O N E

26 5 0
                                    

"Sun, ano pa ba kailangan natin sa magiging project ng scrapbook?" Mae asked.

"Create your own hard cover ba?" I also asked habang tumitingin ng pang-design.

"Totoo ba? Hindi ba pwede 'yung gawa na."

"Ewan ko din eh, Sun 'diba scented paper daw ang dapat gamitin for reaction paper?"

"Grabe ang dami naman need!"

"Need pa daw ba maglagay ng design sa folder doon na paglalagyan ng reaction paper, right?"

"Oh my, need pa mag-design sa folder? Sa scented paper din ba magde-design for RP, Sun?"

"Or 'yu--"

"Oo mga anak! Tama 'yun!" Pagsusungit niya.

Sinamaan ni Mae ng tingin si Sunny at ako naman ay humagalpak sa tawa.

"Para namang ewan, Nickeya!"

"Para kasi kayong mga bata!" Sigaw niya, "kanina pa kayo tanong ng tanong saakin!" Reklamo niya pa. "Jusko, kada bago magtanong hihilahin niyo damit ko, 'di ko kayo anak ah! Karindi!"

"Duh, siyempre ikaw tatanungin namin kasi ikaw 'tong leader at ikaw din 'yung nakausap ni Miss Geist about dito sa scrapbook na gagawin at sa reaction paper na project kay Miss Horowitz!"

Naihampas ni Sunny ang palad sa noo niya. "Shit! Oo nga pala!"

Umirap si Mae sa kanya, "Nasaan utak natin today, girl? Lutang lutang-an, ganun?"

"Sorry naman ah, nakalimot lang eh! Bawal maka-limot?"

"Oo, bawal kapag ikaw!"

"Hold on a sec," tumaas naman ang kilay ni Sunny, "I told you what kind of materials that Miss Horowitz said that we can use for this project three days ago, right? Kaya nga tayo nandito ngayon eh, so pwede ako makalimot, since nalimutan mo din ang mga pinagusapan natin!"

Uh-oh

Maarteng nagulat si Mae, "edi sorry!"

Sasagot pa sana si Sunny ng awatin ko silang dalawa. "Hep! Hep! Hep!" Iniharang ko sa mukha nilang dalawa 'yung palad ko. I smiled at them, then I put my index finger on my mouth telling them to quiet down. "Itigil niyong dalawa yan ah! Madami pa tayong bibilhin, pwede ba unahin natin ang mga 'to?" Nilahad ko pa ang listahan namin na pagka-haba-haba.

Sabay silang nagbuntong-hininga at hindi na ulit nagpansin, ganyan sila eh.

Bangayan here, bangayan there, bangayan everywhere!

Inabala ko na lang ang sarili ko sa kakahanap ng puncher na iba't-iba 'yung design, pero mukhang kaunti lang ang available dito kaya sampo lang ang nakuha ko.

Sunod ko naman kinuha ay ang mga pens at stabilo na gagamitin ko para sa pag-design sa scrapbook ko, naghanap pa ako ng scented paper para sa gagawin namin reaction paper pero kaunti lang ang nakita ko. Matapang pa 'yung scent ng iba kaya hindi ko na kinuha.

Habang namimili ay nadinig kong nagbabangayan na naman 'yung dalawa sa kabilang aisle. I just sighed saka naglakad palayo sakanila.

Bahala na sila diyan, nakakapagod maging referee nila.




* * * * * * * *

"OH ANO, nagkasundo na ba kayong dalawa sa pagpili ng makakainan natin?"

Kung saan-saan na kami napunta kanina pero hanggang ngayon hindi pa kami makakain. Sa dami ng arte ng dalawang kasama ko ay hindi na ako nakisali, kaya hinayaan ko sila na humanap muna ng makakainan.

Found The Way To His Rainbow (ON-HOLD)Where stories live. Discover now