F I V E

12 5 0
                                    

"Naiihi ako, Aera!"

Nasa mall kaming tatlo ngayon, naisip kasi namin mag-Mall pagtapos ng group meeting namin sa mga ka-group namin sa project. Madami-dami pa 'yung kulang pero kahit paano ay nabawas-bawasan, mabuti na lang din mahaba-haba 'yung binigay na palugid saamin.

Nakapag-submit na din ako ng nai-sketch kong outfits kay Nakiya, para sa fashion show event, nagustuhan niya 'yung ginawa ko kaya naman guminhawa na ang pakiramdam ko dahil nabawasan na kahit paano 'yung mga gagawin.

Usapan ay kakain lang kami dito sa favorite kainan naming tatlo, pero heto't namimili na kami ng damit dito sa UNIQLO. Thursday ngayon at walang pasok until tomorrow, dahil tutok sa pag-eensayo ang mga players para sa Saturday.

Tumitingin ako ng damit na pwede ko iregalo kay Paige nang biglang lumapit si Sunny.

"Pumunta ka na sa rest room, may hinahanap pa ako!"

"Naiihi na nga ako!" Pasigaw na bulong niya.

"Mauna ka na nga!"

Tinalikuran niya ako, pinagmasdan ko ang gagawin niya at ayun pumunta siya sa counter saka nag-iwan ng ID niya doon at sinabing babalikan namin ang basket namin at babayaran.

Matapos nun ay bumalik siya saakin saka ako hinatak sa braso na ganoon din ang ginawa niya kay Mae at patakbo kaming lumabas dahil naiihi na daw siya, at dahil hatak niya kami ni Mae, sa kasamaang-palad ako iyong na-off balance kaya ending nadapa ako, lagapak iyong katawan ko sa sahig ang sakit.

"Tangina sandale kasi!" I shouted. "Hatak hatak pa kasi nalalaman!"

Pinagtawanan nila akong dalawa, hindi pa ako nakaka-ayos ng pag-upo para sana pagpagan iyong uniform ko, pero itong gagong Sunny hinawakan iyong braso ko saka ako hinatak habang nakaupo pa ako dito sa sahig ng mall!

Ang saya, naging living mop lang naman ako dito sa sahig ng Mall! Tangina!

"Aera tara na, naiihi nako!"

"Tangina mauna ka na kasi!" Sigaw ko habang sayang saya siyang kinakaladkad ako. "Hawak ko ba inidoro? Bitawan mo na ako Buena, di ako living mop, lintik ka!"

Ito naman si Mae ay tawa lang ng tawa, tangina imbis tulungan ako tumayo, eh tumulong pa kay Sunny at kinaladkad din ako, nakaka-bwisit talaga! Pinagtitinginan na kami ng mga tao.

"Tayo na Z, baka diyan ka pa matae, diba natatae ka?" Sigaw ni Mae.

Puta sarap maglaho bigla, hayup!

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, tang ina talaga ng dalawang 'to. Tumigil si Sunny kakahatak saakin at tumakbo na dahil ihing ihi na daw talaga siya.

Tinignan ko kung nasaan na kami, tang ina malapit lang naman na kami sa restroom. Kung kailan malapit na kami dito saka niya lang ako binitawan.

Ang saya lang!

Hingal na hingal akong tumayo. "Happy? Contented? Satisfied?" Mataray na tanong ko kay Mae saka naunang naglakad papasok ng restroom. "Tangina niyo hinayaan niyo akong malampaso sa hallway ng mall na ito! Ang layo na natin sa Uniqlo!!!" Singhal ko kay Mae.

She still laughing kaya hindi na siya makapag-salita, iniwan ko siya at pumasok din sa loob ng restroom.

"Hayup kayong dalawa tignan niyo ginawa niyo saakin!" Pagmumukmok ko habang pina-pagpag iyong damit ko. "Puti pa naman 'to, mga hinayupak kayo!"

Buti na lang talaga naka-knee shorts pleated tie ako at simple t-shirt, kundi nakitaan na ako kanina nung hinila-hila nila ako kanina sa hallway.

"Sorry na naiihi na kasi talaga ako."

Found The Way To His Rainbow (ON-HOLD)Where stories live. Discover now