Chapter 3: Confessional Love

1 0 0
                                    

Akala ko buko lang ang binibiyak, pwede rin pala ang ulo.

Hindi ko mapigilang mapadaing habang sapong-sapo ang aking mukha. Para kasing may nagmamartilyo sa ulo ko simula pa kaninang umaga.

Sa kalagitnaan ng klase namin sa Chem, hindi ko na naiintindihan ang mga sinasabi ni Sir Umali. Pinipikit ko nalang ang aking mga mata at sinubukang matulog.

Ito kasi ang napapala kapag kulang ang tulog. As planned, nag- Netflix nga kami ni Rosie pagkauwi sa bahay kahapon. Bandang alas-onse na rin sa gabi kaming natapos.

Matutulog na sana ako eh pero bumabagabag pa rin sa aking isipan ang mga nangyari bago kami umuwi—si Elliot na nagtanong tungkol sa binabalak niyang panliligaw at ang kakaibang tingin ni Nico kahapon. Magdamag lang akong nakatunganga sa bubong ng aking kwarto kagabi at iniisip ang mga bagay tulad na lamang ng kung anong sasabihin ko kay Elliot at ang pinakabumabagabag sa'kin ay kung may ibig bang sabihin ang tingin ni Nico.

Hanggang sumapit na ng alas tres ng madaling araw bago ko tuluyang naidlip ang aking mga mata. Gusto ko pa sanang matulog but unfortunately, wala ng ulan ngayon kaya kailangan na naming pumasok.

I groaned in frustration nang maramdaman na naman ang kirot. Lumakbay papunta sa aking buhok ang dalawa kong kamay at saka sinabunot iyon nang mahina. Ewan ko ba kung bakit pero parang effective ata dahil nabawasan rin ng kaunti ang kirot.

"Mukha kang baliw sa totoo lang."

Dahan-dahan kong inimulat ang aking mata sabay baba sa'king mga kamay.

"Share mo lang?" pagtataray ko kay Alexis. Nakapatong ang kanang braso niya sa backrest at napagilid na ng upo. I'm nursing a migraine as of the moment kaya wrong move talagang kausapin niya ako ngayon.

"Sungit naman. Sumbong kita kay Skye," nakapout pa niyang sabi.

"Eh kung isumbong rin kaya kita kay Rosie na may crush ka sa kanya?" banta ko rito.

His eyes widened. He looked taken aback. Gotcha. Akala ata niya nakalimutan kong may crush siya sa aking amiga.

"Ho-hoy... hindi ah," Hala sige, deny ka pa diyan.

Tinaasan ko siya ng kilay at tiningnan na parang nagsasabing 'Sino niloloko mo?'

Naramdaman na ata ni Alexis na wala na siyang takas at hindi ko talaga siya uurungan dahil marahas siyang napabuga ng hangin. "Okay. I like her. I've been wanting to confess to her but I don't have the guts to do it."

Ayan umamin rin naman. Konting push lang pala ang kailangan nito. "Oh I see, Mr. de Castro and Ms. Alvarez, pair number 12 kayo," wika ni Sir Umali.

Ha? Anong pair? Tiningnan ko si Alexis. Nagulat rin ata ito sa pagtawag ni Sir sa kanya.

"Teka, Alexis, anong pair?" tanong ko nito pero hindi rin ata siya nakikinig kay Sir kanina dahil nagkibit-balikat lang ito.

"So I guess that's all. Each pair will be assigned to bring the following materials for your project," sabi ni Sir at tinuro ang mga nakalistang materyales sa pisara. "You'll be working on it for 2 weeks during our period—Mondays and Wednesdays at 1-2 pm,"

My eyes flew to Rosie na nakatingin rin sa akin. Tinaasan niya ako ng kilay sabay turo kay Alexis. In response, I gave her a hindi-ko-alam look pero ngumuso lang ito. Sa kasanayan, titingin sana ako sa katabi ni Rosie pero naalala ko na iniiwasan ko palang mag eye-contact sa kanya as much as possible. Masakit pa rin yong ulo ko noh.

"Bakit tayo ang pair?!" inis na sabi ko sa lalaking nakaupo sa aking harapan na may bored expression sa mukha.

"Hindi ko alam! Ba't sa akin ka ba galit? Akala mo ginusto ko 'to, ha?" he retorted at halatang naiinis rin siya.

Paper AirplaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon