EPILOGUE

15.5K 126 6
                                    

Katulad ng pangkaraniwang kwento ng lahat, dumaan din kami sa pagsubok ni Zachary bago naabot ang kung ano mang meron kami ngayon.

Sabi nga kapag nagmahal ka kaakibat nito ang sakit, dahil kapag hindi ka daw nasasaktan hindi ka tunay na nagmamahal.

Walang perpektong buhay. Walang perpektong pamilya. Walang sa simula palang happy ending na agad.

May mga araw na nagtatalo parin kami at hindi nag-iimikan pero sinisugardo naman namin na bago matapos ang araw maaayos namin ito. Hindi na kami mga teenager na kapag nagkaaway ay magiging matigas ang bawat isa.

May mga anak na kami at may paparating pa  kaya hindi na dapat umakto na mas bata pa mag-isip sa mga anak namin. Lalo na kay Zuri na hindi ka titigilan kapag may gustong malaman.

Ilang buwan na ang nakalipas at nasa ikaw 8 buwan na ang aking tiyan, malapit na ako manganak and hindi parin namin napag-uusapan ni Zachary ang kasal, hmp baka ayaw nya na ako pakasalan ulit since sabi nga nya hindi naman na annulled ang kasal namin.

Hes still managing his own construction firm, and halos lahat ng kaibigan nya ay nagsipagshare dito kaya mas lumago at nakilala ang ang company nya.

Kinuha rin nyang ninong ang mga ito, and iniisip ko palang na magkakasama-sama nanaman sila sumasakit na utak ko, buti nalang karamihan sa kanila may mga kasama, hindi ko lang matukoy kung mga girlfriend ba nila ang mga ito, since kung makalingkis akala mo mga sawa at halos kandungin na mga ito sa sobrang posessive.

Pero infairness ang saya nila panoorin lalo na kapag mga nag-aasal bata at nakikipagkukitan kay Zach at Zuri ang nga ito. Pero may halos kaidaran na bata nakakalaro sila Zuri, sabi ni Zach anak daw to no Ichigo na tinaguna ng anak tulad nya. Natatawa ako kapag nagkukwento sya kasi hindi sya makailag kapag yun ang topic eh.

To summarize their life now, masasabi ko na masaya at kontento na ako sa ano mang meron kami ngayon ni Zachary. Kumpleto at masaya, hindi perpekto pero nandon ang tunay na pagmamahalan.

"I love you, baby..." Nangiti nalang ako ng maramdaman ko sa likod si Zachary na masuyong yumakap sa 'kin sabay bulong nanaman ng mga salitang talaga namang kinakilig ko.

"Mas mahal kita..." sagot ko sa kanya at tuluyan ng humarap dito para sana yumakap, kaso malaki na ang tiyan ko kaya hindi ko na sta mayakap ng maayos, napasimangot nalang ako at ngumuso dahil hindi ko sya maabot.

Tinawanan lang ako ni Zachary, na aliw na aliw kapag nakikita nya akong naiinis.

"Sabi ko naman sayo, hwag mo pahirapan sarile mo eh"

"Pero kasi I miss hugging you..."
"Malapit na lumabas si baby, kaya magagawa muna ang gusto mo sakin baby, kaya kalmahan mo lang..." natatawang sagot nito sakin habang hawak ang magkabila kung pisngi at pinapatakan ng paulit ulit na magaan na halik sa labi.

Sana palagi nalang ganito, walang problema walang alalahanin.

"Mommy tooooo!"
Tumakbong palapit samin ni Zuri habang kasunod ang nakasimangot na kapatid.

"Zuri! stop running bakit ba ang kulit mo" Baling dito ni Zach. Natatawa nalang ako sa kakulitan ni Zuri at sa palaging mainitin na ulo ni Zach kapag nagliligalig na ang kapatid.

"Mommy to, Daddy to may boypwend na si Zuri" Kinikikig na kwento nito ng makalapit sa amin, pinaupo na ako ni Zachary sa sopa kasi siguradong magtatagal ang kadaldalan ni Zuri.

"What?!"
"What?!"
"Not, gonna happen, Zuri!"

Sabay-sabay namin tanong nung marinig ang sinabi ni Zuri, feeling ko mapapaanak ako ng maaga sa anak ko, sa araw-araw na ginawa ng Diyos, siya ring araw na may panibago syang nadidiskubre sa buhay.

KIDNAPPED BY MY EX-HUSBANDWhere stories live. Discover now