SaboTage

204 11 27
                                    


"Sometimes, mas trip mo na lang din maging jobless kaysa makahanap nang boss na mas masungit pa kay Aling Baby."
_


_____

Previously ¦: "Ate bangon na kanina kapa tinatawag ni papa.. May bisita ka.." bungad ni June, nakababata niyang kapatid.

"Bisita? Sinong bisita?"

"boss mo daw." - June

"Boss? Huh?" napa bangon si Prins para daluhan ang "boss nito."

"Ikaw?!" bulalas niya ng makita sa sala ang babaeng "boss" ng company na pinag-applyan niya. Napansin din ng dalaga ang mga tambay na nagsisiksikan sa labas habang sinisilip ang naka dekwatrong blondy na babae.


"It's not nice to treat your boss like this Ms. Roman."







____






🤦‍♀️

_________

CHAPTER 02

"Ang boss kong may tupak."

*Continuation ¦: "Ma'am, malinaw ko pong sinabi sa inyo na hindi na ako tutuloy sa application ko sa company niyo."

"Ito ang problema talaga sa mga katulad niyong mahihirap, trabaho na ang lumalapit inaayawan niyo pa, this is an opportunity Ms. Roman yet dini-decline mo lang?"

"Kagabi pa'to ah.." - sa isip ni Prins

FLASH BACK / Last Night :

Nang makauwi; gaya nang dati, diretso sa kama, tapon ang gamit sa sahig at titig sa kisame, subrang haba nang araw na ito para sa kanya.

Bumangon siya para maligo ngunit ilang saglit pa ay naka-tanggap siya ng isang text message from unknown number.

"Sino naman 'to?" anang dalaga habang tinitingnan ang text notification niya.

From: 09388xxxxx

"Up until 10 kita aantayin bukas, don't be late."


Saglit na napaisip si Prins kung sino yung nag text, hanggang sa naalala niya ang isang tao.

"Si Ms. Witchy -" ani nito bago mag-reply.


To: 09388xxxxx

"Sorry sa abala pero hindi po ako tutuloy, salamat na lang."

__

"Trabaho na nga lumalapit sayo inaayawan mo pa."
__
"kung ikaw ang magiging boss ko wag na, mas gugustohin kong maging tambay kaysa maging empleyado mo."
__

Ilan lang yan sa palitan ng text messages ng dalawa.

"Kaya mas humihirap ang pilipinas kasi mga gaya mo na hindi marunong mag grab nang opportunity, wala bang tinurong Introduction to Economy sa inyong public colleges?"

"Aba! nilait pa school ko- bahala na magalit di naman ako papasok sa company niya." anang dalaga nang makaramdam nang inis.

"Wala rin bang GMRC sa private school niyo? Ang sama nang ugali niyo kasi? tsaka saan niyo ba nakuha yung number ko?"

Prins and the WitchyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon