"Mai tara na kasi."
Hinigit ko na ang babae palabas ng classroom para dumiretso na sa pag uwi. Wala kasi kaming duty ngayon kaya gusto ko sanang umuwi na agad sa bahay para maka bawi ng tulog sa mga araw na puyat na puyat ako.
"Ano ba teh saglit lang, malay mo sunduin ka ulit!" Sigaw niya.
"Sundo? Sinabay lang ako ng tao e. Tara na kasi." Hinihila ko siya pero binabagalan lang niya ang lakad niya.
Kahapon kasi ay naabutan ko si Yno na dumaan sa room namin. Inaya niya akong isabay kaya naman pumayag ako since parehas lang naman kami ng daan pauwi.
"Wait lang kasi sis, malay mo dumaan ulit sila!" Pangungulit pa ng babae.
Sumuko na ako at umupo na lang sa upuan. Wala rin naman akong palag sa babaeng 'to. Ubod ng kulit, siguro ay madami na ring napikon sa kaniya.
"Mai, halos 30 minutes na ata tayong nag hihintay dito. Tara na, hindi na dadaan ang mga 'yon."
Kinuha ko na ang bag ko at tumayo na, wala na ring nagawa ang babae kundi sumunod sa akin.
Baka hindi siya pumasok? Imposible naman na nasa duty siya dahil bukas pa ang schedule niya. Secret na lang paano ko nalaman. Baka sadyang absent lang talaga siya? Ano kayang nangyari?
Halos isang lingo na rin ang nakalipas noong nag sabi siya sa akin ng about sa paglipat niya sa apartment ko. Hindi niya na ulit binanggit iyon, mabuti na rin 'yon dahil hindi ko naman alam ang isasagot sa kaniya.
"Ano kayang nangyare kay Yno? Baka may sakit? Diba bago kayo umuwi ay basang basa siya?" Nag tataka rin si Mai na nag salita.
Oo nga 'no?
Kahapon kasi pag kadaan niya sa room namin ay basang basa siya ng ulan. May pinasa raw kasi siyang requirements sa kabilang building and he didn't know that it's gonna rain so wala siyang bitbit na payong that time.
"Maybe, we didn't know, Mai. Malay mo ay may practice lang sila sa banda or may ka date. We never know." Sagot ko sa kaniya.
Baka rin kasi tama ako. Maybe he's just too busy na hindi na siya nakapasok. But hindi tayo pwedeng maging too busy when it comes to acads right?
"You should chat him." Mai suggested.
Hell no, why would i chat him? Are we on something? I don't even know if we are totally friends.
"Why would i? Yno has his life, Mai. Maybe he's busy nga." I answered.
"Bey, ikaw ang nakasama niya bago siya umuwi 'no. You should have at least message him since hindi pa natin siya nakikita buong araw. Ni dumaan nga rito ay hindi, ito lang ang daan palabas ng bulding 'te." Sabi sa akin ng babae.
Uhhh! Kailangan ba talaga? Baka sabihin ay feeling close naman ako.
Hindi na ako sumagot hanggang makasakay na ako ng jeep. Hindi na kami mag kasama ni Mai dahil mag kaiba naman ng way ang dinadaanan namin pauwi kaya mag isa lang ako dito sa jeep.
I showered as soon as I got home. I just wore shorts and spaghetti top. Sira kasi ang AC ng kwarto kaya mainit dito.
I opened my instagram to check if may update sa wall ni Yno. Baka nga kasi may sakit siya.
Story or notes ay wala akong nakita. Active yesterday din ang nakalagay sa kaniyang status. Siguro ay may sakit nga siya?
Nag tatlong isip pa ako kung icchat ko ba siya or hindi and at the end of the day, i chose not to. Wala naman dapat akong pake sa nangyayari sa kaniya. There's no reason to care at all.
YOU ARE READING
Love In The Midst Of Chaos
Non-FictionON-GOING Beatrice Isabel Vidal was the girl who radiates the aura of a soft girl. Prioritizing her studies and ignoring that dumb love up to since the start of this stereotypical playboy in her life. Her world was fell apart. Love In The Midst Of Ch...