Ikaw Na Sana
Ilang kamay na rin ang nais abutin
Ngunit para akong nakikipagkamay sa hangin
Dinama at pinalipas ang sakit
Umaasang may darating na para sa akin
May isang kamay na di gaanong pansinin
Ngunit sa muling pagtingin
Makikita ang tinatagong kagandahan
Na wala sa iba at sa karamihan
Ikaw na sana ang makasamang magbukas ng pinto
Patungo sa natatangi at bagong mundo
Isang binate at isang dalaga
Bubuo ng magandang pagsasama
Ngunit kung ang kamay mo ay di para sa akin
Kahit na lubhang masakit
Gagawin ko pa rin
Na ikaw ay palayain
Katiting Na Pag asa
Nasabi na ang dapat sabihin
Narinig na ang dapat marinig
Bakit hindi pa rin
Makaalis
Alam na wala na
Bakit ipipilit pa?
Paano kung mayroon pa?
Pagbibigyan pa ba?
Hayaang oras ang magpasiya
Sa mga bagay na di nakikita
Hayaang bumukas ang pinto
Patungo sa iyo
Unti unting nasira ang pag-asa
Maglalapit sa ating dalawa
Ako na lang ang kumakapit
Kailangan nang bumitiw
Alam na wala na
Bakit ipipilit pa?
Katiting na pag-asa
Mawala ka na
Hayaang tumulo ang luha
Ito ay matatapos na
Hayaang sumara ang pinto
Patungo sa iyo
Alam na wala na
Bakit ipipilit pa?
Kahit na masakit
Ako ay aalis
See
When I close my eyes
I still see your face
I don't know why
It doesn't go away
When I close my eyes, I just think of you
These thoughts and feelings make it seem like I have you
Still hoping that things will be so
Even if you already said no
When I close my eyes
My heart still aches
And I don't know why
These feelings still stay

YOU ARE READING
Mansanas at Guavas Poetry and Prose
PoetryCollection of poems and essays about hope and love.