22

411 30 6
                                    

ELOISE POV'S:

After an hours of training..

South Headquarters.


"Deathrow. Ipagpatuloy n'yo lang ang pag pra-practice dahil pupuntahan ko muna ang mga alaga ko." Sabi ko kay Landon habang nag pupunas ng pawis.

"Sige empress. Tara Suno, Killer Duchess, and Deadly Pink mag practice na ulit tayo."

"Ba naman Deathrow wala bang pahinga muna d'yan. Kanina pa tayo nag pra-practi---wooy! Grabeh ka naman Empress." Hinagisan ko kasi s'ya ng dagger ko. Mabuti nalang at nailagan n'ya 'yon dahil kung hindi patay talaga s'ya.

"Mag practice na kayo kung ayaw n'yong mamatay ng maaga." Malamig kong sabi sa kanila. Nakita ko namang napalunok ang tatlo maliban kay Landon.

"E-empress, easy! I-ito na nga at mag pra-practice na po. Tara na nga! Ayaw ko pang mamatay huhuhu." Sagot naman ni Gavin sa kanila at hinila ang dalawang babae patungo sa isa pang training room kung saan ang tawag sa kuwartong iyon ay illusion training room center.

Sa illusion training room center makikita dito ang iba't-ibang uri ng mga kalaban. Katulad ng mga malalaking halimaw na parang makikita mo sa isang fantasy book. Mga patibong na kung saan ay may lalabas dito na mahigit ilang daan na daggers, katana at s'yempre hindi mawawala ang laser at baril. Mayroon ding mga assassin o mga gangster na malalakas. Pero sabi ko nga lahat ng iyon ay isang illusion lamang.

Ginawa ko ang training room na iyon ay para mas lumakas pa ang aking physical at mental health. Dito mo kasi masusukat kung gaano ka kabilis kumilos at kung gaano ka kabilis mag isip para talunin ang kalaban.

Sa loob kahit illusion lang ang lahat ay makakaramdam ka ng sakit kapag nasugatan ka. Yung feeling na sobrang dami mong natamong sugat na halos mamatay ka na, pero pag dating mo sa labas ay wala ka naman palang sugat pero yung sakit na natamo galing sa loob s'yempre ramdam mo parin kasi pagod ka eh. Gets niyo ba? Kung hindi bahala po kayo, hahaha kidding.

---------

Sa Wildest House (isa sa mga bahay ni Empress kung saan nakakulong ang mga alaga niyang hayop.)

"Hmmm.. bakit parang kulang kayo ng isa?" Binilang ko naman silang lahat ulit at napakunot ng noo ng mapansing kulang talaga sila. Sampu dapat sila nandito pero s'yam lang sila.

"Mahal na Empress!" Sabi ng isa sa mga nag babantay dito sa kulungan. Lumuhod naman ito sabay yuko na parang ganito - 🙇🏼‍♂️.

"Tumayo ka." Malamig kong sabi. Nakita ko naman itong nanginginig sa takot. "Ano ang nangyari."

"Mahal na Empress. Patawad po dahil sa aking pabayaan! Ako ay nakahanda sa anumang parusa na ibibigay---"

"Ang sabi ko anong nangyari."

"Na-nakatakas po si Taiga! Kanina po kasi habang nag papakain po ako ay bigla nalamang s'yang nag wala at tumakbo papalabas. Mukhang nakulangan po sa pagkain. Naubusan na po kasi ng stock mahal na Empress kaya bumibili na po ngayon si Ernesto ng mga pagkain nila. Patawad po talaga Empress!" Sabi nito habang kinikiskis ang dalawang palad.

Napabuntong hinga naman ako at hinilot ang sintido. Malaking problema ito lalo na at baka may makakita kay Taiga. Hindi naman ako nag aalala kay Taiga kundi sa mga taong makakasalubong niya.

Lahat ng mga alagang hayop ko dito mga well trained. Kaya rest in peace nalang talaga sa mga taong makakasalubong niya.

"Bantayan niyo ng maayos dito. At kapag may nakatakas pa na isa dito ay hindi ako mag da-dalawang isip na ipakain kayo d'yan. Maliwanag ba?"

The Military Captain Meet Reincarnated Empress Where stories live. Discover now