P R O L O G U E

27 5 0
                                    

"Wala ka ba talagang balak sumunod saiyong mga kaibigan, hija?" Mama Jang asked.

Ngumiti lang ako saka umiling, tumayo ako at dumiretso papunta sa railings ng balkonahe. Ipinatong ko doon ang braso ko habang hawak ang coffee ko.

Matagal akong nag-isip kung susunod ba ako or hindi sa aya ni Paige kanina na gala together with Mae and Sunny.

I wanted to feel happy and alive again like before but somethings holding me back and it kills me so bad.

I was in the middle of my thoughts when my phone vibrated and when I checked it I saw Mae messaged me.

From: Gabiiiiiii <3
If your mind changed, you can go straight here at Megamall. Alam ko na hindi ka magre-reply, but plase message me. We'll wait you here, take care and see you! I love yah!

Napangiti ako sa nabasa ko, I walked back and forth while holding my phone, to think.

Nag-iisip kung tama bang umalis ako ngayon para maka-move on na or tama bang dumito lang ako sa bahay.

I shook my head, "hindi, hindi ako pupunta."

Hindi ko magawang sumaya, hindi ko kayang sumaya.




* * * * * * * * *

"IIKOT lang ako." Paalam ko at tumango naman sila saakin.

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at nakita ko na lang ang sarili kong nakabihis na at nagda-drive ng sasakyan ko paalis ng bahay.

We're here at Toy Kingdom buying some toys for Lauri, Mae's younger sister.

While walking and looking some toys ay napaisip ako, well, maybe they're right, kailangan ko na talaga siguro maka-usad. Hindi pwedeng ganito, hindi ko na pwedeng ikulong pa ang sarili ko sa nakaraan, madami nang taon ang nasayang.

Napatigil ako sa pag-iisip ng maramdaman kong may yumakap sa baywang ko mula sa likuran ko, magsasalita na sana ako ng maunahan niya ako.

"Sorry for doing this, Miss!" Ani niya saka marahang itinali saakin ang--hoodie?. "May red stain ka kasi sa dress mo."

Dahan-dahan akong lumingon paharap sa kanya at nagulat ako sa nakita ko, Geez! He's so handsome-- Wait, What? Ano sabi niya? Red stain? As in period stain?

Oh my god! Naka-White Dress pa naman ako, 'yung favorite kong Floral Bustier Slit Midi Dress. Shocks, bakit naman ngayon pa?

Doon ko lang din na-realize na lalaki nga pala itong nasa harapan ko.

Jusko lupa lamunin mo ako ngayon na, this is so embarrassing! The fact na nag-lakad pa ako ng mabagal mula parking lot hanggang dito!

"Ahm... T-thank you." Nahihiyang sambit ko.

"Welcome," Tumikhim siya. "Y-you know, you should change Miss, if you want I'll help you to buy some dress and... Ahm, your n-new undies." Mukhang naiilang na sambit niya.

Nanlaki ang mata ko. "No!" Napasigaw ako kaya naman napatingin saakin ang ibang mga staffs ng Toy Kingdom. "Sorry, ahm... T-thanks but I'm with my friends right now! Errr... Puntahan ko na lang sila." Pilit kong sambit ng hindi nauutal.

Shems, first time nangyari ito saakin 'no sinong hindi mauutal sa hiya, idagdag mo pa na lalaki siya! Damn it!

"Masyadong malaki iyong stain sa dress mo?" Casual niyang usal.

"What? Shit!" Natutop ko ang bibig ko sa gulat.

"Kaya nga, kung okay lang saiyo and if you'll trust me, I can help you and buy you a dress, para makapag-palit ka naman." Aniya.

Found The Way To His Rainbow (ON-HOLD)Where stories live. Discover now