"IPINANGANAK KA PARA MAGIGING AKIN"
written:by TwinheartCHAPTER 14
Nadatnan ng mag ama si Estella sa sala,naghihintay sa pagdating ng dalawang taong mahalaga sa kanya.
Tumakbo agad ang bata pagkakita sa kanya.
"Mommy!" Tawag nito.Napaharap si Estella."Sean,," wika niya na niyakap ng mahigpit ang anak,pinupog din niya ito ng halik kahit saang parti ng mukha.
"Mom,,why you look sad,,?" Tanong ng anak,dahil nahahalata sa mukha ni Estella ang kalungkutang namamayani sa kanyang dibdib.
Hinaplos ni Estella ang mukha ni Sean."Nothing sweetheart,im just happy na nakasama kita ngayon,",,wika niya na pinilit ngumiti kahit ang mga luha ay hindi mapigilang maglandas na kitang kita ng anak.
"Then why are you crying?"si Sean ulit at pinahiran pa ang kanyang mga luha sa pamamagitan ng mga kamay nito.
"Mom,ngayon lang po kita nakitang umiiyak!" Nalungkot din ito."hindi lang mapigil ni mommy na maiyak dahil masaya lang ako Sean."ani niya.
Si Jarred naman ay nakikinig sa pinag usapan ng kanyang mag ina,hindi rin nakatiis ang binata nilapitan niya ang mga ito at niyakap ang dalaga.
"walang magbabago Estella"si Jarred habang yakap ang dalaga.Mas lalo pang humagulgol si Estella sa sinabi ng binata. Hindi niya maintindihan ang nais nitong ipahiwatig,ngunit binaliwala na lamang ng dalaga.
Yumakap din ang anak sa kanila,para silang pamilya ng mga sandaling iyon na buo at nagmamahalan.
Nagpaalam na rin sila kay Shiela,pagkalipas ng kanilang pagyayakapan na uuwi na muna ang mga ito.
"Be a good boy Sean hah! I will miss you!" si Shiela sabay yakap at halik sa bata."I always miss you too ninang! Don't forget to visit me there ninang Shie ha!" Sa malambing nitong boses.
"oo naman Sean, you know how much i love you!",,
"i love you too ninang",,Si Sean na yakap pa rin si Shiela.
Napapangiti ng lihim si Jarred,dahil sa napalaki ng maayos ang kanyang anak. Now she believes that Estella is a good mother to his son, dahil mabait at malabing din ang anak.
Pagkatapos ay si Estella naman ang hinarap nito.Yumakap sa kaibigan.
"Makakaya mo ang lahat ng ito Estella,nandito lang ako para sayo!",,wika ni Shiela."salamat,,",,tugon niyang yumakap din sa kaibigan.
Maya-maya ay bumaling ito sa binata."Ikaw na ang bahala sa kanila Jarred,alam kong hindi mo sila pababayaan.",,saad ni Shiela dito.
"Huwag kang mag alala,ako na ang bahala sa mag ina ko",,sagot naman ni Jarred dito.
Hanggang sa umalis na ang sasakyan nila,sa daan naman ay panay kwento na rin si Sean sa ama kung ano ang ginagawa niya at kung ano ang mga gusto niyang gawin.
Natatawa na lang si Jarred sa anak dahil hindi lang ito seryoso,talagang matalino din ito,nakikita niya ang kanyang kabataan dito kung ano ang ugali meron siya ay siya ring ugali ng anak.
Walang itulak kabigin ang kanilang hitsura,unang tingin palang alam na alam mo na na sila ay mag ama dahil sa itoy magkamukhang magkamukha.Hindi rin mapigilan ni Estella ang hindi mangiti, gayong ngayon lang naging madaldal ang anak.
Dumating sila sa bahay nila Estella,ang mga kasamabahay ay hindi nga nagkamali.
Tama talaga ang hinala nila na si Jarred ay ama ng kanilang alaga na si Sean.Oras ng pahinga si Sean at Jarred ay naglalaro pa sa loob ng kwarto nito,nang pumasok si Estella.
"Its time for bed sweetheart",,si Estella, inayos ang higaan ng anak.