Stephen's POV
Andito kami sa football field ng school at naka upo kami sa bleachers. Hindi na ako sumama sa kanila papunta sa bahay nila Asher dahil may errands ako at sinabi kong kikitain ko nalang sila sa usual spot namin sa school.
"Stephen, kamusta errands mo?" Tanong ni Clarenz sakin.
"Okay naman. I felt okay." Sagot ko sa tanong niya.
They all know what I'm suffering with at alam din nila na I'm undergoing a therapy. They've been supportive at hindi nila pinaramdam sakin na iba o naiiba ako sa kanila. Sobrang swerte ko sa kanila kasi sila yung mga naging kaibigan ko. I've been friends with them since grade school ako at lumipat lang ako nung nag high school na at bumalik ulet sa CSB nung college na.
"Mabuti naman kung ganon. If kelangan mo ng kausap, andito lang kaming mga kaibigan mo." Sabi ni Isaac sakin at tinapik ang balikat ko.
"Salamat sa inyo." Sabi ko at ngumiti sa kanila.
Hindi ko parin makalimutan yung encounter ko kay Alana kanina, para siyang nagpa-panic kanina nung ikalawang beses na naka encounter ko siya. Para ba siyang di mapakali sa nakikita niya sakin at alalang alala siya sakin. Pero, bakit kaya?
"Bro, tulala ka nanaman dyan." Nagulat ako ng biglang naramdaman ko ang kamay ni Erin sa balikat ko at napalingon ako sa kanya.
"H-huh?"
"Ang lalim ng iniisip mo." Sabi niya sakin at ngumiti.
"Hindi ah! Ang weird lang kasi." Sabi ko.
"Ang alin ba?" Tanong ni Third sakin.
"Asher, pwede ba mag tanong?" Sabi ko at tumingin sa kanya.
"Nag tatanong ka na. Pero sige, ano ba tanong mo?" Natatawa niyang sabi.
"Bakit parang nagpa-panic si Alana? Nilapitan niya kasi ako kanina at parang paranoid siya, and tinatanong niya if okay lang ba ako? Is she always been like that?" Tanong ko sa kanya at nakatingin silang lahat sakin.
"Oh! Madali kasi siya makapansin kapag alam niyang may mali or bothered yung isang tao. She's very observant. Pasensya ka na, Stephen." Sabi niya sakin.
"No, okay lang. Pero bakit siya ganon?" Nag tataka kong tanong kay Asher.
"Well, I think ikaw nalang mismo mag ask sa kanya. Ayoko pangunahan kapatid ko." Sabi niya.
Nauunawaan ko naman siya bilang mas naka tatanda kay Alana at alam ko na kung ano man ang dahilan kaya ganon si Alana ay may malalim na dahilan.
"Tara na! Malapit na matapos vacant natin. Balik na tayo sa campus." Pag aya ni Third at nagsi-tayuan na kami at nag lakad pabalik ng campus.
Habang nag lalakad kami ay nakaramdam ako ng kaba, dahil sa dami ng tao ang nakikita ko ngayon. Pakiramdam ko ay nakatingin sila sakin lahat at hinuhusgahan nila ako.
Sa sobrang takot ko ay napa takbo ako ng mabilis at narinig kong tinatawag nila ako ngunit hindi ko na sila pinansin.
Hindi ko alam san ako dadalhin ng mga paa ko pero napadpad ako sa rooftop ng school. Buti nalang walang tao.
Umakyat ako sa nag sisilbing harang sa rooftop at nakita ko ang buong campus ng school. Sobrang lawak at sobrang linis. Nag muni muni ako at naisipan kong tumayo para mas makita ang view ng school. Napaka ganda at sobrang aliwalas ng lugar. Nanatili akong naka tayo ng 10 minuto at nagulat ako ng biglang bumukas ang pintuan at nagulat rin ako kung sino ang nag bukas.
"Gusto mo ba mag pakamatay?!" Naiinis niyang sabi habang papunta sa direksyon ko.
"Hindi. Hindi naman ako tatalon naka tayo lang ako." Sabi ko sa kanya at ngayon ay naka tingin siya sakin ng masama.
"Naka tayo?! Eh pano kung nag kamali ka ng hakbang dyan or dumulas yung paa mo. Edi ano na mangyayari?!" Pakiramdam ko nagpa-panic nanaman si Alana.
"Okay, okay. I'm sorry, wala naman akong balak tumalon." Sabi ko sa kanya at bumaba na papunta sa kanya.
"You scared me, Stephen." Sabi niya sakin ng makalapit ako sa kanya.
"Okay lang ako ano ka ba haha! Wala akong balak tumalon, okay?" I assured her.
"Why are you here anyway? Kanina kasama mo lang sila kuya?" Tanong niya sakin.
"Well," Ang tagal kong sabihin yung dahilan kung bakit ako andito dahil hindi ko alam kung ano ba sasabihin ko sa kanya.
"Tumambay lang ako dito. Gusto ko lang ng oras para sa sarili ko." Pag dadahilan ko sa kanya at tinignan siya ngunit naka taas ang kilay niya sa kaliwa na para bang alam niyang hindi ako nag sasabi ng totoo.
"Okay, fine. Andito ako kasi nag trigger ang social anxiety ko and panic attack." Pag admit ko sa kanya.
"W-wait? So you're saying na you're suffering from those things?" Tanong ni Alana sakin at ang tono ng boses niya ay parang nag aalala sakin.
"Yes, I am." Sagot ko sa kanya.
"Kelan pa? I mean, hindi ko nahahalata sayo. But okay ka naman now?" She asks.
"Yup! Okay naman na ako nung nakita ko yung view ng school." Sabi ko sa kanya.
"I'm sorry." Wait, bakit siya nag so-sorry sakin?
"Why are you saying sorry?" Tanong ko sa kanya.
"Well, I know how you feel kasi. I mean, alam ko kung ano pakiramdam ng may social anxiety at ano feeling kapag nag trigger ang panic attack." Explain niya sakin.
What does she mean alam niya ang feeling ng may social anxiety at panic attack?
"Wait, what do you mean alam mo yung feeling?" Tanong ko sa kanya naka upo kami ngayon sa sahig.
"Well, as you can see. I experienced those before, kaya nga si Raven lang talaga ang kaibigan ko diba? Takot ako makipag socialize before, though I think hanggang ngayon naman siguro, pero hindi na gaya ng dati. And yes, na experience ko rin yung magkaron ng panic attack." Sabi niya sakin.
Nagulat ako sa nalaman ko about sa kanya, hindi ko mawaring maisip na same experiences kami.
"Is that why parang worried ka sakin simula kaninang umaga? And parang paranoid ka?"
Tanong ko sa kanya."Yes. I didn't mean to scare you or what. Hindi ko rin alam bakit naging paranoid ako simula kanina. I'm sorry if I scared you." Sabi niya sakin.
"No, you actually didn't. But, thank you." Sabi ko sa kanya.
"If you need someone to talk to, you can always reach me out. I'll be happy to give time to you. I'm all ears." Sabi niya sakin at ngumiti kaya ngumiti din ako pabalik sa kanya.
"Thanks, Alana. Ikaw rin, if kelangan mo ng kausap or kaibigan, I'm also here." Sabi ko sa kanya at napa buntong hininga naman siya.
"We should go down. Baka hinahanap ka na nila kuya at baka hinahanap na din ako ni Raven." Sabi niya at pumunta na papalapit sa pintuan at sinundan siya pababa ng rooftop.
I feel a little comfortable talking to her, we never had an actual conversation sa ilang taon na kami magkakilala. Eto yung first ever conversation namin dalawa. I guess talking to her more won't hurt, would it?
BINABASA MO ANG
Hey, Stephen
RomanceWhat does it feel when you like the same guy for 10 years without him knowing? Alana Alondra Mendoza has been crushing Stephen Areja for 10 years, her brother's best friend. Alana wanted to know what personalities Stephen has because she never got a...