Pagkatapos ng nakakahiyang scene na yun sa school kanina, malamyang malamya akong umuwi sa bahay. Hindi ko talaga maalis sa isip ko yung ginagawa ko HUHUHU!! Sa lahat naman ng araw na mananaginip ka ng gising sa harap pa nila Callix, jusko Roni Gabriela sarap mong sabunutan at kurutin! Argh! Hindi ko namalayan na pareho na palang nakatingin sakin ang mga magulang ko dahil tuloy-tuloy akong pumasok sa loob ng bahay.
"Oh anak, Roni ayos ka lang ba? Mukhang hindi ata maganda ang pakiramdam mo ah? May nangyari ba sa school niyo? " nag aalalang tanong ni Mommy. Sasagot na sana ako kaso may asungot na biglang sumulpot at sumagot.
"Kasi naman Mommy itong anak mo, tulala ba naman kanina sa cafeteria mukhang nananaginip na naman nakatitig pa kay Callix! HAHAHAHAHAHA!! " tawang-tawang sabi ng kapatid kong damuho.
"Kuya ano ba!! Nakikisali ka na naman e! May iniisip lang ako kanina okay?! Alam mo bang nakakahiya, pinagtawanan mo pa ako kanina. " malamya kong sagot. Siya naman talaga yung naiisip ko kanina pero hoy, wala akong gusto sa kanya ano. Iniisip ko lang bakit mas close sila ng letsugas na ito e ako naman ang unang nakilala niya ah!
"Mattz naman, dapat hindi ka na nakisali. Alam mo naman itong kapatid mo e talagang lutang madalas! " matapos sabihin iyon ni Daddy nagtawanan sila Mommy, Kuya at pati na rin si Manang. Grabe ano bang pamilya meron ako. Imbis na makisimpatiya ay tinawanan pa ako.
" You're so mean Dad! For the record wala akong gusto kay Callix okay?! Nagkataon lang na may pumasok sa isip ko kanina kaya natulala at nawala ako sa huwisyo. Wag kayong ano diyan! " padaskol kong tugon. Nakatingin lang silang apat sa akin na para bang may katawa-tawa na naman sa sinabi ko.
"Kayo naman, tinutukso niyo na naman itong dalaga natin. Wala naman nga daw siyang gusto kay Callix. Pero hija, wala naman kaming sinasabing may gusto ka sa kanya ah? " nanunuksong sabi ni Manang. Mas lalong nagtawanan sina Mommy at Daddy, halos mamatay na rin sa kakatawa itong napakabait kong kapatid. Kaunting-kaunti na lang talaga ay makakapatay na ako ng tao! Chill ka lang Roni! Ano ka ba? Mas lalo ka nilang tutuksuhin kung ganyan ang asal mo. Kinalma ko ang sarili ko at ngumiti ng pilit.
"Alam niyo guys, aakyat na ako ha? Kasi marami pa akong assignment na gagawin at magde-day dream pa ako at sa tingin ko yung isa diyan e titirisin ko sa day dream ko! " tiningnan ko si Kuya Mattz na para bang kakainin ko na siya ng buhay saka tumalikod at nagmartsa paakyat ng kwarto ko. Rinig na rinig ko pa rin ang tawanan nila sa baba hanggang makaakyat ako sa kwarto ko. Kung bakit naman kasi ngayon pa ako nawala sa sarili e. Pagkatapos kong magbihis binuksan ko ang cabinet ko at kinuha ang diary ko na de susi. Daddy ko ang nagbigay ng diary na 'to. 12 years old ako nung niregalo ni Daddy sakin to eksakto rin namang birthday ko. Sabi niya, dito ko raw isusulat lahat ng nararamdaman ko at lahat ng nangyayari sakin. Kulay pink at makapal ang diary na to. Siguro hanggang sa tumanda ako e hindi pa mauubos ang page nito.
Sumalampak ako sa kama ko at nagsimulang magsulat sa diary ko.
June 9,
Dear diary,Alam mo nakakainis ang araw na 'to. Unang araw ko sa school tapos ganon ang nangyari. Nahihiya ako kay Callix e, nanlulumo ako actually! Baka kasi mamaya isipan niya e pinagpapantasyahan ko siya huhuhu. Ayokong magkaroon siya ng false impression sakin. Kababata ko siya at ayokong mag-isip siya ng hindi maganda tungkol sakin. Pero bakit ko nga ba nasabi bigla na wala akong gusto sa kanya?! Ayan tuloy pinagtawanan ako ng buong pamilya ko. Hays! Sana bukas may mukha pa akong maiharap sa kanya. Sana makalimutan niya na yun. Pero bakit nga ba ganon siya? Naging mahiyain at seryoso sa buhay? Sana kung ako man ang tumatakbo sa isip niya, at kung ano man ang problema niya maging okay na siya.
Roni❤️
Pagkatapos naming kumain tinulungan ko si Mommy at Manang magligpit ng pinag-kainan. Tahimik akong nagliligpit ng kinainan nang tanungin ako ni Mommy. " Roni anak? Okay ka lang ba? Parang lately andami mong iniisip? " nag-aalalang sabi niya sakin.
YOU ARE READING
A Night Full of Stars
Teen Fiction" Sabi ng Mommy ko complicated daw ang LOVE. Kapag nagmahal ka, hindi pwedeng hindi ka masasaktan. Kagaya raw ng love story nila ng Daddy ko. Napakaraming pagsubok at struggles ang hinarap nila just to be together. Pero sabi naman ng Daddy ko, wort...