One

6 0 0
                                    

"Good job, everyone! You can now go home, it's getting late na rin. Let's call it a day." Sabi sa amin ni Ate Kelly, siya ang pinaka nag tuturo sa amin ng steps sa sayaw.

Nag ayos na ako ng gamit at nag hahanda na para umuwi galing sa aming dance studio.

Buong araw kasi ang practice namin ngayon dahil nag ccram kami sa papalapit na mall show namin. Sa next week na iyon kaya naman grabe na ang pag hahandang ginagawa namin.

Hindi rin naman kasi araw araw ang practice dahil may pasok din ang iba sa amin. Whole day kami kapag weekends at half day naman kapag week days ngayong may padating kami na event.

Half day din naman kasi ang pasok ko simula last week at ang iba kong kasama ay natural na ganon ang pasok kaya napag desisyunan namin na ganon na lang ang maging set up namin para hindi hassle.

Nararamdaman ko na ang pag sakit ng katawan ko lalo na't whole day pa rin kami bukas. Today is Saturday, wala naman akong choice dahil pinili ko ito.

"Tangina, walang pahingahan. Sakit na ng katawan ko!" Pag rereklamo ni Erin nang kami na lang ang tao sa kwarto.

She's Erin Ramirez, schoolmate ko at kasama ko rin bilang dancer. Friends din kami kaya noong nakita namin ang isa't isa na mag kakasama sa studio ay walang awkwardness na nangyari.

"Ginusto mo yan, panindigan mo." She pouted with my reply.

Talaga nga namang nakakapagod ang ginagawa naming ito. Medyo strict pa si Ate Kelly at talagang pinapaulit niya kami kapag may isang nagkamali kahit na patapos na kami sa sayaw.

"Talagang paninindigan ko 'to, lalo na ba naman kung manonood si Andres. Ay shet, gigiling ako ng malala doon!" Natawa naman ako sa sinabi niya.

You heard it right, may gusto kasi siya kay kuya, hindi ko alam kung gusto lang ba talaga or may something na sa kanila. Hindi rin naman siya nag sasabi at hindi ako nag tatanong.

Buhay naman nila yan kaya go, as long as parehas silang masaya. Why not?

Pagkalabas niya ay pumunta na akong comfort room para mag ayos ng kaunti dahil paalis na rin ako. Sobrang gulo na ng buhok ko at tagaktakan ang pawis sa aking noo. Ang asim ko na nito.

Nag palit lang ako ng shirt at lumabas na para umuwi. Wala na rin naman akong pag papaalamanan dahil nauna na sa akin ang mga kakilala ko at ang mga natira rito ay hindi ko na ka close.

Mag isa lang ako uuwi ngayong araw dahil may dadaanan pa raw si Erin sa mall. Hindi na ako sumama dahil alam kong mas gagabihin ako kung dadaan pa ako roon.

Isang oras ang byahe ko mula rito hanggang sa bahay namin. Tumingin ako sa relo ko at nakitang 5:03 pm na ang oras dito. Ayokong gabihin masyado kaya binilisan ko ang lakad papunta sa terminal ng bus.

Agad naman akong nakasakay at sakto rin na puno na ito kaya nakaalis na agad ang sinasakyan ko.

Commute lang ako ngayon dahil wala si Kuya Lukas. Busy kasi siya dahil may practice sila sa banda. Ang pangalawa ko namang Kuya Andres ay busy din dahil papalapit na ang kanilang finals.

Kinakailangan ko na rin pa lang mag aral dahil last sem na ito. 4th year na ako next school year at graduated na non ang Kuya Andres ko he is currently studying engineering while i am focused studying nursing.

Maya maya rin ay nakarating na ako sa bahay namin at agad agad dumiretso sa kusina para hanapin si mama. Tama ako dahil nakita ko siya roon na nag aayos sa hapag kainan. Lumapit ako sa kaniya at nag mano.

"Tamang tama ang pag dating mo anak. Bilisan mo na mag bihis para makakain na tayo." Tumango ako sa sinabi niya at tumaas na sa kwarto ko.

Hays, nakakapagod ang araw na 'to. Actually ang buhay ko mismo ang nakakapagod. Dance and study, paulit ulit lang naman ang cycle sa buhay ko pero pakiramdam ko ay drained na ako.

Love In The Midst Of Chaos Where stories live. Discover now