Chapter 05-Close Encounter

16 0 0
                                    

One of the things na ginagawa nila ni Kury pag nasa loob ng campus is to feed the kois. Dahil hindi ganun kadali magcut ng classes sa OSU.

Meron kasing biometric authentication bawat estudyante. Monitored bawat pasok at labas sa campus. If instance, maagang lumabas ang estudyante from her usual schedule, automatically manonotify yung parents or guardian. Mapapatawag sa principal's office agad.

So ginagawa nila ni Kury during free time, pinupuntahan nila ang koi pond.

Alangan namang tumambay sila sa library? Creepy. 🥴

The koi pond was located 5 meters away from the soccer field.

Ang soccer field lang din ang pinaka easy access to koi pond. So no choice, kelangan nilang tahakin ni Kury ang malawak na soccer field.

Nagulat pa nga sila ni Kury bakit may nilagay na yellow barricade sa mismong entrance ng soccer field. Wala naman silang nakikitang for repairs.

Diri-diritsong naglakad silang dalawa. Talking anything under the sun while eating popsicle. Laughing too. Kaya magkasundo sila ni Kury kasi never silang naubusan ng kwentuhan. Goal nila everyday is to live their life to the fullest. Wala sa activity nila ang magpapakasubsob sa pag-aaral. Sabihin nalang natin that they're studying another ways of life. Not academically. 😉

So nagulat sila when someone shouted,

"Duck down!!!!"

May earthquake drill ba?

Before she knows it, napahiga siya sa lakas ng impact na tumama sa kanyang braso.

"Bestie!!!"

Agaran siyang pinaupo ni Kury. Sapo niya kaliwang braso. Di niya maiwasang mapangiwi sa sakit.

Sabay tingin niya sa lumipad na popsicle sa di kalayuan.

Di man lang niya nakalahati. Nakakainis! Ano bang tumama sa kanya?

Nagtakbuhan mga football players papunta sa kanyang pwesto. Including Coach Sonny. Mortimer comes closer too. Saglit na nagtama paningin nilang dalawa. The world between them suddenly stop. Para talaga itong demi God dahil nung lumapit sa kanya, may nakikita siyang liwanag sa likuran nito. Nasisilaw siya.

"Kaya may nakalagay na barricade dun sa entrada para walang makakapasok. May patry out ng football ngayon." Coach Sonny informed them. "Kahit ang lakas ng sigaw ni Mortimer, di ka nakaiwas iha. We're sorry for this."

So si Mortimer pala ang sumigaw kanina? Nakakahiya! Napahamak siya sa kanyang katangahan.

"Bestie are you ok?" Kury asks her.

Napilitan siyang tumango kahit feeling niya nagnumb ata kaliwang braso niya at parang sobrang bigat?

"Babe!!!" Si Thiago. Para itong pinapangapusan ng hininga. Diritso ng upo sa kanyang harapan.

"Honey bunch!!!!!" Si Jackson na agad nilapitan si Kury. "Asan ang masakit? Where where where?"

"Hindi ako ang tinamaan ng bola baliw! Si Serene." Sabay hampas ni Kury sa boyfriend nito.

Ending nagtawanan tuloy mga players ng football maging si Coach Sonny. Ah, except Mortimer pala.

"Thiago, ikaw nalang magdala sa girl friend mo sa clinic." Utos ni Coach Sonny maya-maya. "And guys, bukas na tayo magresume ng practice."

Bakit nanghinayang siya when Mortimer turned away?

"So how's your first week in school guys?" Daddy Resty asks during dinner.

Come To My RealmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon