" Roni ano ba gumising ka na riyan at mahuhuli ka na sa klase. Anong oras na hija."
Nararamdaman kong inuuga-uga ni Manang ang balikat ko. Pasimple kong minulat ang mga mata ko at kinusot-kusot.
" Manang naman e, nananaginip pa nga po ako na kasama ako sa concert ng Westlife tapos ginising niyo naman po ako. " Pasimpleng natawa si Manang sa akin at kinurot ang tagiliran ko.
" Ikaw talagang bata ka sa sobrang hilig mo sa mga tisoy na binatang iyan e pati sa panaginip mo kasama mo na sila. " pabirong sabi ni Manang. Agad akong bumangon upang mailigpit na ni Manang ang higaan ko.
Pagkatapos kong mag unat ay patakbo na akong pumasok sa banyo dahil alam kong malelate na naman ako at magagalit si Kuya sakin dahil mabagal akong kumilos.
Nagsusuklay pa lang ako ng buhok ko naririnig ko na ang maingay na bunganga ng kapatid ko sa labas ng pinto ng kuwarto ko.
" Roni ano ba! Malelate na naman tayo ang bagal bagal mo kasi e. Nakakainis ka talaga kahit kailan! " padabog na sabi ni Kuya sa labas.
" Kuya ano ba, sandali lang malapit na akong matapos. Sige ka isusumbong kita kina Mommy at Daddy. " pasigaw kong sagot. Mukhang natakot si Kuya kaya hindi na siya sumagot.
Bumaba na siguro. Hmp talaga namang isusumbong ko siya kina Mommy at Daddy HAHAHA! pabirong kong sabi sa isip ko. Alam niyo minsan nagtataka rin ako kung bakit Roni ang naging pangalan ko e pang lalaking pangalan yun. Well naalala ko sabi ni Mommy dati kaya Roni ang pinangalan niya sakin dahil nung pinagbubuntis niya raw ako napakahilig ni Mommy manood ng mga drama sa TV.
Yung bidang babae raw kasi hindi niya nakatuluyan yung lalaking talagang gusto niya. So nalungkot si Mommy kasi bet na bet niya pa naman daw yung lalaki kaso iba raw ang nakatuluyan nito. Kaya wag na kayo magtaka kung bakit Roni ang pangalan ko.
Sumakay na kami ni Kuya Mattz sa kotse dahil alam kong nagmamadali na talaga itong unggoy kong kapatid. Sus for all I know excited lang siya makakita ng mga cute at magagandang babae sa school.Pagkarating na pagkarating namin sa school, excited na excited si Kuya Mattz na bumaba ng kotse at nagtatakbo papasok sa gate ng school namin. Tignan mo tong taong to pambihira talaga! Ni hindi man lang ako hinintay makalabas ng sasakyan.
Napapairap akong lumabas "Hayaan mo na ang kuya mo excited lang yun dahil magkikita na naman sila ng mga kaibigan niyo. " nakatingin sa labas na sabi ni Daddy.
"Hay nako Daddy! Palagi namang ganyan si Kuya tuwing pasukan e. For all I know excited lang makakita ulit ng magagandang chiks! " natatawa kong sabi. Nagpaalam na sakin si Daddy na papasok na siya sa trabaho. Pumasok na rin ako ng gate. Natanaw ko si Kuya Mattz kasama si Callix ang bestfriend at kababata namin.
Alam niyo hindi ko minsan maintindihan kung paano sila naging mag-kaibigan e itong Kuya ko maloko at siraulo e napakabait at napakatino nitong si Callix e. Ansama mo naman sa kapatid mo girl! Dumiretso na ako sa classroom ko. Teka nga, nasaan na ba ang babaen iyon at wala pa hanggang ngayon?! Palinga-linga kong hinahanap ang bestfriend at partner in crime kong si Bea. Kahit kailan talaga napakabagal niya. Wow nagsalita ang mabilis kumilos! pangongontra ng isip ko. Umupo na lang ako sa upuan ko at nagmuni-muni.
"Roniiiiiiiiii!!!! Oh my gosh namiss kitaaaaa." patiling sigaw ng pamilyar na boses. Speaking of the devil dumating din sa wakas. Lumingon ako sa likod at nakita kong nakatayo na siya sa may likuran. Sinenyasan ko siyang lumapit sakin at umupo sa tabi ko.
" Bat naman ngayon ka lang? Ang tagal tagal mong nawala. Bakit kasi sa ibang bansa ka nagbakasyon hmp! Alam mo namang di ako papayagang sumama ni Mommy dahil busy sila sa coffee shop at kailangan nila ng katulong doon huhu di tuloy ako nakasama! "
nagmamaktol kong pagrereklamo kay Bea.
YOU ARE READING
A Night Full of Stars
Teen Fiction" Sabi ng Mommy ko complicated daw ang LOVE. Kapag nagmahal ka, hindi pwedeng hindi ka masasaktan. Kagaya raw ng love story nila ng Daddy ko. Napakaraming pagsubok at struggles ang hinarap nila just to be together. Pero sabi naman ng Daddy ko, wort...