CHAPTER I

136 3 0
                                    

Malapit na pala ang end ng school year, graduating narin ako ng Highschool, sa kabila ng hirap ng buhay naigapang at nairaos ng aking mga magulang ang aking pag-aaral ganon din ang bunso kung kapatid.

Ako nga pala si Anzhelika Hedeon, kakaibang name diba? Pero hwag ka sabi ng nanay ko hango sa Russian name yan, ang sosyal diba?hihihi.

Kaya napasearch ang ante nyo,
Putik na yan nung isearch ko "Angel" lang pala inartihan lang ng spelling, minsan ang eme ng mga nanay eh kundi sa artista ng mga telenobela nilang napapanood sa mga foreigner naman, sabagay magpasalamat na ako kasi nung time na sumama ako mag volunteer as cathechist at nag interview kami nung mga dumagat nakakatawa if literal mo maririnig ang kwento nila like nung tanungin namin saan nila nakuha ang pangalan ng mga anak nila at anong kaarawan sagot ba naman samin.

"Ay hindi ko na nga po tanda, basta bigla nalang namin pinangalanan kung ano ang aming makita sa paligid" (by the way magegets nyo tong accent kung may nakausap na kayong katutubo/dumagat Parting Quezon Province madalas ma encounter nyo sila) Sagot sa akin ni manong noon, pero nagulat ako nung ma name reveal at date reveal na.

"Agay ito bagang bunso ko ay pinangalanan nalang naming Habagat, agay at malakas ang ulan noon, at basta pinanganak sya nung panahon ng habagatin at tag-ulan" Natawa ako ng bahagya, pero naisip ko ang unfair tlaga ng buhay kapag wala kang kakayahang makapag-aral man lang dahil sa kakapusan sa buhay. Kaya saludo tlaga ako sa mga volunteers na dumadayo para makapagturo sa mga katulad nilang naninirahan malayo sa kabihasanan.

So ayun pinagtagni-tagni nalang namin ang impormasyon na nakuha namin kesa naman walang records ang mga bata.

Kaya kapag naiisip ko yun, Haist! Okey narin ako sa pangalan na meron ako, unique eh kesa isunod sa pangalan nila nanay at tatay, aba naman pag nagkataon para kaming mga Katipunera at Katipunero ng unang panahon, biruin mo tatay ko Bonifacio, nanay ko Filipina yung sinundan ko Andress what the effing F! HAHAHAAHAA buti nalang di ako naging Gabriela kahit sabi ni nanay mas bagay daw sakin, kasi mukha daw ako lagi makikipagdigma sa tabas ng mukha ko.

Ang harsh ni mader sa part na yun. Pero love na love ko yan sila ni tatay, sila ang buhay ko, lahat gagawin ko para lang matulungan at maiahon sila sa hirap ng buhay, hindi man ganon kayaman tamang may malaking mansion, may anim na sasakyan sa garahe, may pool, garden at jacuzzi bawat room, ganern! Diba ang simply lang?

"Hoooy!Anzhelika! Ikaw tlagang bata ka, tulala ka nanaman dyan! Ano nananaman iniisip mo, yung malaking mansion, may anim na sasakyan, swimming pool at kung ano-ano pa! Hay nakoo kang bata ka talaga!"

"Kapag tumunganga ka dyan baka kahit lupa sa paso wala ka mapundar! Bumangon ka na nga at mag-asikaso ng pang almusal."
Pambabasag trip ni nanay sa akin, ang aga- aga g n g agad!

"Nay naman aga-aga mong g n g! Gigil yern?" Pang-iinis ko pa kay nanay ng makita ko syang busy sa paghihiwa ng gabi para siguro sa pananghalian namin.

"Gigil tlaga ako sayo na bata ka, nanaginip ka nanaman ng gising, haru nakoo kapag ikaw talaga nahipan ng hangin, tulala ka na forever"
Sermon sa'kin ni nanay, pero normal na naming bonding yan kaya sanay na ako.

"Nay naman, yun na nga lang ang libre pinagbabawal nyo pa, wag ganon nay! Malay mo malay natin sa Russia mapadpad ang aking ganda" Masigla kung sagot kay nanay.

Agad namang natigilan si nanay ng mabanggit ko ang Russia, ganyan sya palagi, sa tuwing binabanggit ko ang Russia, kala mo may tinagunang Mafia boss!

"Hooy Nay! Ayus ka lang?" Panggulat ko sa kanya habang hinila ang ang kanyang braso.

"Ay bwisit kang bata ka magluto ka na nga ng almusal at dalhan mo sa kaingin ang tatay mo, nagkape lang yun bago umalis, at baka unahan nanamn daw sya ng lawin sa mga alaga nyang manok" Gigil na utos sa akin ni nanay.

Agad akung naghanda kung ano lang ang meron kami, sanay na ako sa ganitong pamumuhay, minsa nga asin lang sapat na basta malamanan ang tiyan.

Masaya akong nagluluto ng dumating ang kapatid kung re-incarnation ni Andress Bonifacio hahaaha, astig like father like son ang peg ng tatay ko, pasalamat tlaga ako hindi ako panganay! Safe!!!

"Hooooy Anzheng! Ang ligalig mo nanaman dyan!"
Pambungad na awit ni kuya, kainis bantot ng palayaw nya sakin eh, wait nga bawian ko to.

"Mga kasamahan! Punitin ang sedula! Ako si Andress! tatay ko si Bonifacio, maghanda sa pag-aklas! Sugooooddd!!!" Sabay salubong ko kay kuya at yakap ng mahihpit.

Ganito kami lagi ng kuya ko, kaya sanay na kaming ibully ang isat isa.

"Siraulo ka tlagang bata ka!" Sabay kutos sa'kin.

"Grabe sya, namiss lang naman kita eh! Dalaga na kasi ako kuya wag namang Anzheng itawag mo sakin!" Reklamo ko sa kanya

"Problema mo sa Anzheng, ganda ng nickname mo eh, very unique!"

"Unique ka dyan, wag na kasi ang bantot pakinggan eh!"

Maktol ko sa kanya, matapos bumitaw at bumalik na sa pagluluto, baka masermunan nanaman ako ni Nanay, galit pa naman yun sa magaganda.

"Bilisan mo na dyan at sabay na tayong pumunt ang kaingin para makakain na si tatay, dun narin tayo mag umagahan"

Utos sakin ni Kuya, hay nakoo mappasabak nanaman beauty ko sa pagdadamo at pagtatanim.

"Masusunod mahal na pinuno,Adress anak ni Bonifacio" sabay saludo sa kanya.

Habang iiling-iling naman na umalis si kuya sa kusina, para puntahan si nanay, galing nga pala sa tabing dagat si Kuya, nag iistiba, yung nagkakarag ng mha paninda or mga gamit na materyalis panggawa ng bahay, mga sinasakay sa bangka para itawid sa kabilang barangay. Minsan lumalaot din sya( nangingisda) kqso minsan natatakot kami kasi malayo masyado kung saan sila pumupunta lalo kapag may biglang signal ng bagyo at wala pa sya, hindi na kami mapakali nila nanay at tatay.

Matapos kung magluto ng almusal agad ko na itong nilagay sa lumang baunan na meron kami. Per9 sobrang linis naman ito aya wni nanay ng makutim na gamit, makukurot ako sa singit alay masakit.

"Kuya Andress na tatay si Bonifacio, tayo na at makibaka!" Sigaw ko kay kuya, nakita kon syang kausap nanaman si nanay nang masinsinan akala mo mga chismosa eh bubulong-bulong sa likod bahay.Palagi yan sila ganyan, nasanay nalang ako.

"Ikaw talaga Anzheng, bilisan muna nga dyan at siguro gutom na si tatay Bonifacio na tatay no Andress, Anzheng at Buknoy" Sagot naman nito sakin na tatawa-tawa lang habang nagpaalam narin kay nanay.

"Nay! Alis na po kami mag-iingat po kayo dito"
Paalam ko kay nanay at agad na kaming umalis ni kuya para umahon sa kaingin.

Kaingin pala yung maliit na taniman namin sa may bundok, ang payapa dun kaya madalas mas gusto ko ako ang naghahatid ng pagkain ni tatay kasi narerelax tlaga ako dun, ginawan kasi ako ni tatay ng duyan dun 0ara daw anytime na pupunta ako dun may mauupuan ako na marerelax ako, oh diba lab na lab ako ni Bonifacio, atapang atao pero luhod kapag si Aling Filipina na ang nagalit, hihihihi.

P.S Slow update
Unedited
Super raw kaya if makita nyo maraming typo or whatever, adjust nalang tayo, hhaahahaaha

Pero thank you sa pag follow at pagbabasa ng story ko, sabaw pero dito lang tlaga ako narerelax at napapahinga, tiping kung ano tumatakbo sa utak sya namang nilalapat ng dalire ko kaya naman ang motto ko.

Write what's on your mind, feel how your hand wrote it and edit with the sound of your heartbeat - Anzhelika

THE BILLIONAIRE'S SAFE HAVENWhere stories live. Discover now