CHAPTER FIFTEEN

12.5K 139 0
                                    

Hindi ako kaagad sumunod kay Zachary para lumabas, nagpatuloy lang ako sa pag-iyak. Kailangan ko rin pakalmahin ang sarile ko bago ako lumabas at magpakita sa mga anak ko lalo na kay Zuri hindi yun titigil ng katatanong sa 'kin, kapag napansin n'ya na namumula ang ilong ko at namamaga ang mata.

Hindi ko alam anong gagawin ko hindi ako makapag-isip ng mabuti. Siguradong matatalo ako at mapapahiwalay sa 'kin ang mga anak ko, sila nalang ang meron ako, sila lang ang lakas ko at dahilan bakit ako nagpatuloy sa buhay.

Nang mapakalma ko na ang sarile ko agad akung lumabas ng opisina ni Zachary at hinanap ang daan papunta kung nasaan ang kwarto ng mga anak ko. Gusto ko sila makita at mayakap.

"Mom..."
Napalingon ako sa tumawag sakin.

"Anak, bakit gising ka pa? Dapat nagpapahinga ka para makabawi ka ng lakas". It was Zack who called me.

"I can't sleep here, can we go back to our own house?" Natigilan ako sa tanong nya sa akin at agad nangilid ang luha sa mga mata, pero tumingala ako kaagad para mapigilan itong pumatak, ayaw kung makita nila akong mahina at umiiyak. Lumuhod ako para magpantay ang aming mata.

"Bakit anak? Hindi ka ba comfortable sa room mo? Tatabihan ka ni mommy para maka sleep ka." Pang aamo ko sa kanya kasi ayaw kung maramdaman nya na may kakaiba at gusto ko na makampante sya sa bahay ng ama nya.

Iniisip ko palang na mapapalayo na ako sa kanila, nahihirapan na ako pero mukhang kailangan ko yatang sanayin na ang sarile ko, na ako ang ina, nagpakahirap at nag-alaga sa kanila ng ilang taon ay magiging bisita nalang ang papel sa buhay nila, parang dinudurog ang puso ko sa sakit at para akung pinapatay ng dahan-dahan.

"Let's go to your sisters room..." Aya ko sa kanya para mabaling sa iba ang kagustuhan nyang makauwi sa dati naming bahay.

"I don't like it here mommy, lets go home lets call Zuri, I'm okey now, promise hindi na ako magkakasakit mommy, tutulungan na kita sa gawaing bahay para di kana mahirapan...mommy I'm big boy na I can help you..."At hindi na nya napigilan pa ang pag-iyak, yumuko itong nagpatuloy

"I can sell some good to ear money for us to live, I will not ask you to buy toys..."
Umiiyak parin nyang pagkausap sakin nang hawakan ko sya pabalik sa kung saan ang room nila ni Zuri. At hindi ko na napigilan pa, napaiyak na ako at mahigpit ko syang yinakap.

"N-no, n-no don't say that baby, you don't have to do that okay? Mommy can work for both you huh, mommy has enough money for us to live..." Umiiyak na kausap ko sa kanya.

"But you need more money to hire an attorney mommy... Don't leave us here please" Humihikbing sagot nya sa akin, napatakip ako sa bibig at napaiyak lalo ng malakas.

"Anak, n-no... Hindi hahayaan ni mommy na mangyari yun, please don't think too much, you just misheard what your daddy and I, we're discussing something, promise hindi aalis si Mommy, hindi ko kayo iiwan." Pagkumbinsi ko sa kanya.

I don't know, I think he heard us nung nag-uusap kami ng daddy nya.

Agad ko na syang kinarga at para pakalmahin na rin sa pag-iyak nya.

"It's okey baby, hush na okey? Hindi aalis si mommy"Patuloy ko na pagpapatahan kay Zack habang karga at dahan-dahang hinahaplos ang likod nya.
At nagpatuloy na ako sa paglalakad papunta kay Zuri, na mukhang enjoy na enjoy sa bago nynag room. Hindi ko din sya masisi since hindi ko tlaga afford ibigay sa kanila ang buhay na kayang ibigay ng ama nipa, pero sinigurado ko naman na sobra-sobra ang pagmamahal na binigay ko sa kanila.Sa ganong aspeto man lang masabi ko na hindi ako nagkulang.

Pagkapasok namin sa room ni Zuri, naabutan namin syang tulog at hindi na nakapagpalit pa ng damit, dahil wala kami dalang gamit kundi yung mga galing sa hospital, na kailangan ko pang labahan, asikasuhin ko nalang mamaya kapag nakatulog na si Zach siguradong hindi ito magpapababa.

Agad kung binaba si Zach sa tabi ni Zuri para makatulog narin ito, kagagaling lang nya sa sakit pero ito sobrang stress agad sa problema na hindi nya dapat iniisip sa murang edad.

"Sobrang blessed ko kasi kayo naging mga anak ko, kaya naman gagawin lahat ni mommy para lang hindi kayo malayo sakin." Mahina kung bulong habang patuloy na dumadaloy ang masagang luha sa aking mga mata, hindi ko mapigilan maging emotional sa sitwasyon ko ngayon, feeling ko mag-isa lang ako na tanging sarile ang kakampi, kaya nagpapasalamat tlaga ako sa mga anak ko kasi sila nalang ang nagsisilbing dahilan bakit ginusto kung magpatuloy sa buhay.

Dahil sa pagod at labis na pag-iyak hindi ko namalayan na nakatulog narin ako katabi ang mga bata.

-

"Gusto lang naman kita makasama, pero bakit ang hirap para sayo na tanggapin ulit ako? Ano ba nagawa ko bakit ganon nalang ang pagtanggi mo saki."

Lingid sa kaalaman ni Elisse malaya siyang pinagmamasdan ni Zachary ganun din ang mga anak nila.

Habang marahang hinahaplos ang buhok ni Elisse at masuyong pagsilay sa mga anak,tanging nasa isipi ni Zachary wng mga plano nya para makasama ang mag-iina nya.

"Lahat gagawin ko para hindi kayo mawala pa sa tabi ko, ayaw ko nang mapag-isa muli."

"Kahit maging masama ako sa paningin mo, pero gagawin ko ang lahat para lang manatile kayo sa buhay ko" Matiim kung tinitigan si Elisse habang mahinang sinasambit ang mga pangako sa sarile para sa mag-iina nya.

"Goodnight baby, please accept me again..." Bulong ko sa kanya habang masuyong hinalikan sya sa labi, ganon ang aking 2 anak at muli ang tiyan naman ni Elisse.
"Kapit lang buddy, hwag mo pahirapan si mommy, hindi nya pa alam ang tungkol sayo.", Bulong ko sa tiyan ni Elisse na para bang maririnig ako ng anak ko sa pamamagitan nun.

Agad akung lumabas ng kwarto at bumalik sa opisina ko para tawagan ang abogado ko para asikasuhin ang pagpapalit ng apilyido ng mga anak ko, gayon din para mapatunayan kay Elisse na kasal parin kami until now at never naghiwalay! I've been waiting and searching for her for how many years.

"Hello Gomez..."
Bungad ko matapos sagutin ang tawag ko sa kabilang linya.

"Yes I want everything as soon as possible, and I want to renew and review all my properties and status of my income statement, so I can make new testament, including our children's as my heir."

"Sure Mapother! tangina ka makautos ka akala mo alila mo ako ah!" Reklamo ng tinawag ni Zachary na Gomez.

"Dami kuda hayop ka, eh kung managa ka samin na mga kaibigan mo daig mo pa may sampong anak na binibuhay!"Sagot ko sa hanash ni gago.

Oo kaibigan ko yung abogado ko, na halos alam buong kwento naming magkakaibigan, palibhasa dakilanh chismoso.

"Wow huh, salamat pare! Sige na pupunta nalang ako dyan, para makita ko rin bunga ng paghihirap mo! At paghihirapan mo pa lalo" Pang aasar pa sakin ng gago.

"Fuck you Gomez!"
"Thanks pare, hindi kita type!", Sabay call end ng gago sarap talaga tirisin eh.

Minsan hirap magkaron ng mga kaibigan na mga abnormal parehas ko naman pinag-iiwan.
May araw din kayo sakin, lintik lang walang ganti kaapg kayo na nangailangan.

Kailangan ko mag doble kayod, may kambal akong anak may paparating pa.

"Zachary tumira ng isa, dalawa agad ang lumabas!" Tangina nababaliw na ako sa mga pinagsasabi at iniisip ko, kasalanan tlaga ni Gomez to eh.

KIDNAPPED BY MY EX-HUSBANDWhere stories live. Discover now