"IPINANGANAK KA PARA MAGIGING AKIN"
written:by TwinheartCHAPTER 10
Pagdating ni Estella sa hospital ay pumunta agad siya sa Information desk para magtanong, kung saang kwarto naka occupied si Mrs Sonya Pascul.
At sinabi agad ito ng Nurse sa kanya,kaya dali daling siyang pumunta sa ICU.
Halos mawalan siya ng ulirat dahil ang daming tubong nakakabit sa kanyang ina,pumayat din ito name parang hindi na niya ito makikilala. Pumasok siya sa loob pero bago siya pinapasok ay binigyan muna siya ng PPE or (PERSONAL PROTECTIVE EQUIPMENT) like gown at mask,dahil sa masilang kalagayan nito.
Napaiyak siya sa nakikita,alam niya sa sarili na kahit malaki ang naging kasalanan nito sa kanya,hindi parin nawawala dito ang pagiging ina sa kanya. Na kahit bali baliktarin pa ang mundo,mananatil parin itong ina niya.
"Nay! Nadito na ho ako,gumising na kayo! Namis kona kayo nay,," ani niya na umiiyak parin.
"aaminin kong galit din ako sa inyo pero mas pumaibabaw parin ang pagmamahal ko sayo nay.
Sana gumising na kayo ng sa ganun magkakasama na ulit tayo nay." ang wika ng dalaga habang patuloy parin sa pagluha.
Walang makuhang sagot ang dalaga,kaya napahgulgol siya.Nang may mga kamay na humawak sa kanyang mga balikat,paglingon niya ay si Jarred ito.Tumayo siya at niyakap siya ng binata.
"Enough Estella walang mangyayari kay nay Sonya,,gagaling pa siya." ang wika nito.
Wala din sa sariling yumakap ang dalaga sa binata,dahil sa mga oras na yon ay gusto niyang may karamay para kahit papaano ay maibsan man lamang ang kanyang nararamdamang sakit sa loob.Pagkatapos maipalaas ang pag iyak ay iginiya siya ng binata palabas ng kwarto. Pumunta muna sila sa canteen at kumain doon,dahil wala pang kain ang dalaga.
Apat na araw ang lumipas ay naging maganda ang corresponding ng ina ni Estella kaya napagdisisyunan ng mga doctor na ilagay na ito sa private room.
Sa apat na araw na yon ay hindi iniwan ni Estella ang kanyang ina sa pagbabantay nito.Maging si Jarred at todo alalay sa dalaga na hindi na rin gumawang kumain. Uuwi lang ito para mapagbihis at aalis na naman agad.Naging masaya siya ng ibinalita na ng doctor na ilipat ang kanyang ina sa pribadong room.
"Tomorrow uuwi ako ng manila baka by a couple of weeks pa ang balik ko dito,total okay naman si Nanay,,don't worry ako ng bahala sa gastusin dito.And sana sa pagbabalik ko ay madala kona si Nanay sa manila para doon ipagamot ng maayos.",,ang wika niya habang nag uusap sila si Jarred sa hapag kainan.Napatingin bigla ang lalaki sa kanya.
"Masyadong maselan kung magbibiyahe pa ang ina mo,about the billings ay walang problema doon at ako ng bahala.At hindi ka pwedeng umalis ng hindi pa nagigising ang iyong ina Estella.",,ani ng binata sa kanya."Gustuhin ko mang magtagal dito pero hindi pwade may kailangan din akong aasikasuhin sa manila,may trabaho ako doon.",,si Estella.
"hindi ba pweding ipagpaliban yang trabaho mo alang alang sa iyong ina Estella,,?" Si Jarred.
"Hindi,,we have a passion show na gaganapin sa baguio at kailangan ako don,,dahil ako ang naka aassign sa show na yon.".,ani niya,at wala ng nagawa ang binata kundi ang sumang ayon.
"Sisiguraduhin mo lang na babalik ka pa Estella " wika ng binata na may pagbabanta, saka siya iniwan.
Maagang umalis si Estella na hindi nagpaalam sa binata,pero lingid sa kaalaman niya ay sinundan siya nito kung saan siya nakatira.
Pagdating ni Estella sa bahay ay pinagbuksan siya ng gate sa kasambahay,hindi makikita ang looban nito dahil sa nagtataasang mga pader.si Jarred naman ay kuntento na siyang malaman kung saan nakatira ang dalaga.
Sumalubong agad ang anak ni Estella ng umuwi siya.Kahit siya man ay sobrang mis na agad ang anak.Pati si Shiela ay namis din ng dalaga.
Nagtungo ang magkaibigang Shiela at Estella sa Baguio dahil sa gaganaping show.Kumuha agad ang dalawa ng hotel room at ang ibang stuff ay nagpareserve na lang ito.
Gabi ng show naging successful at lahat ay bumati sa dalaga na mas lalo pang hinahangaan ng lahat.
Marami ding nagbibigay ng bulaklak kay Estella.