Seventeen

1 0 0
                                    

"Init na naman ng ulo niyan ni Ciara panigurado," sabi ni Mai habang nakain kami sa mcdo.

Nakwento ko kasi sa kaniya na nakita namin sina Ciara noong isang linggo nang kumain kami sa bazaar ni Yno. Hindi ko pa nababanggit sa kaniya na sa bahay ko na titira si Yno, baka kasi anong isipin ng babae kapag nalaman niya.

"Bahala siya, ayoko ng gulo 'no,"

Hindi ko rin masabi kay Mai dahil baka madulas siya sa ibang mga tao at mas lumala pa ito. Ayoko na mag karoon ng kaaway dahil hindi ko gusto ang feeling na 'yon. Para bang hindi ka makakilos nang ayos dahil alam mong may nanonood saiyo. Ang squammy rin tignan ng pakikipag away dahil sa lalaki.

"Lupit din kasi ng babaeng 'yon, akala mo tanga e no. 'Wag nga siyang makialam sa relasyon niyo ni Yno!"

Pinandilatan ko ng mata si Mai sa kaniyang sinabi. Anong relasyon siya riyan?! Wala namang something sa aming dalawa ni Yno. Siguro kung may mag tatanong sa akin kung ano kami ay hindi ko rin ito maasagot. Roommate? Friends? What?

Ang sagwa naman kasi kung sasabihin na landlady ako ng lalaki.

Friday nga pala ngayon kaya naman ay ito ang araw na uuwi ako sa bahay kasama sina mama. Last week kasi ay hindi ako nakauwi dahil masyadong busy sa bahay.

Hapon nang makauwi ako sa bahay pag kadating ko roon ay wala namang tao. Siguro ay hindi pa nakakauwi si Yno galing school o kaya naman may pinuntahan siya.

Nag lakad ako papunta sa aking ref para sana makakuha ng malamig na tubig nang may mapansin ako sa naka dikit doon.

Sticky notes ito na may nakasulat,

Bey, baka malate ako ng uwi dahil may duty ako ngayon. Mag lock ka dyan at 'wag kang mag papalipas ng gutom, baka pumayat ang pisngi mo.

-Yno

Pumayat ang pisngi? So sinasabi niyang mataba ang pisngi ko? Baliw ba siya.

Pumunta na ako sa kwarto para mag ayos ng damit, hindi naman ako masyadong mag dadala ng gamit dahil meron naman ako roon samin. Set lang ng uniform pang monday ang aking dadalahin.

After packing my things ay lumabas na rin ako ng kwarto.

Should I message him and inform him na uuwi ako kela mama?

Is it good thing or a bad thing? Pero I should tell him at least right? Siya nga e, nag notes din siya sa akin so kailangan ko rin siguro siya sabihan. Besides, we are roommates.

Inopen ko agad ang aking ig para ichat siya, sa instagram na lang dahil wala naman sa akin ang kaniyang cellphone number.

Yakov

Yno, uuwi ako kela mama ngayon hanggang monday. No need to reply, I just want you to know at least. Ride safe later :)

Binaba ko na ang cellphone ko sa kama pero hindi ko inaasahan na tutunog agad ang aking notif, binuksan ko ito at nakitang si Yno ang nag reply. Wow ha, hindi busy? Akala ko ba nasa duty?

Yakov

Ingat ka. Save my number para mas madali kong mabasa ang messages mo. 0967*******

Agad ko namang minessage ang number niya na iyon para masave niya sa phone niya ang aking number.

Nag linis kang ako ng konti para hindi ko maiwan na madumi ang bahay. Pag katapos ay umalis na rin kaagad ako.

"Anak, ang tagal mong hindi umuwi ha. Namiss kita!" bati ni mama pag kapasok ko sa aming bahay.

Sinalubong niya ako ng naka apron, mukhang nag luluto siya para sa hapunan namin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 09 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love In The Midst Of Chaos Where stories live. Discover now