Chapter 4: Familial Issues

43 0 0
                                    

"I like you Bleu," wika ni Nico habang nakatingin lang ng diretsuhan sa aking mga mata.

Para akong na estatwa sa aking kinatatayuan at tila'y nanuyo ang aking lalamunan. Ramdam ko lang ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

"I..." panimula ko. Sabihin mo na kasi!

"I like you too, Nico," There, I've said it.

He smiled victoriously before pulling me in a tight hug. And then, fireworks began to color up the sky making me think that this moment's too magical.

Binitawan ako ni Nico at tinitigan nang mariinan sabay sabi, "Croo-croo."

Ano raw? Kumunot ang aking noo, "Huh?"

Seryoso pa rin siyang nakatingin sa akin at paulit-ulit nitong sabi, "Croo-croo... croo-croo... croo-croo,"

Hindi ko naiintindihan ang sinasabi niya. Maya-maya biglang nagtransform ang ulo nito sa ulo ng manok.

Lumaki lalo mga mata ko nang unti-unti nitong ilapit ang kanyang mukha sa'kin.

"AHHHHHHHH!" Napabalikwas ako ng gising habang habol-habol ang aking hininga. Ugh, panaginip lang pala!

Rubbing my eyes, I took my phone on top of my bedside drawer. Nag-aalarm na pala ito. Croo-croo... Croo-croo...

Mariin kong pinindot yung red button kaya napahinto na ito sa pag-aalarm. 'Lang hiya tong alarm na'to. Manira ba naman ng panaginip? Minsan lang kaya akong magkaroon ng mga ganoong klase ng panaginip at si Nico pa ang kasama!

Maya-maya, may kumatok sa pintuan ng aking kwarto. "Dai, Bleu, gising ka na?" tawag ni mama mula sa labas.

"Opo, Ma," Tumayo na ako mula sa pagka-upo sa aking kama at kinuha ang aking tuwalya.

Makiligo na nga nang mabura ang larawan ng chicken head ni Nico kanina.

* * *

"Tumawag ba ang ate sa inyo?" tanong ni Mama saka sumimsim sa kanyang kape. Nasa kusina kaming tatlo, kumakain ng agahan.

"Hindi siya tumawag sa'kin," wika ni Skye bago sumubo ng kanin.

"Ako rin po, Ma. Hindi siya tumawag pero nagtext lang," sabi ko. Tinapunan ako ng tingin ni Skye pero nagpatuloy lang ito sa pagsubo.

"Sabi niya kasi na tatawag siya sa inyo tungkol sa iyong pasalubong," ani ni Mama.

"Oo nga po. Tinanong niya ako kung anong gusto ko."

Lumaki ang mga mata ng aking kambal, "Ha? Bakit tinanong niya si Bleu pero ako hindi? Nga naman oh, parte pa ba ako ng pamilyang ito? Konti nalang at maghihinala na talaga ako."

"Ang over mo talaga ano? Kung maka-emote ka diyan, " pambabara ko naman nito. Mas lalo itong sumimangot pero hindi na siya kumibo pa.

Napatawa naman si mama at napailing, "Baka mamaya pa 'yon tatawag. Maghintay ka lang."

Ngumuso lang ito at bumalik na sa pag-kain. Pansin ko lang, nagkapabebe na si Skye nitong mga nakaraang araw. Nahahawaan na ata ito ni Rosie ano?

"Tapos na ako," I stood up from my seat, dala ang aking plato at nag-toothbrush na rin.

"Sa labas lang ako maghihintay," paalam ko nito. He just gave me a bored look in response.

Pagkalabas ko, nagtungo ako sa bahay nina Rosie na nasa tapat rin lang. Medyo malaki ito kumpara sa amin at kahit labas lang ang iyong makikita, masasabi mo talaga na ang ganda nito dahil sa intricate na pagkadisenyo.

Paper AirplaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon