CHAPTER SEVENTEEN

12.3K 129 0
                                    

Ilang araw na ang lumipas ng makauwi kami sa bahay namin sa Quezon, dahil sa pagpupursige ni Zach na umuwi kami.

Kahit pa umiyak ng umiyak si Zuri, hindi natinag ang kapatid nya para sundin ang gusto nya na mag stay sa bahay ng daddy nila. Pero kinausap sya masinsinan ni Zachary, hindi ko alam ano ang pinangako nya para mapapayag at mapatahan ito sa pag-iyak.

Nagulat din ako sa pagpayag ni Zachary, pero hindi parin ako kampante na titigilan na nya kami ng mga anak ko, kaya dapat maging handa ako palagi.

Hindi sya ang Zachary na kakilala ko na basta nalang papayag ng walang kapalit.

"Anak, okey ka na ba?" tanong ko kay Zach ng makita ko syang nag-iisang nakaupo sa sala habang nanonood ng tv.

Agad itong lumingon sa akin at malungkot na ngumiti.

"May problema ba, Zach? tell mommy, makikinig ako"
Tumitig sya sakin at kababakasan ng pag-aalinlangan at kalungkutan.

"Mommy, sorry.." Hingi nya ng tawad sakin.
"Bakit anak? what's wrong?" Nag-aalala kung tanong sa kanya.

"Sorry kasi nahihirapan ka, sorry kasi tinikis ko si Zuri na umiyak, kahit na ako dapat ang magprotekta sa kanya." Malungkot nitong sumbong saakin habang masaganang umagos ang luha sa mga mata.

"I don't want to see Zuri crying, pero ayaw ko rin po makitang malungkot ka". Umiiyak nyang pagpapatuloy habang malungkot na nakatingin sakin.

"A-nak..." Wala akong masagot o masabi sa mga binitiwan nyang salita, yinakap ko nalang sya ng mahigpit habang umiiyak.

"Mommy to...Kuya to..., dito na si Zuri" Narinig naming masiglang sigaw ni Zuri habang hinahanap kami, agad ko pinunasan ang basang mukha ni Zach ganon din sakin.

"Anak, Zuri dito kami ng kuya mo sa sala!" Sigaw kung sagot kay Zuri.

"Nangulit ka nanaman ba kay Nana sa kabilang bahay?" tanong ko sa kanya kahit hindi ko pa sya nakikita. Nagpaalam kasi kanina na pupunta daw sya sa tindahan ni nana kasi nabobored daw sya, yung anak ko kung ano ano natutunan gawa ng tita ninang nya.

"Mammy to, kuya to! may suprays si Zuri sa inyo" sigaw ulit nito.

"Come here na Zuri, we're sitting here at the sala" Tawag ko sa kanya. At narinig ko na ang yabang nyang maliit na patakbo sa gawi namin.

"Suprays Mommy and Kuya!"Magiliw na sigaw ni Zuri may pa kumpas pa ng kamay habang masayang tinuturo ang daddy nya.

"Dito na daddy to, diba? sabi inyo di na iiyak Zuri, kasi sabi daddy uuwi na sya pagkabile nya ng kamatit at bagoong" Masayang kwento ni Zuri, habang natulala naman ako ng makita ko nga si Zachary na nakatayo sa tabi ni Zuri habang may bitbit na maleta, na akala mo buong closets nya dala.

Matiim lang itong nakatitig sakin na akala mo nangulila ng matagal na panahon, pero agad din sya umiwas ng tingin at bumaling kay Zach.

"Wattsapp buddy" how are you feeling?" pangngamusta nito kay Zach na matiim lang na nakatingin sa kanya. Mag-ama talaga kung makatitig akala mo hahalukayin buong pagkatao mo.

"Feeling better" Matipid na sagot nito kay Zachary. Napalingon ako sa kanya dahil sa gulat, sa wakas pinansin nya ang ama nya.

"Galing na kuya to daddy. Lalaro na kamiqnd hindi sya sasakit kasi iiyak ulit si Zuri pow" Agaw atensyon ni Zuri sa biglaang pananahimik ng lahat, buti nalang talaga grabe hyper nitong anak ko.

"Mommy ko, gugutom na Zuri" Patakbo itong lumapit sa akin at nagreklamo.

Agad ko naman itong kinarga para magtungo kami sa kusina at maipaghanda na sila ng makakain.

KIDNAPPED BY MY EX-HUSBANDWhere stories live. Discover now