"Matagal na 'tong nangyari. 3rd year college pa lang din kami ni Ace. Alam ko rin naman ang tungkol dito dahil nandoon din ako sa scene nang gabing iyon kasama ang seniors detective namin."
Napanganga ako habang nakatitig sa kay Lesia. Ipinakita ko kasi ang mga dokumento ng suicide report sa CC Hotel na nasaksihan din namin ni Theorhys noon.
"Kung gano'n ay isa kayo sa mga humawak sa kasong ito?" nakataas-kilay kong usisa. Agad naman itong tumango. "How dare you!" biglang asik ko na ikinagulat pa nito. Napaatras pa ito ng konti papalayo sa akin.
"You scared me!" bulyaw din nito habang nakahawak sa dibdib. "Why? Bakit parang may kasalanan ako nagawa, ha?"
"Hindi ba malinaw sa inyo noon na murder in disguise ang kasong ito?"
"Mahina na ba ang listening skill mo? Kakasabi ko lang na 3rd year lang kami ni Ace noon. Hindi rin naman kami kumbinsido na suicide iyon eh. Kaya nga nang grumaduate kami at naging opisyal na detective ay binalikan ko ang kasong ito pero dahil sa dalawang taon na rin ang lumipas ay malamang ay burado na ang lahat ng ebidensiya na hindi suicide 'to."
Napabuntong-hininga na lang ako. Inaasahan ko naman na hindi magiging madali ang pagresolba ng kasong ito pero hindi ko pa rin maiwasang madismaya. Sana naman ay huwag ng madagdagan pa ito.
"Kung 3rd year college kami, ibig sabihin ay 1st year ka pa lang, 'di ba? Wait, don't tell me ang kasong ito ang dahilan nang biglaang pag-shift mo ng course?"
Napasapo na lang ako sa aking noo at itinuon ang aking tingin sa berde na mesa. Ayoko ng pag-usapan pa ang tungkol sa pagpalit ko ng course. Natatakot akong makaramdam ng pagsisisi eh.
Lovynnia, ikalma mo. Marami pang oras para ma-solve mo ang kasong ito. Huwag kang magmadali. Wala rin namang deadline eh. Go easy on yourself.
"Good morning," bati ni Ace na kakarating lang.
Mabuti pa ang isang ito at parang araw-araw nakainom ng energy drink. Ni hindi man lang kababakasan ng pagod ang mukha kahit pa halos apat na oras lang din ang pahinga nito.
"Anong sekreto mo, Ace?" tanong ko.
"Ace? Mas matanda ako sa'yo kaya hindi ba at dapat na kinu-kuya mo ako?" nang-aasar pa ang tono nito. Napangiwi at iling naman si Lesia.
"Mas mataas ang ranggo ko sa inyong dalawa, hindi ba at dapat na mina-ma'am niyo ako?"
"Gusto mo ng kape, Ma'am Lovynnia Zeiddehas?" biglang liko nito sa usapan.
Pinigilan ko ang aking sarili na mapaliparan ito ng suntok. Wala ako sa mood para biruin. Habang tumatagal ako sa trabaho kong ito ay nagkakaroon na rin ako ng mood swing.
"Tinatanong pa ba 'yan? Alam kong nasa tamang tao ka na pero bawas-bawasan mo naman ang pagiging hyper ng blood cells mo."
Naitagilid naman nito ang kanyang ulo. "Blood cells? Anong connect?"
BINABASA MO ANG
Murder in Disguise (Murder Case Series #4)
Misteri / ThrillerLovynnia Zeiddehas was a witness to a person's tragic jump out of the 10th floor of the CC Hotel. However, upon closer inspection, she grew suspicious that the case was not simply a suicide but a murder attempt skillfully disguised. The anguish she...