Chapter 5 : Obvious feelings

128 10 1
                                    

Roni's Pov :

Maaga akong gumising ngayon dahil may pasok na naman. At isa pa gusto ko rin talagang makausap si Callix. Simula kasi nung umuwi siya kahapon hindi pa siya pumupunta sa bahay. Usually naman pag gabi pumupunta pa rin siya kasi nagba-bonding sila ni Kuya. May problema kaya siya? Nagselos kaya siya? Ay pak! Bet na bet ko ang pagka-assuming mo today sis!! Bentang-benta oh! As if namang magseselos yun, bakit may gusto ba siya sayo?! kinokontra na naman ako ng isip ko. Oo nga naman, kailan pa ako naging assuming? Assuming ka pala Roni? Natawa na lang din ako sa sarili ko. Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ko bumaba na ako at nag-almusal. Sakto kakababa lang din ni Kuya. Nakahain na ang pagkain sa lamesa. Nagsimula na kaming kumain nina Mommy at Daddy. Hindi nila maiwasang pag-usapan ang biglaang pagdating nila Tita Monique at Adrian.

" Dito na raw mag-i-stay ang Tita Monique n niyo pati si Adrian. Nag decide daw kasi siya na dito na mag-aral si Adrian. Wala daw kasing masyadong friends si Adrian sa Canada kaya sa Pinas na ulit siya mag-aaral . " nakangiting sabi ni Mommy. Ibig bang sabihin nito, sa school na rin namin siya mag-aaral? Bakit ba parang ayaw mong andito siya? May problema ka ba sa kanya Roni? " Hindi naman sa ayaw kong nandito siya ha, pero kasi matagal silang nawala kaya parang naiilang pa ako sa kanya. Lalo na ngayong hindi na kami mga bata.

Hinatid na kami ni Daddy sa school. Naunang bumaba sakin si Kuya. Expected ko ng maaga ng papasok si Callix since parati naman niyang inaantay si Kuya sa gate para sabay silang pumasok. Classmates kasi sila palagi since elementary. Hindi sila mapaghiwalay. Naalala ko dati, one time hindi sila classmates nagmaktol si Kuya buong maghapon hanggang sa mapilit niya sina Mommy at Daddy na ilipat siya sa section kung saan nandoon si Callix. Hays, si Kuya talaga matatawa ka na lang sa mga ginagawa niya. Nawala ang maganda kong mga ngiti nang mapansin kong walang Callix na naghihintay sa gate. Hindi ba siya papasok? Bakit wala pa siya? Hindi ko rin napansin na nakapasok na pala si Kuya sa gate.

" Hoy Roni, ano na? Papasok ka ba oh hindi? Tulala ka na naman. Tara na nga. " nagsusungit na naman 'to e. Hindi niya na ako hinintay at tuloy-tuloy na naglakad. Hinayaan ko na lang si Kuya. Baka stress sa mga assignments niya.

Hanggang mag-breaktime tulala lang ako. Hindi pumasok si Bea. Isa pa yung babaeng yun. Hindi man lang tumawag sakin na hindi siya papasok. Ano bang nangyayari sa mga tao ngayon? Bakit lahat sila wala? Mag-isa akong pumunta ng cafeteria. Nakita kong nakaupo na si Kuya habang kumakain ng carbonara at umiinom ng iced tea. Wala siya, hindi ba talaga siya pumasok? Naputol lang ang pagmumuni-muni ko nang marinig ko ang boses ni Cheska at ng mga kaibigan niya.

" Guess what girls, binigyan ko ng chocolates si Callix kanina sa library. Hays, napakacute niya talaga. Ang ganda-ganda ng mga mata niya. Lalo na yung kilay niya. Yung dimples niya sa may gilid ng lips. Kyaaaah!! Hays, kailan ko kaya siya magiging boyfriend? " parang nagpanting ang dalawa kong tenga sa mga narinig ko. Hindi ko namalayan na natapunan ko na pala siya ng juice sa damit. Tumili ito at tiningnan ako ng masama.

" Roni, ano ba?! Bulag ka ba para hindi mo ako makita? " kalma Roni! Ano bang nangyayari sayo? Wag mo siyang patulan! Lumapit sa amin si Kuya Mattz at nag-sorry.

" Ah Cheska, pasensya ka na hindi naman sinasadya ni Roni. " hinawakan ako ni Kuya sa kamay at dinala sa table niya.

" Roni naman, mag-ingat ka naman. Baka mamaya niyan e mapahamak ka pa. Kilalang maldita yang si Cheska baka kung anong gawin sayo. " nagsasalita si Kuya pero parang wala akong naririnig. Pagala-gala ang mga mata ko. Hindi ba siya kakain? Kanina ko pa siya hindi nakikita ah. Hmp! Siguro magkasama na naman sila nung Cheska na yun. Bahala ka nga sa buhay mong Callix ka! Mabulunan ka sana kapag kinain mo ang mga chocolates na yun! Hindi ko napansin na nadudurog ko na pala yung spaghetti na kinakain ko sa sobrang inis ko. Hays! Kawawang spaghetti! Aminin mo na kasi sa kanya na gusto mo siya, para hindi ka napapraning!

Lumipas ang breaktime na hindi ko pa rin siya nakikita. Ilang subjects din ang dumaan at hindi rin ako makapag-concentrate. Hindi ko na talaga kaya! Pupuntahan ko siya sa library. Alam kong doon ang tambayan noon kapag lunchbreak. Nagmadali akong kumain, pagkatapos ay pumunta ako sa library. Hindi nga ako nagkamali, dahil nakita ko siyang nakaupo sa sulok at nagbabasa ng libro. Kakatapos niya lang sigurong kumain. Lalapitan ko na sana siya kaso biglang sumulpot ang bruhang si Cheska at hinalikan si Callix sa pisngi. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Naestatwa ako sa pinto ng library. Nanggigilid ang mga luha ko at nag-uunahang pumatok ang mga ito isa-isa. Gulat na gulat si Callix na nakatingin sa akin. Hindi rin alam ang gagawin. Tumayo ito sa pagkaka-upo at may balak na lapitan ako pero nagtatakbo ako palabas ng library. Sila na ba? Girlfriend niya na ba si Cheska? Kaya ba hindi na siya sumasabay kay Kuya? Kaya ba hindi na siya pumupunt sa bahay kasi busy na siya? Paulit-ulit ang mga tanong sa isip ko. Hindi ko matanggap na posibleng girlfriend niya na si Cheska. Nasasaktan ako. Nagkulong ako sa cr. Doon ako umiyak ng umiyak. Naiinis ako sa mga nakita at narinig ko. Natigil lang ako sa pag-iyak nang marinig ko na naman ang mga boses na iyon.

" Alam niyo ba girls? Nahalikan ko sa cheeks si Callix kanina! Hindi man lang siya pumalag. Soon, girlfriend niya na ko!! " nagtilian ang mga kampon ni Satanas este kaibigan ni Cheska. Sayong-sayo na siya! Magsama kayong dalawa! Vacant time namin kaya nagpunta na lang ako sa garden ng school. 3PM na mag-uuwian na rin mamaya. Sinabihan ko naman na si Kuya na mauna na siyang umuwi dahil marami akong books na hihiramin sa library. Kailangan ko ang mga yun para sa subject namin sa Araling Panlipunan. Tahimik lang akong nakaupo sa bleachers dito sa open field when I felt like someone just poked me. Lumingon ako sa likod at nakita ko ang isa sa mga kampon ni Cheska.

" Pinapabigay ni Cheska, gusto ka raw niyang makausap sa rooftop. " pagkabigay sakin ng sulat umalis na ito. Binasa ko ang laman ng sulat ni Cheska. Pumunta ka dito sa rooftop kung ayaw mong malaman ng lahat ang sikreto mo. Naghihintay ako Roni! Kinabahan ako sa nabasa ko. Anong sikreto naman ang sinasabi nito? Wala naman akong tinatago? Dali-dali akong umakyat sa rooftop. Nandun na si Cheska at ang mga kampon niya.

" Tsk! tsk! tsk! Uto-uto ka talaga ano? Natakot ka ba? Ayan! Dapat sayo, alamin mo ang lugar mo ha?! " sinabuyan niya ako ng tubig sa mukha. Basang-basa ako pati kasi uniform ko nabasa rin. Napasalampak ako sa sahig nang itulak niya ako. Nagtatawanan silang umalis. Ni-lock nila ako sa rooftop! Dahil nga hindi ako makatayo ay napasandal na lang ako sa pintuan. Hindi ko mabuksan! Pilit kong kinakalampag ang pintuan habang sumisigaw kung may nakakarinig ba sakin. Hays, siguradong uwian na. Wala ng tao. Tahimik akong umiyak at sinubsob ang sarili ko sa dalawang tuhod ko. Umuulan na rin. Tuluyan na akong nabasa. Umaasa akong may darating para tulungan ako. Callix... please! Nasaan ka na ba? Unti-unti na ring dumidilim. Lalo akong natakot, mag-isa lang ako at walang kasama. Ilang minuto na akong nakayuko at naghihintay kung sino mang tutulong sakin dito. Naiangat ko ang ulo ko nang marinig kong bumukas ang pinto. Lalo akong naiyak nang makita ko ang maamong mukha ni Callix na mukhang hinihingal. Dali-dali akong tumayo at lumapit sa kanya.  Niyakap ko siya at sinubsob ang mukha ko sa balikat niya. Naramdaman kong niyakap niya ako pabalik. Thank you dahil dumating ka. Akala ko walang darating para tulungan ako. Hindi ko na kayang pigilan ang nararamdaman ko. Hindi ko na kayang itanggi. Heto kaming dalawa sa gitna ng ulan. Tila ba walang pakialam. Gustong-gusto kita Callix. Hindi ko alam kung kailan nagsimula, pero sa tingin ko matagal na.

A Night Full of StarsWhere stories live. Discover now