T H R E E

15 5 0
                                    

"Good Morning sweetheart, ano niluluto mo?"

"Hi Mom, Good Morning! I'm making your most requested Breakfast Burrito, Ricotta Pancakes with strawberries and blueberries on top and Dad's favorite Mexican Breakfast Tacos."

"Oh my gosh, thank you baby!"

"You're welcome Mom!"

"By the way, Maeve's Mom called and she's inviting you to come over to their house today. She said she can't reach you kaya ako ang tinawagan niya."

"Ah opo Mom, nag-shut down po kasi 'yung phone ko, nalimutan ko mag-charge. Pero sige po pupunta ako after breakfast and after paliguan sila Cocream and Cyan."

Matapos magluto at kumain ay pinaliguan ko muna ang mga babies ko at pinakain. Then nagpalit na ako ng damit saka nagpaalam kay Mommy na pupunta na ako kela Mae.

Habang nag-lalakad ay nakita ko si Sunny na palabas ng bahay nila, mukhang galit na galit, ni hindi niya ako nakita dahil nakatuon siya sa paglalakad.

"Sun!" I called pero hindi siya lumingon kaya tumakbo ako papunta sakanya.

"Hoy, Sunny!" Sigaw ko saka siya lumingon, "saan punta mo? Madaling-madali ka ah."

"Ano pa, edi pupuntahan si Eira Maeve Florencio!"

Yari, galit 'to.

"Ano na naman ginawa saiyo?"

"I was about to use the bag na regalo ni Dad saakin last week, dahil aalis ako ngayon. Eh naka-box pa 'yun, nung kukunin ko na sana doon sa pinaglagyan ko nagulat ako bakit magaan! Argh! Ayun naman pala ninakaw ni Eira Maeve! Putangina ayaw niyang ibalik saakin 'yung bag ko," mahaba at galit na usal niya.

Nagpipilit akong tumawa, siraulong Mae talaga 'to.

"Kaya nga gaganti ako, kukuha din ako ng bag na ibibigay ni Tito Nicholai sa kanya." Sigaw niya saka naunang nag-lakad.

Nang makarating sa bahay ni Mae ay siya na nag pumindot sa doorbell, pinindot-pindot niya 'yung doorbell ng bahay nila Mae na tila akala mo eh siya may-ari ng bahay at 'yung mga kasambahay eh ang tagal siyang pagbuksan ng gate.

"Sun, nakakahiya kela Tita---"

"Let me be Zamira kung ayaw mo madamay!" Galit na usal niya saka nagpipi-pindot muli sa doorbell.

Nang bumukas 'yung gate at si Ate Barbara ang bumungad saamin, hindi pa man siya nakakabati saamin ay nag-excuse na si Sunny saka dire-diretsong pumasok sa loob. Natatawa akong tinignan si Ate dahil nagulat siya, "pagpasensyahan mo na Ate, 'yung amo mo kasi may ginawa na namang kasalanan sa kanya!"

Natawa naman din siya, "kaya naman pala, ayus lang 'yun Zamira, pasok ka."

Tumango ako at naglakad na papasok, nasa tapat pa lang ako ng pinto ay dinig na dinig ko na 'yung boses ni Sunny.

"Hoy! Eira Maeve Florencio! Lumabas ka diyan!" Sigaw niya, "harapin mo ako!"

"Hoy, Sunny, kumalma ka nga! Huwag kang mag-eskandalo dito!" Bulong ko, "nakakahiya kela Tita!"

Sunny tsked, "huwag kang magulo, Zamira!" Luminga-linga siya sak sumigaw muli, "Eira Maeve Florencio! Lumabas ka dyan!"

"Sunny, hija, what's wrong?" Nag-aalalang tanong ni Tita Elliesa, "what happened? Why are you shouting?"

More like screaming in a hysterical way, Tita.

"Hi Tita, Magandang Hapon po." Bati ko.

"Magandang hapon naman din sainyo, Zamira!"

Found The Way To His Rainbow (ON-HOLD)Where stories live. Discover now