Gerard POV
Pinarada ko ang sasakyan sa harap ng Cryptic Chambers, bumaba ako at sinalubong ako ni Wosyung, ang namamahala ng selda. Dito namin itinatago ang mga miyembro ng Clan na may mga malalang kasalanan. Lumapit ako sa kanya at bumaling siya sa akin, nagpakumbaba siya at nilibot ko ang paligid. Kahit matagal na akong hindi nakakapunta dito, wala namang nagbago sa itsura nito. Ito ay isang madilim na lugar na tila abaondonado. Ito ay nakatayo sa ilalim ng Clan, parang nasa ilalim ng lupa, at hindi alam ng gobyerno ang tungkol dito. Hindi namin balak sabihan sila, bagaman sumusunod kami sa mga patakaran ng gobyerno, hindi nangangahulugan na konektado kami sa kanila. Ang alam lang nila ay isa kaming manggagamot, at kami ang gumagawa ng lahat ng gamot dito sa Pilipinas, hindi kami kumukuha sa iba dahil may sarili kaming gawa.
"Napakatagal na nating hindi nagkita, My lord," ang sabi ni Wosyung nang magsalita ito. Tumango lamang ako.
"Yeah," mariin kong sagot sa kanya, parang tinatamad akong magsalita.
"Pupuntahan mo ba ang kapatid mo? Si Lady Antonette?" tanong nito, binitiwan ko ang hininga at naglakad papasok.
"Hindi pa, kailangan kong makausap ang isang tao, dalhin mo ako kay Laurent Perrier," utos ko sa kanya, at agad siyang naglakad papunta roon.
Sa Cryptic Chambers, ako ang nagpapasya. Hindi ko nais maging tagapagmana ng aming Imperyo, at hindi rin ako puwedeng maging pinuno ng Clan dahil babae ang dapat mamuno rito. Iniisip ko rin na si Antonette ay hindi rin interesado sa pagiging lider dahil sa bigat ng responsibilidad nito. Nagsabi siya sa akin tungkol sa pagiging pinuno ng Clan, ngunit tumanggi siya dahil mas gusto niyang pamunuan ang aming Imperyo upang magkaroon ng mas focus kaysa sa tatlong emperyo na dapat niyang pamunuan. Kung ako ang nasa kanyang posisyon, ganun din ang isasagot ko. Hindi basta-basta ang maging lider, dahil kailangan mong ialay ang iyong buhay sa isang pagsubok na ikaw lamang ang makakaraos.
"Andito na tayo, My Lord," huminto kami sa isang silid ng bakal. Binuksan ito ni Wosyung at nakita ko ang napakadilim na silid, may maliit na bintana sa itaas na nagbibigay liwanag.
"Turn on the lights, Wosyung," utos ko, at kaagad naman niya itong ginawa. Pumikit ako habang binubuksan ang ilaw, at nang buksan ko na ang aking mga mata, nakita ko ang isang babae na nakaupo sa isang tabi, may posas sa kanyang mga paa, habang nakatitig sa akin.
Napako ang tingin ko sa kanya. Kahit magulo ang kanyang buhok at hindi gaanong maayos ang suot, maganda pa rin siya. Iniwas ko ang aking tingin at tiningnan ang paligid, mayroong maliit na higaan at palikuran. Bumuntong-hininga ako at lumapit sa isang upuan. Inilapit ko ito sa kanya, halos hindi kalayuan, at ilang minuto kaming nagtitigan bago siya nagsalita.
"What are you doing here?" tanong niya ng may seryosong mukha. Maganda pa rin siya kahit hindi siya nakaayos.
Bakit ko pa rin siya pinupuri sa ganitong sitwasyon?
"Wusyung, iwan mo muna kami," sabi ko habang nakatingin pa rin sa kanya.
"Si, My lord," at naramdaman ko na sinira na niya ang pinto.
"Ano ang iyong dahilan?" simula ko, hindi ko kayang magtagal dito, hindi pa rin ako komportable.
"I see, sinabi ko na ikaw ang makakausap ko. Tsk!" sabi niya habang ngumingisi, umupo siya at tiningnan ako ng malalim. "Gusto mo bang malaman ang totoo? I used you." It felt like something blocked my ears when I heard her say that.
"What? N-no..." Iyan lang ang nasabi ko sa kanya. Ngunit seryoso akong tumingin sa kanya, hindi pa rin ako nagpatinag sa ngiti, bagaman may isang bahagi sa isip ko na nagsasabing totoo ang kanyang sinasabi, kalahati naman ay nagdududa ako.
YOU ARE READING
Moon's Legacy: Franzine Max Leaveant
AcciónIn the story "Moon's Legacy," Franzine Max Leaveant is a powerful and mysterious woman who has the ability to control the moon's power. She's surrounded by danger and intrigue, and her story is full of twists and turns. Her legacy is shrouded in se...