VIII - Accident

215 3 0
                                    

The next day, Morning
Raixi's POV

Wala si Astrid. She left after we ate breakfast kanina kasi her dad needs help sa company nila so my friends came here. Timothy, Khalil and Samantha's here.

"Hoy tanga, huwag ka diyan." Timothy said and guess what? Nanonood lang kami ng horror movie and kanina niya pa kinakausap ang mga characters, telling them things.

"Tim, pa'no namin maririnig kung mas malakas pa ang boses mo kaysa sa tv?" Samantha said and we laughed.

"Ang tanga kasi, sabi na sa sign na 'Do not enter' pero pumasok pa rin." Timothy said.

"Ikaw nga nakalagay sa sign ng pinto 'Push' pero hinila mo." Khalil said at natawa nanaman kami.

"Ano'ng tawag kay Tim?" I asked.

"Tanga!" The two said and we high fived.

"Huwag niyo akong pagtulungan, wala akong kakampi ngayon. Kung nandito lang si Astrid, kanina pa ako pinagtanggol no'n." Timothy said.

"Pinagtatanggol ka lang niya kasi kawawa ka sa'min. Kahit obvious na ang katangahan mo, pinagtanggol ka nalang para 'di ka kawawa." Samantha said and tinawanan namin sila ni Khalil.

"Kanina ka pang babaita ka. Malaki ba galit mo sa'kin?" Timothy said.

"Oo!" Samantha said and they started bickering with each other for a few minutes.

"What if manahimik na kayong dalawa? Kapag tayo nareklamo ng kabilang kwarto sa kaingayan niyo, lagot kayo sa'kin." Khalil said and the stopped.

"Si Khalil lang pala ang makakapag-patahimik sa inyo 'e." I said.

Lagi kaming ganito ever since. Palaging nag-aaway ang dalawa then si Khalil ang magpapatahimik while me? Viewer lang. Tahimik lang sa gilid.

I miss Astrid.

Kinuha ko ang phone ko na nasa table sa tabi ng bed ko and i messaged Astrid.

Astrid

Mahal? -

Pabalik ka na ba? -

Message me if pabalik ka na here -

I miss you -

Ingat ka, i love you ♡ -

Hindi siya nagreply sa'kin, maybe they're really busy pa. It's ok, i can wait naman.

I turned my phone off and nagsimula nanaman ang kulitan namin. All we did was talk to each other, tease each other and laugh afterwards.

The time passed so fast. We ordered food and again, they ordered the same food as i did.

*Phone rings*

I immediately smiled when i saw the caller's name. Of course, i answered it.

"Hello, love?" I heard Astrid's voice.

"Hi, papunta ka na ba rito?" I asked.

"Yes, mahal. Patapos na ako rito, pupunta ako kaagad diyan pagkatapos na pagkatapos nito." She said.

A Pain To OvercomeWhere stories live. Discover now