chapter 33

30 2 0
                                    

Vana POV

Tatlong araw na Ang nakalipas pero di parin Ako nakaka pag pa-spa, malayo nga Kasi Ang palengke dito at tyaka natatakot akong may ma ka-kilala saakin kahit medyo naging Tan na Ang skin ko, minsan narin akong nag model ng Tanning cream kaya alam Kong may na kakita na saakin habang nasa anyo'ng iyon.


O baka assuming lang Ako na sikat Ako? Argh! Nevermind.

"Antagal ata ni mister ngayon ah?".tanong saakin ng kapitbahay Mula sa malapit, hinatidan Niya Ako ng ulam na pinakbet. Paniguradong masarap to.


"Oo nga e, baka dagdag sweldo rin siguro Yun. Salamat nga Pala dito". Hayst, Hindi nanaman kami sabay kakain.

"Sabi mo pa, osige ingat ka diyan ha? Walang anuman". Iniwan Niya na Ako kaya Naman pumasok na Ako sa loob, di pa Niya Ako tine-text Mula kanina. Ganon ba talaga siya ka busy?


Dumungaw nalang Ako sa bintana at napatingin sa kotse'ng mabagal na dumadaan sa harap ng maliit na Kubo namin, ibinaba nito Ang wind shield nito pero di ko Sila kilala, bago kaya Sila dito? Bisita? O napadaan lang?


"Wag Naman sana nilang bilhin buong lupa dito..".bulong ko sa sarili ko.

Kumain nalang Ako magisa dahil diko mahintay si Travis, hapon kaya siya u-uwi? O gabing-gabi? Nako Naman! Natatakot pa Naman Ako kapag mag-isa lang Ako.


Please darling ko, umuwi kana.

Habang kumakain ay Hindi ko maiwasang tumitig lang sa maliit ma bintana ng aming Kubo, andami atang dumadaan na magkakaibang kotse ngayon dito? Ngayon lang ito nangyari dahil puro kuliglig o kaya Naman mga alagang hayop lang Ang nakikita Kong dumadaan Mula sa lubak na daanang iyon.

Sino Namang tanga Ang gustong dumaan Ang kotse dito para lang masira? Tsk.

"Vana, kakilala mo ba Ang mga iyon?".tanong ng kapitbahay ko na sumulpot lang bigla sa pintuan ng aming bahay.


"Hindi nga e, bakit nga raw ba Sila napadaan dito? May hinahanap ba Sila o may balak bumili ng lupa?".tanong ko pabalik.

"Ewan pero feeling ko dito Sila sa bahay niyo nakatingin, ikaw ba Naman, kung ganyan Rin siguro Ako kaganda ay lilingunin rin Ako ng mga mayayamang katulad nila!".Sabi Niya at natawa, napatigil Ako saglit sa pagkain at kaagad Kinuha Ang cell phone ko. Bigla akong nakaramdam ng kaba, para bang isang malakas na kutob..


"Oh bakit? Namumutla ka vana, may problema ba?".

"W-wala ate, na mi-miss ko lang si Travis hehe, sige na ate at baka may ginagawa ka pa".

"Oo nga e, osige ha? Wag kang mag-alala, hindi Naman na siguro babalik ang mga iyon..".

Napaupo nalang Ako sa sobrang pangamba, anong Oras Naman kaya uuwi si Travis? Hindi pa Niya Ako tinitext e. Madami na talagang nagbago, kung dati ay lalabas kami kung kelan namin gusto at gumastos o bumili ng kung ano-ano, pero ngayon ay kailangan tipirin Ang bawat kinikita namin dahil ngayon lang namin napagtanto na mahirap Pala talaga Ang maging mahirap.

Hindi na kami mapera tulad ng dati, Hindi na ganun kadali Ang lahat.

Ilang beses Kong tinawagan Ang cellphone Niya ngunit Walang sumasagot. Hindi parin mawala Ang kaba ko kaya Naman ay isinarado ko nalang Ang bahay Mula bintana hanggang sa pinto.

Nagiging paranoid lang ba Ako?











"Gabing-gabi ka nanaman umuwi! Hindi ka man lang nagsabi, nakakainis kana!".pagtatampo ko at naupo sa maliit naming sofa.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 26, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

the Models seducer (Reyeseries #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon