Chapter 1.1: Just...Eventful

58 0 0
                                    

"Are you sure you're going to finish all of that, B?" Rosie asked, for what seemed like the nth time, as she placed her tray on the table and took a seat afterward.

I gave her a look bago sumagot, "Oo naman. Para ka namang hindi sanay na ganito karami ang aking kinakain."

Kasalukuyan kaming nasa cafeteria, kumakain ng lunch. We were seated on our usual spot, trays overloaded with food—well, sa akin lang pala since chicken burger, apple, and Dutch Mill lang naman ang inorder ni Rosie. As for me, I did buy all of my favorite food na available sa caf namin. The ones I daydreamed about earlier—lasagna, ube milkshake, and of course, blueberry cheesecake. I promised myself that I'm going to buy all of it kaya nandito na ako ngayon, sitting comfortably on my chair, and just a few seconds ago, started feasting on my lasagna.

"Sanay naman ako pero hindi naman ganito karami ang usual order mo eh," Rosie paused for a bit as she propped a fist under her chin. "I can't help but think of two possible things–either you're broken-hearted o stressed ka lang sa school."

Hindi ko maiwasang magtaas ng kilay dahil rito. Nilunok ko muna ang natitirang lasagna sa aking bibig bago sumagot, "Really, Rosie? Broken-hearted talaga? Di pwedeng gutom lang, ganon?"

Nagkibit-balikat si Rosie habang tinatanggal ang balot ng kanyang chicken burger, "Malay ko ba. Baka may love life ka na dyan at 'di mo lang sinasabi sa akin."

"As if magkaka jowa ako," I muttered.

"Ghourl, liligawan ka naman sana ni—," hindi natapos ni Rosie ang kanyang sasabihin dahil bigla na lamang sumulpot ang kapatid kong may dalang tray ng kanyang pagkain.

My twin brother: Skye Alvarez.

Skye and I were born with almost the same features. Same jet black hair but I dyed mine chestnut brown just this summer, dark brown eyes, average-sized noses, got plump pink lips while he got thin ones. Magkamukha na halos kami pero iisa lang naman ang ipinagkait ni Lord sa'kin at ito naman ang siyang nagsisilbing trademark ng kapatid ko.

Dimples.

Deep fudging dimples.

Sabi ni mama may dimple rin daw ako pero wala sa mukha. Nasa puwet ko raw. Galing noh? Hanggang ngayon, ito pa rin ang kina-iinggitan ko ni Skye—ang kanyang mahiwagang dimples.

"Hephep, anong ligaw ligaw? Sinong unggoy ang nanliligaw sa kapatid ko ha, Etta?" tanong nito kay Rosie na natigilan sa pagkagat ng kanyang chicken burger at napatulala.

Ah, nasabi ko bang may crush itong si Rosie kay Skye? Noong bago lang kasi kaming lipat, mga 8 years old kami ni Skye, na love at first sight raw ang gaga. Hanggang ngayon, naloloka pa rin siya nito. Pero yun nga lang, manhid si Skye. Hindi niya nase-sense na may lihim na pagtingin sa kanya ang bestfriend ko. Sa bagay, para rin kasing kapatid ang turing ni Skye sa kanya.

"Ah, Skye... Wa-wala naman hehe." I rolled my eyes at her response. Ang pabebe mo, Rosetta Mariana Lim!

Isa pa tong lalaking 'to. Akala ba niya nakalimutan ko na ang ginawa niya? May kasalanan pa siya noh!

Skye squinted his eyes, na para bang nagdadalawang-isip kung maniniwala ba siya o hindi pero pagkatapos ng ilang segundo ngumiti naman ito. "Buti naman. Di ko gustong may umaaligid na mga lalaki dito na hindi muna dumadaan sa akin."

At sa pangalawang beses, napa-irap nalang ako sa sinabi ng epal kong kapatid. Ang O.A. ha!

"Aww! Ang sweet naman ng twin bro mo, B," Rosie cooed, playfully pushing my arm.

Hindi ko sila pinansin at sinimulan na lang kainin ang aking cheesecake. Hays, ito na talaga ang winner. The best talaga ang cheesecake rito sa Melton High, grabe!

Paper AirplaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon