chapter 7

2.4K 30 4
                                    

"Vanalein,its our first anniversary,ang bilis nang araw diba? ano bang gusto mong regalo?".tanong saakin ni shaun habang inaayos ko ang necktie niya.

"Bakit mo naman natanong? Okay na ang simpleng date saakin..".sabi ko at ngumiti saakin,sabay kaming tumingin sa salamin at yumakap naman siya saakin mula sa likod ko.

"Sa tingin mo okay na yun para saakin? Reyna ang turing ko sayo kaya dapat ipinapasyal kita..".sabi niya.

"At saan mo naman ako ipapasyal aber?" Tanong ko sakanya.

"Sa hawaii or maybe in italy..".sabi niya kaya naman tinampal ko ang ulo niya at napadaing naman ito nang mahina.

"Sira,mamamasyal lang kailangan sa hawaii pa?".natatawang tanong ko.

"Marami naman akong pera vana at kahit ubusin pa natin lahat iyon wala akong pakealam dahil ang pera napapalitan pero pag ikaw na ang nawala baka diko kayanin yan!".sabi niya kaya naman natawa ulit ako,nakakakilig naman kasi!

"So ano? Punta tayo?".tanong niya.

"Ngayon na? As-in?".tanong ko sakanya.

"Oo naman,bakit hindi?".

"Pero may trabaho ka diba?".

"Pwede namang mag leave nang one week e at tsaka kailangan natin magsaya".sabi niya.

"P-pero paano kung na bankcrupt yung company..".pabulong na sabi ko,pag na bankcrupt ang company...mawawala na sakanya iyon.

"Do you think hahayaan kong mangyari yun? At tsaka kahit makuha niya ang company may vanalein naman ako e,makuha niya nang lahat wag lang ikaw..".sabi niya.

"Are you sure? Gusto ko lang naman na--".nilagay niya ang daliri niya sa labi ko para patigilin ako.

"Shh! Hahaha dont worry okay? I can handle that thing,okay? So Magiimpake naba tayo?".tanong niya.

"Sure!".sagot ko kaya naman kanya-kanya kaming kuha nang bag at mga bag namin sa cabinet,halos makalbo na ata ang kwarto naming dalawa dahil sa dami naming damit na kinuha,parang isang buwan tuloy kaming mamamalagi sa hawaii.

Napatingin ako sa masaya niyang mukha habang isinasarado ang maleta niya,hindi ko aakalaing mamahalin ko siya..

Hindi naman siya mahirap mahalin sadyang hindi ko lang talaga alam ang nararamdaman kapag nagmamahal.

"Bakit? Gwapo ko diba?".tanong niya kaya tinampal ko ulit ang mukha niya.

"Oo na! kaangamahalkitae".mabilis na sabi ko kaya naman biglang nanliit ang mata niya at inilalapit ang tenga niya saakin.

"Ano ulit yun? Pakiulit".

"Kayangamahalkitae".sabi ko at mukhang di niya parin naintindihan.

"Ano ba kase yun?".

"Opps! Dalawang beses lang dapat uulitin..".pagbibiro ko,mukha na tuloy siyang baliw dahil ginulo-gulo nito ang buhok niya HAHAHA!

"Nice vanalein,its funny!".walang emosyong sabi niya at pumalakpak,luh?

Lumapit ako sakanya at tumabi kung saan siya nakaupo.

"Ang sabi ko mahal kita..".sabi ko sabay halik sa pisngi nga.

"Diko fell,sige isa pa nga".

"Ang sabe ko mahal kita!".sigaw ko sakanya,nagulat naman ako nang halikan ako nito kaya napatumba kami sa kama.

Patuloy parin ako sa paghalik nang mabagal nang--

"Sir,ready na po ang almusal niyo".sabi nang kapitbahay madali naman kaagad kaming nagkahiwalay.

the Models seducer (Reyeseries #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon