? Is it ano nga Kyrus? Royce? Lairus?” napatawa siya ng mahina.
Hala, pangit ba pronunciation ko?
“It’s Jairus.” alam kong nakangiti siya dahil sa pagsingkit ng kanyang mata.
YOU ARE READING
Crush Season: Drums and Lies (Season's Greeting 1)
RomanceTalipan National High School have the most beautiful colorguard Stephanie Aria but what will happen if she fall inlove with a famous triple drummer from Pagbilao Academy? "Aria? I'm not even doubting that she's the reason why my world has colors now...