Third Person POV
Nasa isang Hotel ngayon sina Franz, dahil bukas sila uuwi sa Manila. Tahimik na umuupo si Franz habang nagbabasa sa mga papeles nakuha nito kanina. Mabilis rin kumalat ang balita sa pagsabog ng Abandonadong gusali wala naman silang naiwang bakas ng ebedensiya para hindi malaman na sila mismo ang gumawa ng pagsabog.
"Nag order na ako ng pagkain natin after 20 minutes dadating na rito" biglang sabi ni Fang at umupo sa may single sofa, si Ava naman ay nakaharap ngayon sa laptop para maghanap ng information kay Laurent.
"I can't believe na ginawa niyo kanina you didn't inform me about it" biglang sabi ni Fang kaya tinignan ko siya nakanguso ito. At habang nagbabasa ng papel.
"It's a surprise hindi na iyon matatawag na surprise kung sinabi namin sayo" si Ava ang sumagot pero nakatingin parin ito sa laptop.
"Kahit na you should inform me kaya tignan niyo nagkasugat pa ang makinis kong balat dahil sa supresa niyo na hindi ko man lang hinandaan" sabi nito at sabay pakita sa braso niyang may bandage. I just rolled my eyes, how immature.
"Malayo naman sa bituka ah! It's not our fault kung lampa ka, you are part of the clan and you should always ready when it comes on that situations." Sabat naman ni Ava. Kaya umangal si Fang duon.
"Hindi kaya ako lampa!"
"Kung hindi ka lampa pwes clumsy ka!"
"Pareha lang naman yun ah!"
"Pwes wala na akong pake!"
"Ano bang ginagalit mo?!"
"Eh kasi ang panget mo!"
"Hoy! wala akong ginagawa sayo ah kung panget ako mukha ka namang hepothamos "
"Mukha ka namang guerilla!""CAN YOU BOTH SHUT THE FUCK UP!" Sigaw ko nang mukhang hindi sila titigil sa kakasigaw. Tumahimik naman silang dalawa pero nagsukatan sila ng tingin.
Hinilot ko ang sentido ko dahil biglang sumakit ito. Dagdag pa sa ingay nilang dalawa kung magsama itong dalawa parang aso't pusa hindi magkasundo. Hindi ko kasi sinabi kay Fang ang tungkol sa pagsabog dahil kay Ava nang malaman niya kasi na kasama ko si Fang ay sinabi niya na huwag sabihin ang tungkol sa pagsabog dahil gusto niya itong makitang magulat.
Kung nasa sa isang mission silang dalawa at magkasama para silang nagpapaliksahan hindi naman kasi magpapatalo ang isa kaya hindi sila magkasundo. Pareho ko silang kinuha nong pinapili kami ni mom kung sino ang maging assistant ko at bodyguard kaya silang dalawa ang kinuha ko dahil magaling sila sa pagkikilaban at matalino.
Makalipas ilang minuto ay may nag doorbell nagpresenta si Fang ang bubukas. Tumayo ito at nagtungo sa pinto, pinagpatuloy ko ang pagbabasa kinukuha ko rin ang mga pangalan na posibleng may kinalaman sa problema namin.
"Andito na ang pagkain kumain na tayo" sabi ni Fang na bitbit ang dalawang supot. Tumayo si Ava at nagiinat kaya tumayo rin ako at tumungo sa kusina. Naabutan namin nakahanda na ang pagkain, omelette, sutanghon, fried rice at manok ang inorder niya hindi naman ako umangal dahil gutom ako.
"Ano toh?" Bigla namang sabi ni Ava. Oh I remember vegetarian pala toh si Ava at hindi mahilig kumain ng mamantika.
"Pagkain? ano sa tingin mo?" sagot naman ni Fang habang nagtitimpla ng juice.
"I know but wala bang vegetables?" Napataas naman ng kilay si Fang habang tumingin sa kaniya. Umupo na man ako sa upuan at magsimulang kumain hinayaan ko silang dalawa dahil pagod akong sawayin ang mga toh.
YOU ARE READING
Moon's Legacy: Franzine Max Leaveant
ActionIn the story "Moon's Legacy," Franzine Max Leaveant is a powerful and mysterious woman who has the ability to control the moon's power. She's surrounded by danger and intrigue, and her story is full of twists and turns. Her legacy is shrouded in se...