PROLOGUE
“Time heals everything... perhaps not.”
The wounds are gone and the scars are not that visible now. But I can still remember everything, as if it is engraved in my heart. Those experiences are like a stain, a sentimental stain that changes me.
Can time really heal us? Or does it just allow us to get used to the pain from our past?
“Condolence,”
“Nakikiramay kami,”
“Magpakatatag ka iha. Magiging maayos din ang lahat.”
Patuloy ang pagdating ng mga tao. Marami ang nakikiramay sa pagkamatay ng nanay at tatay ko. Palibhasa ay isang konsehal at public teacher, marami silang kakilala na nakikiramay sa akin ngayon.
Huling lamay na. Mas dumagsa ang mga tao kaya abalang-abala ang paligid. May mga naglalaro ng baraha at bingo, may mga nagkakape, kumakain at may mga nagkukwentuhan. Mayroon ding mga kadarating pa lamang. Isang pilit na ngiti lang ang sagot ko sa kanilang lahat bago ako nagpatuloy sa paghahanda ng mga pagkain at pagbati sa mga dumarating pa. Halos siksikan na sa rami ng tao pero sa kabila noon, hindi ko pa rin maiwasan na makaramdam na mag isa ako. I still feel alone.
Hindi naman lingid sa kaalaman ko na ampon ako. Hindi inilihim nila Mama at Papa sa akin ang tungkol sa totoo kong pagkatao. Nakamulatan ko na ang mga kwento kung paano ako napapunta sa puder nila. Nagta-trabaho raw sa bar ang babaeng nag-iwan sa akin kay Mama. Kaibigan daw ng babaeng ‘yon ang totoo kong ina. Samantalang ang tatay ko naman, ayon sa babaeng iyon ay isang half Russian half Filipino business man. Hindi naman maipagkakaila sa itsura ko ang bagay na ‘yon. Pero kahit na hindi nila ako totoong anak, minahal at pinalaki naman nila ako ng maayos.
Ibinigay nila ang mga kailangan ko at sinuportahan nila kahit ang mga luho ko. Hindi nila ako pinipigilan sa pagpunta sa mga concerts at pagbili ng mga photocards ng mga idol ko. Lahat ng meron ako, ipinagpapasalamat ko sa kanilang dalawa.
Biglaan ang pagkawala ng mga kinilala kong magulang. Naaksidente ang sinasakyan nilang motor pauwi galing sa trabaho. Patay rin ang driver ng kotseng nakabangga sa kanila. Ang alam ko ay sila tita na ang nakipag-usap sa pamilya ng driver. Sabi nila ay huwag na akong makialam.
Palaging sinasabi ng mga bisita na magiging maayos din ang lahat. I just need to be strong and that’s it... Kaya ko na. Kaso, totoo ba? Naninibago na nga ako na wala sila ngayon e at pagkatapos ng libing bukas, for sure mas maninibago ako.
Sabi nila, the changes we undergo are the beginnings of many firsts. Inihahanda ko na ang sarili ko sa mga magiging first ko after ng libing pero alam kong magiging mahirap pa rin.
I’ve been with them for 18 years. 3 days pa lang silang nawawala. Masasanay kaya ako na wala na sila?
“Magpahinga ka muna, MJ. Ako na muna ang mag-aasikaso sa mga bisita.” Kinuha ni Kael ang mga dala kong juice at tinapay. Mukhang pagod na rin siya katulad ko. Simula noong unang araw ng burol ay kasama ko na siyang mag-asikaso. Alam kong wala pa rin siyang maayos na tulog pero heto at nakangiti pa rin siya sa akin ngayon.
Tumango na lang ako at hinayaan siya. Baka nga kailangan ko na magpahinga. “Magpahinga ka na rin pagkatapos niyan.”
“Yes, boss!” Nakuha niya pang sumaludo sa akin. “My cousins will come later to help us. Kompleto sila kaya masasamahan kita mamaya. I know you can’t sleep alone.”
YOU ARE READING
Sentimental Stain (Dela Vega Series #4)
Roman d'amourMaraiah Jecelle Guzman and Kael Dela Vega have been inseparable ever since they were kids. They always got each other back. Their bond deepened as they grew up, blossoming into something more than just friendships. MJ is in denial about her feelings...