"IPINANGANAK KA PARA MAGIGING AKIN"
written:by twinheartCHAPTER 7
Naging magkaibigan sina Shiela at Estella,tinulungan siya nito na makabangon.
Bawat araw na lumipas si Shiela ang kanyang karamay,pinatira siya sa bahay nito at binihisan ng maayos.
Nang maalala niya ang sampung milyong binigay sa kanya ng Don.
Naisip niya na pagkapanganak gagamitin niya ang pera sa pag papa-aral ng sarili at para sa kanyang magiging anak.Naging mahirap man ang buhay niya ay hindi niya ito ininda,bagkus naging malakas pa dahil sa magiging anak niya.
Lumaki na ang tiyan ni Estella at mas lalong napamahal pa siya kay Shiela dahil ito man ay sabik rin na makita at mailabas ang bata na anak ni Estella.Kabuwanan ni Estella isang gabi mahimbing na natutulog ang dalaga ng bigla na lang sumakit ang kanyang tiyan.
Napahiyaw siya sa sakit..
"Shielaaaaa,,,,," ang sigaw niya dahil hindi niya kaya ang sakit.Bumukas ang pinto at iniluwa doon si Shiela na humahangos.
"Bakit anong nangyari hah,,?" tanong nito."Tulungan mo ako manganganak na ata ako,,",,si Estella na umiiyak na sa sakit na nararamdaman.
Nataranta si Shiela, hindi alam ang gagawin,,dumeretso siya sa cabinet at kinuha ang mga gamit sa bata na nakaready na ito.
Pagkatapos binitbit at lumabas ng kwarto,Si Estella naman ay imbis na naiyak dahil parang hihiwain na siya sa sakit ay natahimik at tiningnan nalang si Shiella kung anong ginagawa at ininwan siya nito. Gusto niyang tumawa pero mas naramadaman niya ang sakit.
"Shiella namannnnn,,"sigaw ulit niya.Bumukas ulit ang pinto,iniluwa na naman si Shiella na nakabihis nga pero tsinelas pambahay naman ang suot.
"Diyos ko naman Shiella dito mo pa yata ako balak paanakin." ang sabi niya dito."ehh kasi naman ehh! Natataranta ako." ,,at inalalayan siya nito.
"nakabihis ka nga! Pero tsinelas pambahay naman ang suot mo." ani niya na hindi maiwasang tumawa.
Nakasimangot si Shiella sa sinabi ni Estella.
"Ikaw kaya ang mataranta di ka kaya magkaganito.",,wika nito na nakipag away pa sa juntis.Sumigaw na naman siya hanggang sa hOspital,at dali dali nilang inasikaso si Estella.
Samantalang si Shiela ay hindi mapalagay na parang maiihi na hindi mawari.Ilang sandali pa lamang ay lumabas na ang Doctor,agad niyang nilapitan ito at tinanong.
"Doc kumusta ang panganganak ng kaibigan ko?",,tanong ng dalaga."Mabuti naman,,a healthy baby boy.",,sagot ng doctor "by for now ililipat na muna namin siya sa room niya, a couple of days pwede mo na siyang ilabas,,mabait ang baby hindi pinahirapan ang mommy nito," saad ng doctor na nakangiti.
Masayang- masaya si Shiela dahil may aalagaan na silang bata sa bahay nila.
Nagising si Estella at hinanap agad ang anak,,ng lumingon siya ay karga karga na ito ni Shiela.
"anak ko,," lumuluhang sabi niya.Lumapit si Shiela sa kanya at ibinigay ang bata.
"Hes so handsome and ang ganda pa ng dimple niya Estella,,im sure he's daddy also ay napakagwapo." wika ni Shiela sa kanya.
Hinalikan ang anak,sobrang saya niya at niyakap na para bang natatakot na mawala sa kanya ang anak.
"Tears of joy i know" wika ni shiela na pati siya ay naiiyak na rin pala."OO shie,,! Aalagaan ko siya ng mabuti at pakamamahalin kahit itinakwil kami ng ama niya."
"At andito pa ako para sa inyong dalawa,gusto ko ako ang magiging ninang ng anak mo Estella.." saad nito na napapangiti na rin sa wakas.
"OO naman,,ikaw pah,,at salamat sa lahat ng tulong mo sa akin hah! Kung hindi dahil sayo,diko alam kung saan kami pupulutin ng anak ko..
"wala 'yon! Ang importante ay nakatulong ako,at hindi naman ako nagkamali sa pagkupkop ko sa iyo Estella.
Your so good to be true,,ang bait mo Estella sayang lang at hindi nila nakita yon sayo,bigla ka nalang hinusgahan na hindi ka man lang nakapagpaliwanag." mahabang wika ni Shiela.