Chapter 7 : New Friend

274 18 6
                                    

Bea's Pov :

Excited na excited akong makita si Roni ngayong umaga, marami kasi akong i-ku-kuwento sa kanya. Di kasi ako nakapasok kahapon may pinuntahan kasi kami ni Daddy na party and kailangan niya ng kasama kaya sinamahan ko siya. Pero worth it naman ang pag-absent ko HAHAHA may nakita kasi ako kahapon, may bagong lipat sa malapit sa bahay nila Roni. Ang cute niya! Mukhang may sinabi rin ang pamilya niya, ang dami rin kasing binababang gamit mula sa truck. Lalapitan ko sana siya kahapon kaso nahihiya ako. Pagdating ko sa room namin, wala naman si Roni. Bat wala pa siya? Hay nako late na naman siya. Lumabas muna ako sa hallway since di pa naman magsisimula ang klase. Tahimik lang akong nakatingin sa mga dumadaan na mga students nang makita ko yung bagong lipat sa village namin kahapon. Mukhang dito na rin siya mag-aaral ah? Sure akong di pa nila kabisado rito kaya nilapitan ko sila ng Mommy niya.

" Hi! Di ba ikaw yung bagong lipat malapit kina Roni? Ako nga pala si Beatrice, Bea na lang for short. Dito ka na ba mag-aaral? " inabot ko sa kanya yung kamay ko at nakipag-shake hands.

" Ahm Carl ang pangalan ko. Siya naman yung Mommy ko. " pinakilala niya sakin ang Mommy niya.

" Hi hija! pwede mo ba kaming samahan sa office ng Dean? "

" Ah sige po tara! " mukhang magkakaroon kami ng bagong kaibigan ah. Sinamahan ko sila sa office ni Mrs. Manalo. Mag-eexam pa siya at kailangan niya munang maipasa yun bago siya makapasok dito. Nagpaalam na ako sa kanila kasi baka magsimula na ang klase. Pagdating ko sa classroom wala pa rin si Roni. Hays. Napano na kaya siya? Wala akong balita sa kanya kagabi, hindi naman siya tumawag. Pupuntahan ko na lang siya mamaya sa bahay nila. Nag-focus muna ako sa mga lectures, baka mamaya biglang mag-quiz si Ms. Teodoro tapos wala akong makuhang tama. Lagot ako kay Roni.

Roni's Pov :

Hindi ako nakapasok ngayon. Wala kasi ako sa mood makita si Cheska kaya nagdahilan ako kay Mommy na hindi muna ako papasok. Hindi pa ako nakakapag-thank you kay Callix e. Wala ako sa mood kahapon, iniisip ko kasi kung bakit inis na inis sakin si Cheska e wala naman akong ginagawa sa kanya, bukod dun sa nabuhusan ko siya ng juice ng di sinasadya. Pupunta na lang ako sa bahay nila Lola Alicia, sabi kasi ni Kuya kagabi baka hindi raw pumasok si Callix ngayon. Nagpaalam ako kay Manang na pupunta ako sa bahay nila Callix para magpasalamat. Nasa labas pa lang ako ng gate nang tumigil ang sasakyan nila Adrian sa gilid ko. Binaba ni Tita Marie ang bintana ng kotse nila.

" Roni come! Sumabay ka na sa amin, saan ka ba pupunta? I can drop you off. " nakangiting sabi ni Tita Marie. Nakakahiya naman, saka awkward pa rin talaga ako kay Adrian e.

" Ah Tita, wag na po nakakahiya naman po saka malapit lang naman po ang bahay nila Lola Alicia dito e. Sa labas lang po ng village, kaya ko naman pong lakarin. " nakangiti ko ring sagot sa kanya. Nag-insist si Tita na sumabay na ako sa kanila.

" Naku Roni! Come on! It's too hot today so sumabay ka na. I don't take no for an answer, sige ka magtatampo ako sayo! " hay si Tita talaga hindi pa rin nagbabago makulit pa rin. Since nagpipilit naman si Tita Marie sumakay na ako sa back seat katabi ni Adrian. Nginitian niya ako so I smiled back. Malapit lang naman kasi talaga samin ang bahay nila e. Pero tama naman si Tita mainit ngayon. Baka umitim pa ako e HAHA! Hindi ko namalayan na andito na pala kami sa bahay nila Lola Alicia kung hindi nagsalita si Tita Marie.

" Hija, we're here. Take care okay? " mabait naman talaga si Tita sweet pa nga actually. Matagal na rin kasi silang family friend ng pamilya ko. Yun nga lang nung nasa elementary kami, nag-migrate sila sa Canada.

" Bye Tita! Thank you po. Bye Adi! " I closed the door and hurriedly ran towards Callix's house. I knocked as soon as I get to their door. Binuksan ni Lola Alicia ang pinto. Ngumiti agad ito nang makita ako.

" Oh! Roni apo, naparito ka? " hindi nga pala ako nagsabi na pupunta ako.

" Ah Lola, andiyan po ba si Callix? Nasabi po kasi sakin ni Kuya na hindi daw po siya pumasok e. Pwede ko po ba siyang makausap? "

" Inaapoy siya ng lagnat kagabi hija, pero sige puntahan muna siya sa kuwarto niya. Ikaw na muna ang bahala sa apo ko okay? Kailangan kasi ako ng Lolo mo sa grocery. Maiwan ko muna kayo. " Umakyat na ako sa hagdan matapos isara ni Lola ang pinto. Mukhang kasalanan ko kung bakit siya nagkasakit hays! Hindi na ako kumatok since bukas naman ang pinto niya. Sinilip ko si Callix kung natutulog ba siya. Tulog siya! Hinila ko ang upuan niya mula sa study table niya at naupo sa gilid ng kama niya. Ang himbing ng tulog ni Callix, napakaamo ng mukha niya. Alam mo yung para siyang anghel na natutulog? Ngayon ko lang siya napagmasdan ng ganito kalapit. Mahahabang pilik-mata, makapal at perpektong kilay. Matangos na ilong, mamula-mula'ng labi. Ang guwapo niya pala kapag malapitan! Bumilis ang tibok ng puso ko nang magising siya at tumingin sakin.

" Roni... what are you doing here? Did you skip class? " nanghihinang sabi niya. Hinawakan ko ang noo niya, mainit pa rin siya. Inayos ko ang bimpong nakapatong sa noo niya saka siya kinausap.

" I'm sorry Cal, I know it's my fault kung bakit ka nagkasakit. And sorry din kahapon, I came here to say thank you. Kuya said hindi ka raw makakapasok kaya I decided to go here. " He looked at me directly in the eyes and stared at me for a few minutes, ang gently caressed my right cheek. Shocks! I felt my heart racing again. Just what are you doing to me Callix? He smiled at me and stared at me again. Hindi na ako mapakali sa kinauupuan ko.

" It's okay Roni, I actually wanted to say sorry too. Although I didn't know what's the exact reason why you were avoiding me last time but still, I'm sorry. Kung ano man ang nagawa ko forgive me please? About Cheska, I don't like her. Just don't mind her okay? I will make her pay for what she did to you yesterday. " ito na yata ang pinaka-mahabang mga salita na narinig ko mula sa kanya. Madalas kasi tahimik siya. I just smiled at him.

" Magpahinga ka na lang okay? Get well soon. Wala na yun. I forgive you. About her wag na lang natin siya pansinin. " Nginitian ko siya bago ayusin ang buhok niya. Hindi ko alam kung paano kami naging ganito ka-close para ayusin ang buhok niya pero wala akong paki HAHA e sa gusto kong ayusin ang buhok niya e. Natawa ako sa sarili ko. Natulog ulit si Callix, habang tulog siya  bumaba ako at naghanda ng pagkain niya. Nagluto ako ng lugaw para kay Callix. Kumuha na rin ako ng gamot sa medicine kit nila saka inayos ang mga pagkain sa food tray. Nag-slice rin ako ng apple at nagbalat ng orange. Dahan-dahan akong umakyat sa hagdan at pumasok sa kuwarto niya. Tulog pa rin siya kaya ginising ko siya para kumain. Pinaupo at pinasandal ko siya sa headboard ng kama niya saka sinubuan. Hinipan ko muna ang lugaw bago sinubo sa kanya. Habang sinusubuan ko siya hindi ko maiwasang hindi mailang, tinititigan niya kasi ako habang pinapakain ko siya. Hindi na ako nakapagpigil kaya natawa na ako at hinampas ko siya.

" Cal ano ba? Wag mo nga akong tingnan ng ganyan! May dumi ba ako sa mukha? " natatawang sabi ko. Tumawa rin at siya at tumingin ulit sakin.

" Ngayon ko lang kasi napansin, mabait ka naman pala! Lagi mo kasi akong sinusungitan e. " inaasar niya ako! Aba! Marunong din pala siya mang-asar.

" Tse! Kumain ka na lang nga! " susubuan ko pa sana siya pero bigla niyang hinawakan yung kamay ko pagkatapos ay tinitigan na naman ako.

" Thank you Roni, for taking care of me. " He smiled again. Jusko Lord! Papatayin niyo po ba ako sa kilig! Bakit naman po kasi napakaguwapo ng nilalang na to? Pagkatapos ko siyang pakainin, hinugasan ko lahat ng mga ginamit ko. Tulog na tulog siya nang madatnan ko siya sa kuwarto. Naupo ako ulit sa tabi niya at ipinatong din ang ulo ko sa gilid ng kamay niya. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

A Night Full of StarsWhere stories live. Discover now