Chapter 02-High School Reunion

51 0 0
                                    

"Ate, I don't understand why I'm here putting on make up, wearing nice dress & have to attend our high school reunion."

Nasa kabilang line si Ate Luna niya. Correspondent ito ng Pilipinas sa Italy for 5 years now.

Every 2 years kung umuuwi ang huli sa bansa.

"Serene, every 5 years lang ginaganap ang high school reunion sa OSU. Kung nandyan ako, for sure aattend ako. Kung hindi lang din midterm exams ni Noor, aattend din yun. Sarap kayang magtrail back. Babalikan mo masasayang memories ng high school, mga crushes & first love mo. Irerecall mga kalokohan ninyo ng mga kaibigan mo. Too bad I'm not there."

Trail back, yes. Pero may mga episodes ng high school niya na gusto niyang idelete. Kung pwede lang sanang idelete...

"When you reached my age, mamimiss mo mga ganyang event. Nakita mo naman si Mama & Daddy diba? Nakita mo excitement ng dalawa. They will have a chance to meet their old friends. Kumustahan & updating sa kanya kanyang buhay."

Well halos lahat sila sa pamilya are product of O'Sullivan University except Noor. From prep to college. Si Daddy Resty niya is civil engineering, Mama Gwen niya is accountancy, Ate Luna is mass communication, siya civil engineering din. Though ang bunso nilang si Noor sa OSU nag-aral ng prep to senior high. But decided to study in other school nung nagcollege.

"So chill ka lang dyan & enjoy the party ok? By the way have to go dahil maglulunch na kami. Regards to all... Yung video ni Daddy don't ever forget to send me. Xoxo"

Minsan pa niyang pinasadahan ang sarili sa whole body mirror.

Blangko ang isip.

"Serene iha, still not done? Alam mo naman na magpeperform Daddy mo. Di siya pwedeng malate."

Pansin niyang todo postura ang ina. Sinundo pa ito ng kanyang Daddy kanina sa parlor dahil mukhang wala ng balak umuwi. Full pack make-up, new hair color & hair cut, manicure & pedicure too.

Lead guitarist Daddy niya sa banda nito nung high school.

"Ma, I know. Nakita ko sa invitation. Saka 6:00 palang. And tutog ang Dad ng dinner time." Nagwisik siya ng paborito niyang pabango.

"Mahihirapan tayong maghanap ng parking spot."

"Suss, gusto mo lang makipagtsismisan dun ei. Pagyayabang mo na naman si Ate Luna." Kinuha niya ang bag sa vanity mirror at nagpatiuna ng lumabas ng kwarto.

"Ikaw Serene ah napapansin ko sayo ang bitter bitter mo lately. I miss my old Serene. Ibalik mo na Serene ko."

"Ma, I know you. Mas kilala kita. Saka Ma please stop, ang creepy."

"Ewan ko sayo bata ka. Pero nak, tingnan mo muna hitsura ko?"

Talagang nakuha pang magposed ng ina sa harapan niya.

"Ang ganda mo Ma. Wala na namang panama sayo mga kaklase mo."

Sincere siya sa huli niyang sinabi.

"Ganito talaga kapag ka busog sa pagmamahal ng asawa at mga anak. Nakikita sa hitsura."

Nagbuhat na naman ng bangko Mama niya.

She stops rolling her eyes baka mahampas siya ng dala-dalang rechargeable electric fan ng ina. 🥴

Pagdating nilang dalawa sa garahe, kasalukuyang pinapainit ng kanyang Daddy ang kanilang lumang fortuner.

Pinigilan niya ang sariling bumunghalit ng tawa habang pinagmamasdan ang mukha ng ina. Kulang nalang magpapadyak ito sa kinatatayuan.

Come To My RealmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon