chapter 6:i like you

2.6K 27 0
                                    

"Saan ba tayo pupunta? Magagalit si shaun saakin nito e!".sabi ko sabay tingin sa relos ko,my gosh!

"Kung mahal ka niya di siya magagalit,paki niya ba kung umalis ka,katawan mo yan di naman sakanya".sabi niya habang sumusubo nang popcorn,tsk! Paano ba ito naging model e napakatakaw?

"Duhh! Boyfriend ko siya for your information!".sabi ko habang nakapamewang.

"Duhh karin! Ako ang boyfriend mo ngayon kaya kalimutan mo muna siya,lika nga dito..".sabi niya sabay hila saakin "mag ma-mall tayo,bibilhin ko lahat nang gusto mo..".sabi niya at tsaka hinawakan nang mahigpit ang bewang ko.

"Bitawan mo nga ako!".sabi ko pero tumawa lang siya nang malakas.

"Sige ipahiya mo ang sarili mo BWAHAHA!".sabi niya at mas lalo akong pinalapit sakanya,argh!

Pinabayaan ko nalang siya at inilibot ang paningin ko sa paligid,napairap ako nang makita kong nakangiti siya nang malapad,parang timang at hanggang sa nakita ko ang human size stand namin ni travis sa isang supermarket na may hawak na...condom.

Halos isubsob kuna ata yung mukha ko sa kilikili nang travis na ito dahil sa sobrang Nakakahiya,may poster rin doon yung nakahiga kaming dalawa ni travis sa kama...nakakahiya talaga!

"Hahaha! Wag kang mahiya,be proud dahil nakikilala na ang mukha mo sa publiko".sabi niya at hanggang sa may nakita kaming lalaki na dala-dala ang human size stand ko at nalaman namin na makukuha lang ang stand na iyon kapag pinakyaw nang product na inindorso namin.

What the fudge! Magagamit niya kaya lahat yun.

"Punta tayo sa botique nang ate ko,bibilhan kita nang damit".

"T-teka lang naman,seryoso ka ba?".sabi ko pero ngumiti lang siya at hinila na ako,mukha na tuloy ang aso ngayon,asong pure breed.

Marami nang nakatingin saamin ngayon dahil ang dami na naming nadudumbong mga tao at siguro dahil narin may nakakakilala saamin.

"Kumapit ka nang maigi sa kamay ko,baka mawala ka tapos bigla kang maagaw nang iba..".sabi niya.

"Ang harot mo!".sabi ko sakanya bago tawa,tumawa rin naman siya pero tumigil rin lang ito.

"Ganun talaga pag maingat,kung ayaw mong maagawan gumawa ka nang paraan para sayo siya may maramdaman hindi yung ipapalandi mo na nga sa iba hindi mo pa alam kung paano agawin uli,wala na talo ka na nun".sabi niya at tumigil na kame sa isang mamahaling botique,naalala ko pa dati nung unang bukas palang ito ay madami na kaagad ang bumuli at hanggang ngayon.

"Yung sinabe ko naintindihan mo ba?".tanong niya saakin.

"Ha? Ang alin ba doon?".tanong ko sakanya "aish! Hindi ka talaga marunong makiramdam!".sabi niya at binitawan na ang kamay ko kaya mag-isa kung pumasok sa loob dahil nauna na siyang pumasok.

"Try this".sabi niya at ipinakita ang red dress na may pa-ekis sa likod at may foam sa harapan nito.

"I know you're not wearing any bra so wear this,dont worry i'm the one who will pay it".sabi niya.

Napatingin muna ako sa katawan ko bago pumunta sa fitting room and...bakat nga.

Diko tuloy alam ang mararamdaman ko,kung mahihiya ba ako o maiinis dahil pati iyon ay napansin niya,parang nakakabastos naman kasi ata yun.

Pagkasukat ko ay umikot-ikot muna ako at napatitig sa katawan ko..ang gandaaa!

"Gawa yan nang ate ko".nagulat ako nang bigla sumulpot si travis sa likod ko at humawak sa balikat ko. "Bagay mo yang damit its really suites to your body,tapos ikaw naman bagay sakin".sabi niya sabay kindat kaya hinampas ko siya,ang sarap niyang kurutin sa singit.

the Models seducer (Reyeseries #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon