Chapter 04-O'Sullivan University

17 0 0
                                    

"Can't stop myself from laughing while doing this chapter. Yung character kasi dito ni Serene hinango ko sa isang pamangkin kong babae who graduated Senior High few days ago. Sa tuwing nagkukwentuhan kami ng solo, lagi ko siya sinasabihan to do better at school. Reply niya sa akin, Tita aanhin ko ang sobrang grade. Di naman mapapalitan ng pera. Ok na ako sa pasang awa. Saka ko nalang gagalingan pag college na ako. And I guess she's right. 🤣

High school days...

First day niya today as Senior High student. Akalain mo 'yun, kahit pasang awa every year, surviving padin. Aanhin nga naman ang sobrang grades kung meron lang namang required rating para pumasa. 😆

Isa pa, hindi niya kelangang magtodo effort sa pag-aaral. Dahil di naman niya need mag maintain ng magandang grades. Di naman siya academic scholar ng OSU. Meron lang siyang 50% discount sa tuition fee dahil under siya ng loyalty program. Her both parents & Ate Luna are alumni of OSU. While si Noor walang binabayarang tuition fee because of 50% loyalty discount, 50% academic scholar.

Kung tutuusin malaki nadin ang natitipid ng kanyang mga magulang. Kahit na isa sa mga pricy school sa Metro ang OSU.

Sumuko na ang kanyang Mama na one day will come, makaka akyat ito ng stage dahil may award siya. 😆

Kaloka din Mama niya, di pa ba ito sawa sa kaka-akyat ng stage every end of school year, student time ng kanyang Ate Luna she's an achiever, section 1 from primary to secondary. Magna Cum Laude ng college.

Then ang bunso nilang lalaki si Noor. Sunod sa yapak ni Ate Luna. Achiever din. Grade 10 na ito sa kasalukuyan.

Hindi naman siguro masamang magstop ito sa pag-akyat ng stage on her time.

Sometimes she wonders, yung dalawa kaya masaya sa buhay nila? Pansin niyang hindi. Lalo na pag summative assessments, kung siya kunting basa lang. Tapos sabay check niya sa horoscope kung anong lucky number niya for the day of examination, yun ang isasagot niya sa mga questions na hindi siya familiar sa sagot. Infairness lagi siyang pumapasa. 😉

While si Noor at kanyang Ate Luna, hindi ito lumalabas ng kwarto pag parating ang examination week. Di din sila natutulog. Aral lang ng aral. Di niya ata carry yun. Creepy.

Chill lang dapat. 😂

May college pa naman. Dun nalang siya babawi.

Hindi naman mayaman ang pamilya nila. Kelan lang din sila naging above average. Simula nung gumanda ang takbo ng construction firm ng kanyang Daddy & when Ate Luna landed a job sa number one TV station ng bansa as news reporter.

Her mom is a certified public accountant. But, hindi napractice ang profession at piniling maging plain housewife after isilang si Ate Luna.

So far, kahit yung Daddy lang nila ang nagwowork, hindi pa naman sila nagugutom. They are lucky enough to have a responsible father who provides them everything.

While having breakfast...

"Ma, baka naman pwedeng dagdagan yung allowance ko. Kasi nasa senior high na ako." Malambing niyang sabi sa kanyang Mama.

Pansin niyang natigil ito sa pagsubo ng pagkain. Any moment mag uumpisa na naman ito sa pag lilitanya.

"Dagdagan? Ako tigilan mo Serene ha! Talagang nagrerequest ka pa ng dagdag baon, hindi mo nga ako binibigyan ng magandang grado. Puro pasang awa binibigay mo sa akin. Saka Serene as if di ko alam nasa last section ka ngayong senior high year mo."

Blah blah blah. Hindi nga siya nagkamali.

Sinusulyapan niya ang kanyang Daddy na nagbabasa ng newspaper. Asking for back-up.

Come To My RealmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon