Stephen's POV
"Stupid!"
"You're worthless."
"No one is going to accept you."
Mga salitang tumatak sa isip ko. Mga salitang di ko malimutan. Mga bulong na ako lang ang nakakarinig.
"Just please stop! I don't want to hear it!" Pabulong kong sabi sa sarili ko.
"You will never get ahead!"
"Tigil na please! Ayoko na!"
Nagulat ako ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at bumungad ang kapatid ko.
"Stephen? What's happening?" Tanong ni Stacey sakin.
Biglang nawala yung mga bumubulong sakin. Nawala yung mga boses.
"H-huh? O-okay lang ako." Sabi ko sa kanya.
"I heard you screaming. May nangyari ba?" Nag aalalang tanong niya sakin.
"W-wala. Nag pa-practice lang ako para sa play namin." Pag dadahilan ko sa kanya.
"Play? I never knew interested ka sa play. Keep going! Hintayin nalang kita sa baba." Sabi niya at sinarado na ang pintuan.
Pag sara ni Stacey ng pinto ay napa buntong hininga ako. Walang alam yung family ko na I'm struggling with this. Takot ako mag sabi sa kanila, di dahil sa hindi nila ko susuportahan kapag pinaalam ko sa kanila, hindi ko lang kaya i-handle yung situation kapag nakita ko reaction nila.
Tumayo na ako at nag simula na mag asikaso ng sarili dahil may klase ako ng ala una. Pagkatapos kong mag asikaso ay inayos ko na yung mga gamit ko at tsaka bumaba na dahil kanina pa nag hihintay si Stacey sakin.
"Oh! Ayan na pala ang kuya mo, Stacey." Bungad sakin ni Mama.
"Ma! Kung maka kuya ka naman akala mo ang laki ng tanda sakin! 5 minutes lang ang agwat namin oh!" Sabi ni Stacey.
Yes, kambal kami. Mas nauna lang ako lumabas sa kanya ng 5 minutes kaya di uso samin ang pag tawag ng 'kuya'.
"Ano yung sinasabi ng kapatid mo? Sumali ka sa play? That's great! At least hindi ka naka kulong sa kwarto mo mag hapon pag walang pasok." Sabi ni Mama.
If you only know, Ma. You'd understand.
"A-ah yes, sumali ako." Sagot ko nalang.
"So, kelan niyo yan ipe-perform? Manonood kami ha!" Masayang tanong ni Mama.
"Hindi pa po namin alam. Sabihan nalang po kita." Sagot ko.
Napansin ko yung oras at 11:57 na. Kelangan ko na umalis para hindi ma late sa klase.
"Mauna na ko sayo, Stacey. Baka ma late po ako, Ma. Mauna na ko kay Stacey." Paalam ko kay Stacey at kay Mama.
"Hala! Hindi mo ko aantayin! Ang daya mo naman, Pipen!" Sabi niya sakin at nag pout pa.
"Don't call me that! Mauna na ko sayo, ayoko ma late. Sige na, bye." Sabi ko at umalis na.
"Ingat ka, nak!" Pahabol ni Mama.
Ini-start ko na yung kotse ko at maya maya ay nag simula na mag drive papunta sa school.
"You're just going to embarrass yourself at school."
Rinig ko nanaman yung mga bumubulong sakin. At bumibilis ang tibok ng puso ko.
"You should end your life, no one wants you here."
Napatigil ako sa pag drive sa narinig ko. End my life?
"Yes, end your life."
"Please, stop! I don't want to end it!" Nararamdaman ko nanaman na nag papanic ako.
"Your life is not worth living anymore."
"Tumigil ka na please! Ayoko na marinig yan! Kahit ngayon lang! Give me one normal day, kahit ngayon la-" Nagulat ako ng may kumatok sa bintana ng kotse at tinignan ko kung sino yung kumakatok. Si Alana. Agad kong binuksan ang bintana ng kotse at nagulat siya sa itsura ko.
"Okay ka lang?" Tanong niya agad sakin.
"W-what?"
"Ang sabi ko, okay ka lang ba? Kasi napansin ko parang sumisigaw ka kaya nilapitan ko yung kotse mo." Sabi niya sakin.
"A-ah o-okay lang ako." Sagot ko.
"Sure ka? You can tell me anything naman, if you want." Nag aalalang sabi niya sakin.
"Y-yes sure ako. Thank you for your concern." Sabi ko at ngumiti sa kanya.
"Okay! Drive safely!" Sabi niya at nag simula na mag lakad. Mag lalakad lang siya papuntang school? Ang layo ng lalakarin niya.
"Alana!" Tawag ko sa kanya at lumingon naman siya.
"Yes?"
"Sabay na kita, baka ma late ka pa. Sabay mo na rin si Asher." Sabi ko sa kanya.
"Oh, really? Hala nakakahiya." Sabi niya at agad ko naman nakita si Asher na kakalabas lang sa bahay nila.
"Uy! Stephen, bakit dito ka naka stop? Susunduin mo ba si Alana?" Asar na tanong ni Asher sakin.
"Hindi. Nag stop lang talaga ko para tawagan ka sana at isasabay kita papuntang school." Sabi ko sa kanya.
"Talaga ba? Hahaha! Sure, sige! Sabay ka na, Alana." Sabi ni Asher at pumasok siya sa passenger seat at si Alana naman sa likod.
Sa buong byahe namin papunta ng school ay tahimik lang si Alana siguro dahil sa hindi siya maka relate sa pinag uusapan namin ng kapatid niya. Nang marating na namin yung parking lot ng school ay bumaba na agad si Alana at nag paalam samin dalawa.
I'll be surrounded by too many people again. Sana man lang maging normal tong araw na to at hindi sana ako mag panic o dalawin ng anxiety.
Huminga muna ako ng malalim at tsaka nag simula na mag lakad kasama si Asher. Nakita namin agad sila Erin, Third, Clarenz at Isaac sa entrance ng school kakababa lang din sa kotse ni Isaac.
"Yow!" Tawag samin ni Clarenz.
"Ang daya niyo ah! Di niyo ko sinabay, may sariling mundo etong dalawa oh!" Sabi ni Erin.
"Parang di tayo magkasama kahapon, Erin ah." Sabi ko sa kanya.
"Iba kasi ang way nilang dalawa, Erin. Mas malapit sila sa school at sila ang magkalapit. Wag ka na mag tampo, sinabay ka naman ni Isaac eh." Sabi ni Third.
"Sabi ko nga." Sabi ni Erin.
"Magsi-pasok na kayo sa klase niyo. Mauna na ko. Mamaya nalang ulet kapag vacant na natin. San ko kayo kikitain?" Tanong ni Isaac at ni-lock na yung kotse niya.
"Usual spot, sa may football field." Sabi ni Clarenz.
Okay, dati talaga akong student ng CSB, from Grade 1 to Grade 6 dito ako nag aral, nung nag high school na ko ay lumipat ako ng ibang school at ngayong college naman ay bumalik ako ulet ng CSB dahil sa gusto ko ulet sila makasama.
"Bye, guys! See you later! I love you!" Pasigaw na sabi ni Erin samin at sumama na kay Isaac.
And so, my day begins. I hope this will be as normal as I had wished.
BINABASA MO ANG
Hey, Stephen
RomanceWhat does it feel when you like the same guy for 10 years without him knowing? Alana Alondra Mendoza has been crushing Stephen Areja for 10 years, her brother's best friend. Alana wanted to know what personalities Stephen has because she never got a...