CHAPTER TWO

32K 356 7
                                    

CHAPTER TWO
●◉◎◈◎◉●

Namilipit ako sa sakit at agad na bumalik sa kama para maupo ulit, kung hindi ba naman kasi ako tanga bakit sinipa ko ang pintuan!

Ilang minuto pa ang pinalipas ko since hindi narin bumalik  si Zachary kaya nang mawala na ang sakit ng paa ko ay nagtungo agad ako sa banyo para makiligo.

And there I saw my clothes.

Naka hanger ang mga iyon at halatang bagong laba dahil  malayo pa man ako ay amoy na amoy ko na ang fabric conditioner na ginamit mula sa damit ko, yamoy mamahalin.

Sinamantala ko na habang di pa nagtatawag ang hari ng kadiliman, after ko magshower agad ko kinuha ang  mga damit ko at isinuot ulit, grabeng kahihiyan tong pinag-gagawa ko.

Ayaw ko nang magtagal pa dito kahit na ilang minuto pa.  Ang makasama uli siya sa iisang bubong ang huli kong gugustohin. Ni ang anino niya ay ayaw kong makita kahit nga ang pangalan niya ay ayaw kong marinig pa.

Paano niya ako nahanap?

Sa dinami-dami nang bar sa buong Pilipinas bakit sa bar na pinag inuman pa namin siya nag punta.

Ang daming katanungan sa isipan ko. Pero isa lang kinatatakutan ko ang malaman nya ang lihim ko.

Ang tagal na ng panahong hindi nagtagpo ang aming mga landas pero bakit biglaan  na namang nag tagpo kung kailan maayos na ang lahat.

Kung kailan nakalimutan ko na siya.
Kung kailan naka move on na ako.
Kung kailan maayos na ang lahat, wag nya sana tangkain na guluhin pa ang buhay ko.

Kung hindi lang sana ako pumayag na sumama sa mga paanyaya ng mga kasama ko kagabi hindi sana ako hahantong sa sitwasyon na ito.

Nasa malalim akung pag-iisip ng bigla nalang  sumulpot si Zachary sa harapan ko. May bitbit siyang tray na may lamang mga pagkain.

"Aalis na  ako thank you for saving me last night and for letting me stay here. . " paalam ko sa kanya at nilampasan na siya. 

Akmang pipihitin ko na pabukas ang door knob ng hindi  ko iyon mabuksan.

It was locked!

Marahas akong napalingon kay Zachary na ngayon ay nakangising nakatingin sa akin.  Ang tray na hawak niya ay na ipatong  na niya sa bedside table.

"Bakit naka locked!!? "  nanlalaking matang tanong ko sa kanya.

"You can't leave this house baby.. Not again. " nakangising aniya.  My eyes widen in disbelief.

"What!? Are you crazy!! " pasinghal na tanong ko sa kanya.

Mas lalo lang siyang ngumisi.

"Maybe? " patanong na tugon  niya.

"Hindi ako nakikipag luokohan sayo Zachary! Palabasin mo ako!" I yelled at him.

"Hindi ka parin talaga nag babago. " iiling- iling na aniya.

"Palabasin mo ako, baka hinahanap na ako sa bahay! dahil hindi ako nakauwi kagabi.

Nawala ang ngisi niya at nawalan ng emotion ang mukha niya.

"No... You will stay here, with me. " malamig na sagot n'ya sakin.

Halos manlaki ang aking ulo at mag tayuan ang buhok sa batok. Ramdam na ramdam ko ang panlalamig ng  palad ko.

KIDNAPPED BY MY EX-HUSBANDWhere stories live. Discover now